Part 9 - Mission Impossible

6.4K 244 2
                                    

"Good morning Cora!" Bati ko sa katulong na nagluluto ng almusal ngayon.

"Good morning din maam Astrid!"

"Si  Claire po?"

"Nasa kwarto niya masama daw ang pakiramdam."

"Pwede ko bang puntahan?"

Biglang pinigilan ako ni Cora.

"Naku maam, kabilinbilinan na wag daw akong magpapasok sa kwarto niya kahit ikaw. Tsaka naka-lock po yung kwarto niya eh."

"Ah ganun ba? Sige." Mukhang takot ito. Baka mapagalitan pa siya pag nagpumilit ako kaya di ko na pinush. Kumain na ako at naghanda papasok.

Pag dating ko sa school, nakatingin saken si Liza.

"Girl, what happened to Claire? Ngayon lang umabsent yun."

"May lagnat daw eh."

"Lagnat? Ngayon ko lang nabalitaan na nagkalagnat yun! What did you do?"

"Oy, ang o.a mo ha! Wala akong ginagawa dun, pag gising ko nalang may lagnat na daw sabi nung katulong. Tsaka tao din yun no kahit anong sama ng ugali, dinadapuan din ng sakit."

"Hmm. So walang nangyari kagabi?"

"W-wala." Ayoko muna sanang sabihin yung kagabi, parang nagdadalawang isip ako sa kung anong nasabi ko kagabi.

She looked at me weirdly pero naniwala na din naman siya. Ang boring ng klase, parang wala akong buhay na nakaupo dun, wala kasi akong tinitingnan ngayon na Claire. Pansin ko nga parang napasok nalang ako kasi gusto kong magpapansin kay Claire, hindi ko alam tong nararamdaman ko, kung humahanga lang ba or worst.... Gusto ko na siya? Alam mo ba sinasabi mo Astrid?! Oh no.

"Huy! Tulala ka na jan!" Gulo saken ni Liza.

"Sure ka bang walang nangyari kagabi?"

"Wala nga. Nagusap lang kami, nothing special."

"O-okay. Nothing special na pala ang makausap mo si Claire, kahit alam nating galit na galit yun sayo."

"I dont think so." Bulong ko.

"Ano?"

"A-ano? Wala! Sabi ko siguro nga."

Tumingin nanaman ito na parang di naniniwala. "Whatever it is your hiding, lalabas din yan."

"Loko ka." Sabay nagtawanan kami.

Bigla namang lumapit yung squad ni Claire.

"Tiff." Sabi ni Liza.

"Nasaan si Claire?" Mahinahong tanong ni Tiff daw.

"Bakit kami ang tinatanong niyo?"

"Alam naman kasi namin na sa isang bahay lang sila Astrid at Claire."

"Hindi ba niya kayo kaibigan at hindi niyo alam ang nangyayari sa kanya?" Parang nang aasar pa si Liza. Nagtinginan naman sila Tiff at ang dalawa pa niyang kasama.

"Alam niyong she doesn't treat us friends for a long time now, we're more like servants, sunod lang ng sunod kasi para sa atin, kaibigan naten siya kaya kahit mali, sinusunod natin. Pero for her, dedma nalang tayo eh. So you better think."

"Alam naman namin yun, kaya nga lumapit kami sa inyo, to tell you, we're not enemies here."

Tumayo si Liza at binigyan ng hug sila Tiff. Ay ang sweet.

"Na-miss ka namin Liza, di ka na kasi nasama eh."

"Paano ba ako sasama eh halos isumpa na ako ni Claire."

I'm Inlove with a MonsterOnde histórias criam vida. Descubra agora