Part 17 - How to

5.9K 216 21
                                    

"Ma."

Tawag ko sa mama ko habang nagsusulat sa may sala.

"Oh bakit anak?"

Niyakap ko ito. "Namamayat ka na ah. Kumain muna tayo sa labas."

"Kasi anak, di ko maiwasang mag isip, lahat kasi ng inipun natin, nasunog lang lahat, bakit ba kasi di ko pa inilagay sa bangko yun noon."

Naawa ako kay mama, pinaghirapan niya yung ipunin para sa kinabukasan namin, para makapag patayo kami ng negosyo.

"Eh ma, panu kung nilagay mo sa bangko, tapos ninakawan yung bangko? Eh di nawala din."

"Oo nga no?" Natawa naman ako dahil napaisip siya. Pareho kaming nagtawanan, hinigpitan ko pa yung pagkakayakap ko.

Kaya siguro kahit gaano ko pa kamahal si Claire, hindi ko matanggap yung ginawa ng lola niya, isipin ko man na wala siyang kinalaman, pero bakit parang kinampihan pa niya at sinuhulan pa ako. Naiintindihan ko na baka galit siya saken, pero hindi naman niya ako pinakinggan eh, so kasalanan na niya yun.

Ilang linggo na din akong hindi napasok. Natanggap naman akong medical assistant ng kaibigan ni mama na doctor, ayos lang ang sweldo, pag minsan, umeekstra ako sa iba pang doctors para dagdag sweldo.

"Dok, alis na po ako."

"Sige Astrid, salamat. Ingat ka pag uwi mo." Malambing na bati ng doktora.

"Salamat po, kayo din ho."

Umalis na ako, dumaan muna ako sa isang restaurant para bumili ng pancit, dinagdagan ko na para din makasalo sila ate Mila, laking pasasalamat kasi namin sa kanila at pinatuloy kami sa bahay nila.

"Astrid."

Tawag saken ng isang babae, lumingon ako para makita kung sino yun. Si Liza pala.

"Anong ginagawa mo dito?"

Tanong ko kay Liza. Nakangiti itong yumakap sa akin.

"Namiss kita!"

Napangiti naman ako, syempre naging malapit na din saken si Liza at namiss ko na din siya.

"Bigla ka nalang nawala. Nag away ba kayo ni Claire dahil saken?"

"Wag na nating pag usapan yun. So ano ngang ginagawa mo dito?"

"Ano ka ba, eh di syempre binibisita ka, bakit ba ako pupunta dito kung hindi dahil sayo."

"Sus ikaw talaga! Sama ka muna saken sa bahay, may binili akong pancit."

Pagdating namin sa bahay, inihain ko na ang pancit, wala daw si ate Mila, sakto may bisita ako, si mama bumili lang ng soft drinks.

"Kamusta ka na? Kayo? Ang squad? Si.."

"Si Claire?"

"Hindi! Si Marcus." Palusot ko.

"Ayun baliw  pa din."

Tumango lang ako tapos binigyan na siya ng pinggan at baso.

"Simula nung mawala ka, bumalik nanaman sa dati si Claire, mas gumrabe, lahat ata ng mapag initan, binubugbog. Lalo na pag nasa bar kami, lagi na kasing nag iinom si Claire kaya laging nag aakit sa bar, madalas din siya mapaaway, kahit pa anong pagsasabi ang gawin namin, hindi siya nakikinig, siya pa ang nagagalit."

Hindi ako nagsalita.

"Astrid, ano man ang mga nagawa ni Claire, alam mo sa sarili mo ang totoo."

"Please Liza, ayoko munang madagdagan ang problema ko."

"Isa pa yan Astrid. I came here for another thing, noon ko pa dapat sinabi sayo, hindi ko na sana kinailangan humingi ng isang bet."

Tumingin ako sa kanya ng nagtataka. "Ano yun?"

"Astrid, your mom and my dad..."

"Ano?"

"Uhmm. M-magkapatid tayo."

Napanga-nga ako. "What?! Niloloko mo ba ako?"

"No!" she smiled. "Actually noon ko pa talaga alam, bago ka pa pumasok sa school namin, pinapasundan ka na ni daddy. Inamin niyang ikaw ay kapatid ko, at ang mommy mo-"

Bigla namang dating ni mama.

"Ay mommy ko din." Dugtong niya habang nakatingin dito.

"Oh, tara na kain na tayo, nakabili na akong softdrinks." Si mama.

Lumapit si Liza kay mama. Niyakap niya ito. Taka namang yumakap din si mama.

Kinuwento na din ni Liza yung sinabi niya. Nalaman ko din na, lumayas pala si mama sa bahay nila Liza dahil ayaw ng pamilya ng daddy ko sa mama ko, pinilit nilang lumayas si mama ng tahimik at hinayaan lang dalhin ang isa sa amin ni Liza, ako ang nadala niya, labag man sa loob ni mama, pero masyadong makapangyarihan ang pamilya ni Liza, wala siyang laban. Ano man ang mga nangyaring yun, tapos na.. ang mahalaga, alam na namin ang totoo. Sinabi din ni Liza na kailangan na kaming sumama sa kanya para lumipat ng bahay dahil hinihintay na kami ni Mr. Guerrero, ng daddy ko.

___________________________

Claire's POV:

Simula nung pinaalis ko si Astrid, i can't make up my mind anymore, i started doing things again i used to before. Sobrang nagagalit ako na pinag pustahan lang nila ako, i've never felt so good with someone, tapos malalaman kong isa lang yung bet???

Pero nagagalit din ako sa sarili ko, kasi parang kinampihan ko pa ang lola ko, kahit noon pa lang, ayaw ko na sa kanila, alam kong nasaktan siya dahil mama niya yung nadamay.

"Claire, anong gagawin ko dito?" Tanong saken ni Suzy. May binubugbog lang naman kasi kami ngayon.

"Finish him." Sabi ko.

Kahit nagmamakaawa na yung lalaki, hindi namin siya tinigilan. Nahuli kasi namin siyang ninanakawan yung kotse ko, wala namang kaso saken, pero sobrang nagagalit ako sa kahit anong bagay.

"Claire!"

Tawag saken ni Liza. Tumingin siya sa akin.

"Stop this. Sana dinala nalang natin siya sa police station."

"You're telling me what to do?" Pananakot ko dito.

"I'm not, i am just telling you what is right."

Lumapit siya sa akin. "Why Liza? Against ka na sa akin? Dahil ba pinalayas ko si Astrid?"

"W-what do you mean?"

Mukha talagang guilty ang bruha! Bwisit!

"Alam ko naman eh! Gusto mo siya!" I know it looks absurd, pero the way she looks at her. Sobrang sweet din niya kay Astrid, kala ba niya di ko napapansin?

Bigla itong natawa.

"Are you kiddin'? Oo, mahal ko si Astrid, pero not that way."

"Really?" Para akong tangang napatanong ng ganun. Nag overreact nga lang ba ako? "I-i mean, c'mon! Wag mo akong lokohin."

She smiled. "I'm telling the truth Claire."

Wala akong masabi kaya tinalikuran ko nalang sila at sumakay na ng kotse. Nauna na akong umalis at iniwan sila dun.

How i miss her!

___________________________

Sorry sa matagal na update, im currently working on another story din po kasi. Thank you for reading!!! :*

I'm Inlove with a MonsterKde žijí příběhy. Začni objevovat