Part 23 - Loving Unconditionally

5.1K 173 20
                                    

Busy ako pag aayos ng mga gamit namin sa shop, opening kasi namin ngayon. Yes, nagpatayo kami ng kapatid ko ng isang flower shop, I don't know, bigla akong nahilig sa mga halaman. Siguro dahil nakakapag isip isip ako pag maraming halaman sa paligid ko, parang napaka peaceful.

"Astrid ang bagal bagal mo naman. Konting bilis please, malapit ng nag 9 oh. Mago-opening na tayo." Reklamo ng kapatid kong napaka bugnutin. Buti na lang talaga nasa tabi ko siya palagi.

"Ito na po."

Kinabit na namin ang ribbon sa front ng store.

"Okay, ribbon cutting nalang ang kulang. Na-contact mo na ba si father?"

"On his way na daw."

"Oh good."

Nag start na ang ceremony, binasbasan na ni father pati buong shop. Madami din ang nakadalo, nandun din sila mommy at daddy, pati ang circle of friends nandun din.

"Long time no see Astrid, Liza."

"Yeah, its been a while."

Simula kasi nung umalis si Claire, hindi na kami nagkikita ng mga to, namiss ko din sila.

"So kamusta ka na?" Tanong ni Suzy.

"Okay lang naman." Ngumiti din ako sa kanya.

"Mabuti naman Astrid. You deserve to be happy."

I know I said na I've moved on. Pero it hit me, na I deserve to be happy. Nai-imagine ko yung happiness na magkasama kami ni Claire. Yes she hurts me so bad, pero hindi nun maalis yung fact na mahal mo siya.

Umalis muna ako saglit para intindihin yung ibang guests. Nilibot ko din yung shop para i-check yung flowers.

Nagulat ako ng hawakan ako ni daddy sa balikat. "How was everything anak?"

"Everything is great dad." Niyakap ko ito.

"I'm happy you're doing well now. I just want you to be happy, remember that okay?"

"I will dad." The he gave me a kiss on the forehead.

Everything went well sa opening. May mga bumili na din ng flowers and plants.

Umuwi na din yung mga guests, kami nalang ni Liza and natira at isang helper namin.

"Myla, kumain ka na muna dun, naging busy ka kanina hindi ka na nakakain."

"Okay lang naman po maam."

"Sige na kumain ka na muna. Ako ng bahala dito. Samahan mo si Liza, di pa din kumain yan."

"Tara Myla kain na tayo." akit ni Liza.

"Sige po maam."

"Kain lang kami sis."

"Go ahead."

I looked around the stire. It's so refreshing. mabango dahil sa natural scents ng mga halaman, and its very beautiful. My store is made up of glass walls para kita sa labas yung mga halaman, may magandang chandelier sa second floor na kita mo din sa first floor, merong spiral stairs sa gilid ng store papuntang second floor, and everything is organized according to colors and type of plants and flowers.

Inaayos ko yung mga papers na gagamiting sa mga receipts sa ilalim ng counter ng tumunog yung front door. I greeted the person without seeing who it was.

"Good afternoon ma-" I froze. Para akong nakakita ng multo. Someone from the past that I tried to forget.

Napansin kong namayat siya, pero hindi nag fade ang ganda niya. She's still the same goddess na minahal ko. Nag slow motion ang pag pasok niya ng pinto. Napagmasdan ko ang hangin na nagpalipad ng buhok niya the moment na buksan niya pinto.

I'm Inlove with a MonsterWhere stories live. Discover now