Part 24 - Tell me your secret

4.6K 187 16
                                    

Tinawagan ako ni Claire, may pagka cold akong makipag usap sa kanya, syempre ayokong magmukha nanamang tanga.

She asked me out.

Dahil nakipag kasundo na ako sa gusto niya, pumayag na din ako sa paglabas namin.

Nakarating na ako sa sinasabi niyang place. It's a garden.

Namangha ako sa ganda ng garden na yun. Trimmed ang mga halaman na may kung anu-anong shapes and designs. Napakarami din ng mga bulaklak sa paligid, ang sarap pag masdan, nalilimutan mo saglit yung mga problema mo.

Naglakad pa ako ng konti, kasi sabi ni Claire, hanapin ko daw yung sign na may nakadrawing na puso.

Natanaw ko na yung sign, bago pa ako makalapit ng lubos, nakita ko na agad ang mga bulaklak at candles sa isang path na papasok sa loob ng mukhang isang green house. Punong puno din ng halaman ang paligid nito na nagpaganda sa structure ng place.

Tama ba 'tong ginagawa ko? Tama ba na pumayag ako sa gusto ni Claire? Alam kong masasaktan nanaman ako.

Sinundan ko ang mga kandila, dinala ako nito sa loob ng greenhouse. Namangha ako sa decorations sa loob. Aerole themed ang paligid, itt reminds me of....

First meeting namin ni Claire. Sa isang taekwondo event na ginanap sa Aerole.
Madami akong naalala sa mga nakikita ko ngayon, it brings back memories.

Biglang lumabas si Claire, nagmula ito sa likod ng isang hotdog stall. She's wearing her taekwondo uniform at may hawak pa itong hotdog. Nakangiti siyang lumapit sken.

She is not the same Claire na nakita ko noon, cool and arrogant. Ang nakikita kong Claire ngayon ay very soft and sweet.

Habang papalapit siya, hindi ko na maintindihan ang mararamdaman ko, kung matutuwa ba ako or magmamatigas lang.

She's now in front of me.

"Hi. Would you like some?" Malambing na offer niya ng hotdog sandwich.

"Claire, what is this?"

She smiled.

"The first time I saw you eating this, I already felt something, pero siyempre we don't know each other yet kaya wala akong lakas ng loob. But I want to reenact the scenes."

"What do you want?" May pagkacold kong tanong sa kanya.

"I want to spend more time with you. I don't want to waste any more opportunities to be with you."

Ofcourse gusto ko din. Sobra ko siyang namiss.

"Don't you think it's too late?".

"No It's not." Inabot niya ulit yung hotdog sandwich.

Kinuha ko na naman.

"Nung mga oras na kumakain ka niyan noon, you look so funny." Natatawa ito habang inaalala ang mga pangyayari.

"Aasarin mo lang ba ako?" Nag galit-galitan ako siyempre.

"No. Nung mga oras din na yun, you don't know how much I want to tell you how beautiful you are, kahit na puno ng hotdog yang bibig mo. You are the most gorgeous woman I've ever seen. It took time for me to say I love you, but I've always loved you. Kahit may pagka cold-hearted ako noon, I always think of you first. Kahit na na-bully kita noon, maybe that's my defense mechanism kasi di ko matanggap na mahal kita."

Im speechless. Hindi ko alam kung paano magsasalita. All I want is to hug her. But how? I can't just let my guard down. But we made a deal. She wanted to act normal for a day. Siyempre rason ko nalang yung kasunduan namin para magawa ko yung gusto ko.

I'm Inlove with a MonsterWhere stories live. Discover now