Part 7 - Can you convert her?

6.6K 251 4
                                    

"Magpahid ka lang ng cream na binigay ko everyday after mong maglinis ng katawan. That'll ease the pain."

"Thank you po." Sabi ko sa nurse.

Nasa tabi ko pa din si Liza. Nagaalala ito.

"Liza , maraming salamat ha?"

"Wala yun."

"Baka pag initan ka na din niya eh." Ngumiti lang ito.

"I'm not scared Astrid, kung hindi ko yun ginawa, baka lalo lang akong nagsisi na wala akong nagawa para sayo."

"Why are you helping me?"

"Gusto lang kitang tulungan." Hinaplos niya ang pisngi ko, nakaramdam naman ako ng kakaibang feeling sa paghaplos niya sa mukha ko, pero hindi to kuryente, but something else, hindi ko lang ma-explain kung ano.

Pagkatapos namin sa clinic, kasama ko pa din si Liza na bumalik sa room. Hindi kami pinansin ni Clarette, kahit si Liza hindi nito pinansin ng dumaan ito sa harap niya.

Parang lalo akong natatakot sa mga nangyayari. Pero this is enough, hindi na pwede tong mga ginagawa niya sa akin, kung matanggal ang scholarship ko dahil sa gagawin kong pag laban, then be it.

Lunch break na. Naisipan ko ng pumunta sa canteen, sumama naman sa akin si Liza kasi hindi naman siya pinapansin ng squad niya. Nakatingin yung ibang students na nakakasalubong namin, siguro nabalitaan nila yung nangyari, and sikat din naman sa campus yung buong squad ni Clarette.

Pag dating namin sa canteen nandun yung squad. Dumiretso na kami sa counter at kumuha ng pagkain, si Liza ang nagbayad kahit sinabi kong okay lang ako. She insisted.

Naglakakad na kami papunta sa upuan ng salubungin kami ni Clarette. Laking gulat ko ng itaas niya yung tray ko papunta sa mukha ko, kaya kumalat lahat ng dala ko at nasa mukha ko na ngayon yung iba.

Naginit ang ulo ko pati yung nerves ko biglang naglabasan sa galit. Hindi na ako nakapag isip ng maayos ng makita ko ang tawa sa mga bibig ng mga matapobreng ito. Kinuha ko yung strawberry juice sa tray ni Liza at ibinuhos kay Clarette, bigla itong napanganga sa nangyari at na-shock, hindi pa ako tapos kaya dinampot ko pa yung mac n' chesse ni Liza at inilagay sa ulo ni Clarette, idiniin ko pa para siguradong kakapit talaga.

Sabay talikod ko at higit kay Liza, nahulog na niya yung dala niya. Pero nakinig ko pa yung malakas na sigaw ni Clarette. Hindi pa kami masyadong nakakalayo, hinabol na kami ni Marcus.

"Cutie! Ayos ka lang? Hatid ko na kayo pauwi."

"Okay lang kami Marcus."

"No, I insist." Pilit nito.

"Sige na Astrid, sumabay na tayo, we need a friend right now. Mukha namang mabait tong si Marcus."

"Sige."

Tinulungan kami nito. Pinasakay sa kotse niya at dinala muna kami sa bahay ni Liza. Wala pa yung sundo ko kasi di pa naman oras ng uwian. Delikado na ding umuwi muna sa condo na yun, since kay Clarette yun.

Pinaligo muna ako ni Liza at iniwanan ng malilinis na damit sa labas ng c.r nito.

Hindi ako umiyak pero hanggang ngayon yung kaba at galit ko naiwan pa din. Anong klaseng tao ba siya? May kaluluwa pa ba siya?

Nang matapos ako ay nagbihis na din at lumabas na ng kwarto, bumaba na din ako kung nasaan sila Liza at Marcus.

"Kain na muna tayo, di tayo nakapag lunch kanina eh."

I'm Inlove with a MonsterWhere stories live. Discover now