Part 18 - She's back!

6.2K 235 14
                                    

Astrid's POV:

"Dad."

"Yes hija?"

Ang sarap sa feeling ng may tinatawag na daddy ngayon, ang sarap din sa feeling na buo na kami, and may kapatid pa ako, noon ko pa talaga gusto magkaron ng kapatid, mas masaya kasi kapag may kasangga ka.

"Kain na po tayo. Nagluto kami ni Liza ng adobo."

Wala si mama, kasi bumalik muna siya kanila tita Mila para magdala ng ilang groceries, pasasalamat sa pagpapatuloy nila sa amin, pwede namang ipahatid ni daddy pero gusto niyang personal na ibigay ang mga 'to.

"Yes dad! sobrang sarap niyan."

"Matikman na nga ang luto ng dalawang prinsesa ko."

Pinagmasdan namin si daddy habang sarap na sarap sa pagkain. Ang sarap talaga sa feeling na may daddy na din ako. Wala na akong mahihiling pa, pero may kulang sa buhay ko. Gusto kong makasama siya pero parang ayoko na. Una na dahil ayaw sa akin ng pamilya niya at hindi kami tatanggapin ng lipunan, lalo na ang napaka daming huhusga sa amin, hindi lang para sa akin, masakit din kung makikita kong masira ang reputasyon niya dahil sa akin o sa kung ano mang meron sa amin ngayon.

"Anak, you have to go back to school." Sabi sa akin ni daddy.

Natatakot akong bumalik sa school. Natatakot akong makita siyang muli, hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakakailang dahil magkaklase lang kami eh.

"Dad, pwede po bang mag transfer nalang ako?"

"Bakit naman hija? Nasa pinakamagandang school ka na dito."

"Eh kasi po..." hindi ko na madugtungan, wala naman akong naisip na dahilan.

"Okay, i will let you transfer, pero pwede bang tapusin mo na muna ang school year na to? I don't know your reason kaya gusto mong umalis, pero looking at your expression, mukha kang may reason na hindi mo masabi."

Tumango na lang ako.

Napatingin naman ako kay Liza, hindi ko maintindihan kung bakit ito ngumingiti na parang nang aasar. Ang sarap sapukin!

Bigla namang tumikhim si Liza.

"Ahmm. Daddy, may pasok ka pa ng maaga bukas, if you're done eating, you can go rest na."

"Okay okay. Magpahinga na din kayo ha? goodnight." Then he gave us goodnight kiss.

Nang makaalis si daddy, tinabihan naman ako ni Liza.

"Sister, ayaw mo bang harapin si Claire?"

"Para san pa?"

"Anong para saan? Pareho nating alam na meron kayong something for each other. Magkakaganyan ba kayo ngayon kung wala."

"What made you so sure? Paano kung pure lust lang lahat ng yun?"

Mukha namang na exorcist sa wagas ng pagtirik ng mata saken ni Liza.

"I doubt it! Gosh! Kilala ko si Claire, alam ko kung inlove yun! At obvious namang sayo hindi pure lust yun."

Itong babaeng to talaga, nakakainis kasi tama siya!

"Sis, harapin mo nalang si Claire, malay mo maayos pa to."

After namin mag usap ni Liza, naisipan na din naming magpahinga. Nakatulog ako na walang ibang laman ang utak ko kundi si Claire, at kung paano ako aakto pag nagkita kami. Syempre ayoko ng mag mukhang kawawa, di na din naman ako tulad nung dati, pumapantay na ako sa lifestyle niya no!

Hayyy....

I woke up early. Nag ayos na ako at sumabay na kay Liza para mag breakfast. Nagulat ako ng iabot ni Liza ang isang susi.

I'm Inlove with a MonsterWhere stories live. Discover now