Part 5 - Miss Clarette G.

6.7K 245 7
                                    

"Good morning maam!"

Napabalikwas ako ng may makita akong tao sa kwarto ko.

"Si-sino ka po?" Tanong ko sa babaeng nasa edad 30 to 35 siguro.

"Ako po pala yung kasambahay na ipinadala ni Mr. Guanzon, the best katulong at your service."

Ngumiti ako dito. Ano ba yan, may katulong pa. Sobra sobra na ata to.

"Thank you po ate?"

"May, call me ate May."

"Ah opo, ate May."

"Maam, may breakfast na po kayo. Ready na din po ang uniform niyo, sabi din po pala ni Mr. Roy naayos na po niya ang school papers mo para ma-transfer."

"Sige po. Sa-salamat."

Tumayo na ako paglabas ni ate May para maligo. Pagbaba ko ready na ang breakfast ko, nakasuot na din ako ng uniform, parang Korean style ang uniform nila, since fully airconditioned ang lahat ng rooms, naka coat kami. Saktong sakto yung uniform, sukat talaga saken. Kumain muna ako bago pumasok.

May kotse agad na nakaabang saken.

"Good morning maam! I'm Jerry at your service!"

Ang sasaya naman nila. Nakaka good mood tuloy.

"Ah ikaw naman po kuya ang?"

"Magiging driver niyo, anytime and anywhere."

"Oh, maraming salamat po."

"My job maam."

Pinagbuksan na niya ako ng pinto sa passenger's seat.

Para talagang bumaliktad ang mundo ko, kahit pansamantala lang ang lahat, nabago pa din ang buhay ko.

Papasok na ng gate ng Aerole ang kotse na sinasakyan ko, nakaramdam ako ng kaba, syempre new school, new classmates, malay ko ba kung madaming Clarette sa school na to, people who will judge me because of my lifestlye.

Lumabas na ako ng kotse. Madami ng students, ang iba napapalingon, ang iba naman, mga walang pakielam.

Hindi ko alam kung san ang room ko kaya naisipan kong mag tanong.

"Uhm excuse me, san tong room na to?" Tanong ko sa isang student na babae, she looked at me boredly pero sumagot pa din naman. Tinuro niya yung way. Pero masyadong malaki ang school, ang daming daan.

"Naliligaw na ata ako, mag i-start na yung klase ko."

"Hey cutie!" Sigaw ng isang lalaki na makakasalubong ko. Di ko siya kilala pero habang lumalapit siya, parang namumukhaan ko na. Siya nga! Yung sa jeep!

"Remember me? Yung ini-snob mo." Ngumiti ito ng may pagka pilyo.

"Ah i see. Sorry about that."

"Nah, its okay. Ako pala ulit si Marcus kung nalimutan mo na." He offered his hand kaya tinaggap ko naman. Wala din kasi akong kilala dito, ayos na din. Gwapo din naman to, kaya pala tumitirik na ang mata ng mga babaeng nakikita ko dito.

"Ahhh, pwedeng tulungan mo akong hanapin ang room ko?"

"Sure. Patingin nga niyan." Kinuha niya yung papel na hawak ko.

"Ah alam ko to. Tara, follow me."

Sinundan ko lang siya, sa likod na view niya makikita mo yung ma-muscle na broad shoulders niya, parang ang yummy. Binura ko sa utak ko yung thought na yun.

"Here we are! Uy, late ka na, pasok ka na. See you later nalang."

Kumindat pa ito bago umalis. Kinakabahan akong kumatok sa room bago binuksan ang pinto.

I'm Inlove with a MonsterOnde histórias criam vida. Descubra agora