Part 15 - Take my heart

6.2K 220 4
                                    

Medyo napagod ako sa biyahe ah. Pero worth it naman, kasi nakasama ako sa isang importanteng place para kay Claire. I wonder kung ilan na ang nadala niya dun para ipakilala sa mommy niya.

Dumiretso naman kami sa mga kwarto namin. Tahimik na kasi siya after ng pag iiyak niya hanggang makarating sa bahay, bago lang ako pumasok ng kwarto, nag thank you muna siya. I pity her, just this once.

Nag bihis na ako at bumaba na din, gutom na ako eh. Lunch na pala, di manlang ako pinakain ng breakfast ng babaeng yun.

"Miss, kakain na po ba kayo?" Tanong ng katulong.

"Opo ate, gutom na ako eh."

"Ipag hahanada ko na po kayo." Mag aayos na sana siya sa dining area pero pinigilan ko siya.

"Ay ate, pwede bang dito nalang ako sa kusina kakain? Mag isa lang naman ako eh."

"Ah eh.. Sige po."

Habang kumakain ako, nagtanong ako sa katulong. "Ate, naabutan niyo po ba yung mommy ni Claire?"

Tumingin siya sa akin. "Hindi po miss. Ang alam ko po, ayaw din ni Claire pinag uusapan ang mommy niya eh. Lagi lang itong solo kung pumupunta siya sa mommy niya. Tuwing may okasyon, lagi po siyang nandun."

"Really? Wala ka pang alam na sinama niya dun sa puntod ng mommy niya?"

"Wala po akong nakikita, pero ang alam ko po, ayaw na ayaw ni Miss Claire mag sama ng kung sino dun, kahit nga daw po yung lola niya at tita niya."

So wala pa siyang naiisama dun?

"Eh ate mga kaibigan?"

"Hindi ko po alam eh, bakit di niyo po itanong kay Miss Claire?"

"Baka sungitan ako." Nagtawanan kami.

"Hanga nga po kami sa inyo Miss, kayo lang po ang nakakausap ng ganun kay Miss Claire aside sa friends niya."

"Lahat naman siguro ng tigre may katapat." Nagtawanan ulit kami. Napansin ko namang may nakatingin na sa amin. Lola pala ni Claire.

Seryoso ito. Bigla akong natakot. "Can i have a word with you Miss Pedragoza?"

Calm niyang tanong pero still, natatakot ako. Ito ata pinagmanahan ni Claire sa nakakatakot na features.

Dinala ako ng matandang Guanzon sa sala. Walang tao kaya private kaming nakapag usap.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I don't like you, and never will like you to be part of this family."

Biglang nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi ng matandang yun.

"I-i dont understand po, may nagawa po ba akong mali?" Takang tanong ko. Pero sobra talagang nanlalamig ang katawan ko.

"Wala pa, for now. Pero alam ko kung anong meron sa bahay na to. Pinaamo mo si Claire, she's always been a monster in this house, now, para na siyang tutang susunod sunod sayo. You slept on the same room, at dinala ka niya sa mommy niya."

"But w-we're just good friends."

"I know what she's up to. Kaya i'm warning you, reject her, you don't wanna mess with me." Yun lang at iniwan na ako ng matanda.

Very short explanations, pero lahat pangmatagalan ang sakit.

Hindi ko na naituloy ang pagkain ko at umakyat na ako. Sobrang nanlalambot kasi ako.

Bigla nalang akong napaiyak pag dating ko sa kwarto.

Kinabukasan, school day. Medyo wala pa din ako sa mood. Nabunggo na nga ako ng isang babae at natapunan yung blouse ko ng straberry drink. Parang tulala pa din ako.

I'm Inlove with a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon