Part 10 - Can this be love?

6.6K 255 4
                                    

"How's your stay here Astrid?"

Tanong ng daddy ni Claire.

"Great po. Lahat po sila dito mababait." Tumingin ako kay Claire at nakatingin lang ito sa phone niya, parang dedma. Nalimutan na ba agad niya yung kanina? Baka pinaglalaruan lang ako nito ah.

"Good to know. At mabuti naman nakasundo mo tong princess ko." Kumindat ito saken bago kami nagtawanan.

"Anong nakakatawa?" Nakasimangot na tanong ni Claire.

"Nothing princess. So nag dinner na ba kayo? Ako hindi pa eh, at gutom na ako."

"Kumain na po ako, pero kakain po ulit ako para may kasabay po kayo." Sabi ko dito.

"That'll be great! Ikaw princess? Di mo ba ako sasabayan kumain?"

"I already ate dad."

"Then eat again!" Sabi ko kay Claire.

"Sige nanaman princess. Miss ka na ni daddy eh." Niyakap niya ng mahigpit si Claire, yung tipong hindi na makawala.

"Okay fine! Just let go of me, hindi ako makahinga dad!" Parang batang reklamo nito.

Naisip ko tuloy yung daddy ko, iniwan niya kasi kami ng mommy ko, dahil lang ayaw ng family niya kay mama, sumunod naman siya sa pamilya niya kahit maiwan na kami ng mama ko na noon ay ipinagbubuntis pa lang ako, kaya nga ganun nalang ang pagmamahal ko kay mama, kasi itinaguyod niya akong mag isa.

"Let's go!" Akit ng daddy ni Claire. Tumango naman ako at ngumiti. Sumunod na ako sa kanila. Ang saya ng dinner na yun, walang ginawa si Mr. Guanzon kundi asarin si Claire, pikon naman agad si Claire kaya natatawa ako, everytime din na tatawa ako, titingin siya sa akin ng matalim. May time din na nahuhuli kong nakatingin si Claire sa akin na parang may gustong sabihin.

Pagkatapos ng dinner, nagpaalam na kami na babalik na sa kwarto, nauna na akong umalis.

Nasa tapat na ako ng kwarto ng biglang abutin ni Claire ang door knob ng kwarto ko at siya ang nagbukas, saka pumasok.

Nagtataka akong sumunod sa kanya sa loob.

"Close the door." Sabi pa nito habang nasa couch sa loob ng kwarto ko.

"B-bakit ka nandito?"

"I can be anywhere I want." Kalmadong sagot nito.

Eh di ikaw na, ikaw ng mayaman. Imagine! Nasa harap ko tong kasama sa mga rich and famous sa mundo.

Umupo lang muna ako sa gilid ng kama ko, at hinawakan yung phone ko. Ang awkward kaya. Nahuhuli ko nanaman siyang tumitingin sa akin.

Naiinis na ako ha, wala naman siyang sinasabi pumasok-pasok pa dito.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. She tilt her head up slowly nung nasa harap na niya ako.

I offered my hand to her.

She took it. I pulled her up para tumayo siya and then I put her hands on my cheeks, ako naman sa beywang niya.

"Now, where were we?" Shocked pero after, she smiled sweetly. That is the first time I saw her sweet smile.

Dahan-dahan siyang lumapit, it's getting hard for me to breathe actually, she's so close now. She stopped, kaya sa inis ko, i closed the gap between us. I kissed her, ang sweet ng labi niya, so soft. Then passionately, her breathe smells like strawberry, its very addicting. Nadadala na ako, naihiga ko na pala siya, hindi naman ito tumututol.

I'm Inlove with a MonsterМесто, где живут истории. Откройте их для себя