Chapter 5: Entrance Exam

371K 13.3K 1.9K
                                    

Nakatayo kaming lahat dito sa harap ng napakalaking double-door sa field. Bigla nalang siyang lumabas out of nowhere.

Should I use my power? Why do I have this feeling na now is not the time?

“Yosh! I can't wait!” Biglang tumabi sa ‘kin si El with her eyes full of determination.

‘Di ba siya natatakot sa ‘kin?

“El, can I ask you something?”

“Ano yun?”

“Ano bang... school ito?”

Nag-aalangan pa kasi ako kung totoo ang hinala ko. Kasi malay mo, science school lang pala ito with super advanced technology.

She gave me that what-are-you-talking-about look, “Uhh... Myrrh Academy? School of special beings?” She answered na parang nagtataka kung bakit ganon ang naging tanong ko.

Now it's confirmed. Ngayon alam ko na kung bakit sinasabi nina papa na hindi ito ordinaryong school. This school is for someone like me.

“So... what is your ability?” I asked.

Ngumiti siya sakin, “I can read minds.”

So that means kanina niya pa ba nababasa ang nasa isip ko?

“But I can’t read yours which is strange. Sinasarado mo ba ‘yan?” Casual na tanong niya sa ‘kin. Kung makapag-usap siya parang normal lang ako at hindi nakakadiri ang itsura.

Umiling ako. I'm not closing my mind. Hindi ko nga alam kung pano isarado ito eh.

“Each one of you has a weapon accessory in your body. Use them to help you kill those monsters and gain points.” anunsyo sa speaker.

Makakaya ko kaya ito? Will I pass this exam? Gagamitin ko na ba ang kapangyarihan ko? Pero kasi... parang may hindi tama kung gagamitin ko na ngayon eh. Hindi ko rin alam kung ano ang ability ko.

Napatingin ako kay El. She pressed her hairpin na naka-clip sa ulo niya then bigla nalang ito naging axe! Sobrang laking axe na double-headed pa pero parang ang gaan-gaan lang niya kung hawakan. Ayon pala ang weapon accessory niya? How about me?

Nagsilabasan na rin ang iba't-ibang weapon accessory ng ibang estudyante at ako lang yata ang wala.

“Di mo ba gagamitin ang weapon accessory mo Shea?” Tanong niya sa ‘kin.

“I-I don’t have one.” Siguro babagsak na ako nito. Ni hindi ko nga ito napaghandaan na may ganito pala at wala akong alam na pwede kong gamitin o tumulong manlang sa ‘kin.

Tinignan niya ang kabuuan ko, “How about your ring?”

Napatingin ako sa singsing ko na napulot ko sa river bank kahapon, “It's nothing special. Nakita ko lang ito sa tabing-ilog kahapon.”

“O come on Shea! Anyone can tell that it has magic. Tignan mo, yung bato hindi mo ba nararamdaman na parang kakaiba ‘to sa lahat?” Hinawakan niya yung kamay ko kung nasan ang singsing.

“I-I have no idea.” Is it a coincidence na nakita ko lang talaga ‘to o binigay talaga sa ‘kin?

“Now you have. Ganito, pakiramdaman mo kung ano ang nilalaman ng singsing mo. Ipikit mo ang mga mata mo then concentrate. Huwag mong pansinin ang mga ingay sa paligid.”

Sinunod ko ang sinabi niya. I can't believe na may lumalapit sa ‘kin ngayon at hindi niya ako inaaway o iniwasan. Kakaiba talaga siya.

Ang nakikita ko lang ngayon ay para akong nasa space. Punong-puno ng mga bituin and other heavenly bodies. Then far from me, may unti-unting nabubuong shadow. It has the shape of a sword. Then sa hindi malamang kadahilanan, kusang bumuka ang bibig ko at sinabing,

That Nerd has a Secret (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon