Part 21 - Will you still love me?

5.6K 200 6
                                    

Astrid's POV

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung titingin ba ako kay Claire. Natatakot ako sa reaction niya, i think wala namang masama na inilihim ko ito, baka lang kasi mag iba ang tingin niya saken kasi i'm not the same person she loved, sa pamumuhay lang naman, pero sa ugali yun pa din, at ganun pa din, mahal ko siya.

I glimpsed at Claire nung magka lakas na ako ng loob. She's not looking, nakatungo lang ito. Nagalit kaya ito? May masama ba sa ginawa ko?

Bumaba na ako ng stage, kasama ko sila daddy at Liza para ipakilala ako sa mga guests. Lahat sila nakangiti habang ipinapakilala ako, yung iba na-beso, yung iba naman shake hands. Wala ang focus ko sa mga guests, patingin-tingin ako sa squad particularly kay Claire. Paglingon ko ulit, nawala na si Claire. Luminga-linga ako, wala na ito.

"Dad, Liza, can I go?"

"Okay honey. Where are you going?"

"Sa friends ko lang po." Palusot ko, pero dumiretso ako sa labas.

"Where are you Claire?" Bulong ko sa sarili ko.

Naglakad pa ako papunta sa may parking lot, coz i cant find her anywhere, ito yung last place.

Nakita ko yung car niya, nandito pa din meaning nandito pa siya. May naaninag ako sa loob. Lumapit ako. "Claire?"

She looked up. Siya nga. She looks bothered.

"What are you doing here?" Tanong nito.

"I was looking for you." Pumasok ako sa kotse niya. "Bakit ka nandito?"

"Hahanapin ka ng guests mo." Pagtataboy nito.

"Its fine, nagpaalam naman ako."

"Bakit di mo sinabi saken?"

"Ah... uhmmmm. Galit ka ba dahil di ko sinabi sayo?" May pangangambang tanong ko sa kanya.

"No. mahal pa din kita Astrid. Natatakot lang ako." May pangangamba sa mukha nito. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Bakit ka natatakot? Saan?"

"Sa lahat ng pwedeng mangyari."

"Like what Claire? Be specific."

Bumuntong hininga muna ito. "Astrid, mas lumaki yung mundo naten, hindi na about sa pangalan ko nalang ito, pati na din sayo. Magiging handa ka ba sa mga pwedeng mangyari? Kung itakwil ka ng daddy mo, or kung husgahan tayo ng buong mundo?"

"Bakit ba ganyan ka magisip? Mahal mo ako diba? Mahal din kita! Kahit na anong mangyari, ipaglalaban kita Claire, kahit na kapalit nun ay lahat ng meron ako ngayon, bakit kita ipagpapalit sa mga taong hindi ako lubos na mahal? Dahil kung mahal nila ako, tatanggapin nila ako, hindi man ngayon, sa tamang panahon. Hindi naman natin sila bibiglain Claire."

"I don't know."

Hinawakan ko yung magkabilang pisngi niya. "Whatever troubles you, ako ang mag aayos. Just stop thinking too much na baka hindi ko kaya or imposible tong relationship na to, kasi I cannot live without you anymore. Ikaw ang buhay ko."

Humilig naman ito sa kamay ko.

Nagpaalam na siyang gusto na niyang umuwi, dahil medyo sumakit ang ulo niya. Nag offer akong ihatid siya pero siya nalang daw, may dala naman siyang kotse.

I'm Inlove with a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon