Part 11 - Dream

6.5K 231 14
                                    

"Ms. Astrid mag breakfast na po kayo."

Sabi ng katulong.

"Si Claire ate?" Tanong ko.

"Kanina pa po umalis."

Tinakasan nanaman ako. Sigurado ngayon nagsisisi na yun sa nangyari, na sana pwede niyang bawiin yung nga halik niyang yun. Dapat wala na akong care eh.

Nakakalungkot isipin. Kahit dapat wala akong pakielam, hindi ko maiwasan, i just want to know what she thinks of me, pero sa mga ginagawa ni Claire, parang pinapakita lang niya na i'm not worth it.

Natatawa nalang tuloy ako sa thought na pumatol ako sa bet na paamuin si Claire, eh mukha naman imposible talaga.

"Ah gnun ba? Ate pasok na din ako, di naman ako gutom."

Yun lang at umalis na din ako.

Pag dating ko sa school, ine-expect ko ng makikita ko siya, pero wala ito sa room.

"Nasaan kaya yun?" tanong ko sa sarili ko.

Lumabas muna ako ng room at naglakad-lakad, baka sakaling maka salubong ko. Pero time nalang di ko talaga siya nakita. Naisip ko baka nasa room na ulit, dali-dali akong bumalik at nadismaya din naman agad ng malaman kong wala pa rin.

"Astrid, what did you do to her nanaman ba?" Tanong ng squad sken.

"Bakit ako nanaman? Ano bang nangyari?"

"Wala, absent nanaman kasi siya, eh hindi nga umaabsent yun, ngayon lang."

"Pag wala siya ako lagi ang may kasalanan?"

"Eh simula lang naman nung dumating ka nagkaganyan si Claire eh, laging wala sa sarili, hindi na magagalitin."

"Buti nga di na magagalitin, ayaw niyo nun?" Tanong ko.

"Gusto din naman, pero naninibago kami, at baka nahihirapan siya or may pinagdadaanan na ayaw naman niyang sabihin."

Napaisip ako. May problema kaya siya? Nag aalala nanaman ako sa babaeng yun na wala namang pake saken. Pero ano yung sinasabi nila na simula lang nung dumating ako? Baka naman nagkataon lang.

Natapos ang maghapong klase. Ang lungkot ko kasi di ko manlang siya nakita. Medyo na-excite naman akong umuwi baka kasi nandun na siya sa bahay.

Pagdating ko sa kanila. "Ate si Claire?"

"Nasa kwarto niya po Miss. Pero...."

Di na natapos sinabi niya kasi nilayasan ko agad siya.

Feeling close lang naman ako ngayon, talagang gusto ko siyang makita.

"Clai--"

Nanlaki ang mga mata ko, nagiinit ang mukha ko, yung mga mata ko nagbabadya ang luha. Napapamura nalang ako sa isip ko. Nakita ko si Claire, may babaeng nakapatong sa kanya sa kama, wala na silang shirt pero may bra pa. I caught them in the act of making love or sex?

Nagulat naman yung dalawang babae na kanina lang ay busy sa paghahalikan. Ayaw niyang gawin saken kaya kumuha siya ng iba. Sa itsura niya, mapagkakamalan siyang modelo, at hindi naman malabong modelo talaga siya, di din naman biro si Claire, ako lang ang mukhang joke. Ouch!

Naluluha na talaga ako. Nakatitig lang sila sken na gulat na gulat, lalo na si Claire, na parang nabuhusan ng malamig na tubig.

"A-.. A-ano kasi, bu-bukas." Sabay turo ko sa pinto. Pero yung pagkabigla ko, napalitan ng inis at selos, i think. Bigla akong sumeryoso at tumingin sa kanila. Sobrang nagagalit ako sa nakita ko. "Sana din nagla-lock kayo ng pinto." Yun lang at sinaraduhan ko yung kwarto nila at pumasok na sa kwarto ko. Dun na kumawala yung pigil kong mga luha, tuloy-tuloy ito sa pag labas, napaupo ako sa tabi ng pinto, yapos ko ang mga hita ko at parang batang na-bully akong nagiiyak sa tabi nun.

I'm Inlove with a MonsterWhere stories live. Discover now