Part 22 - Jealousy is deadly

5.5K 185 14
                                    

Claire's POV:

Flashback....

Magkapatid si Astrid at Liza. Nabigla ako, natakot, natuwa, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Pero dahil mahal ko siya, tanggap ko kung ano siya at sino siya. Kahit na itinago niya saken yung totoo, napaka dramatic ko naman kung pati yun pagtatampuhan ko pa.

"Samuel, I like you for my daughter, will you take care of her?"

Nagpanting yung tenga ko. Mahina lang yung usapan nila, pero dahil nasa tabi ko sila, dinig na dinig ko. Kilala ko kung sino yung nagsalita nun.

Daddy lang naman ni Astrid, yung taong gusto kong kunin ang basbas para sa amin ni Astrid.

"Ofcourse naman tito, I can take care of her."

With confidence na sagot ng lalaki na si Samuel daw. Di ko kita yung mukha nung lalaki kasi nakatalikod sila, pero matangkad ito at matikas ang katawan.
Nakaramdam ako ng galit, inggit, at takot.

Hindi ko na magawang maging masaya para kay Astrid, pinipilit ko pero nagagalit lang ako. Sana hindi nalang siya yung kapatid ni Liza, sana hindi nalang siya mayaman, at sana hindi nalang nangyari ang lahat ng ito. I just want her the same way i had her. Pero things changed, may kaagaw na ako, at daddy niya ang pumili dito, anong laban ko? Isa lang naman akong babae na nagkagusto din sa isa pang babae at hindi tanggap ng karamihan sa lipunan ang mga tulad ko, i'm pretty sure i'm one of them now.

I cannot contain my anger and sadness, kaya umalis na ako bago pa sumabog yung tinatago ko sa dibdib ko ngayon. I know this is important to Astrid pero masyadong masakit isipin na 99% of the people will not like how we are. Natatakot din ako na baka hindi kayanin ni Astrid at iwan niya din ako.

End of Flashback...

Gets niyo na yung mga kasunod na happenings. Gusto niyo pang pahabain flashback? Boring na :P

Astrid's POV:

Isang araw ko ng hindi nakita si Claire, di ko lang talaga matiis yung topakin na yun e! Nag text na ako. Lunok muna ang pride.

Me: "Nasaan ka na? Buhay ka pa ba?"

Ang tagal kong nag hintay, hindi ito nag rereply. I tried calling her pero cannot be reached! Kinakabahan na ako, ang daming gumugulo sa isip ko, kung ano ang ginagawa niya, bakit hindi ito makontak.

I got my car keys at pinaharurot ang sasakyan ko papunta sa bahay nila Claire.

Pag dating ko sa bahay nila, sinalubong ako ng katulong. "Mam, wala po si mam Claire." Alam na marahil nito ang itaanong ko.

"Where is she?" Bothered kong tanong.

"Hindi nga po namin alam, hindi po kasi ito nagpaalam. Hindi po siya umuwi kagabi."

"What?!"

"Opo mam, nagkakagulo na po kami dito sa bahay, hindi pa po alam ni sir."

"Okay ate, try to call her kung kaya niyo, hahanapin ko siya."

"Sige po mam."

Umalis na din ako at susubukan ko siyang hanapin. I called her group of friends, hindi nila alam kung nasaan si Claire. Pumunta ako sa school, nagbabakasakali na nandun siya kahit walang pasok. Bigo ako, wala siya dun. Sinubukan ko ulit siyang tawagan.

I'm Inlove with a MonsterWhere stories live. Discover now