Chapter Two

149 9 5
                                    

Thanks for all your support!!! hope you enjoy!  :DDD

***

            It was my turn. Sa pagtayo ko, wala masyadong gumawa ng ingay, aside sa mga “Ang baduy ng suot niya” at mga “Ew, balik mo si Don.”

            “Uh... ako po si Alexander  Solidad Chang.” Inuna ko. “Ummm...” Hindi ko alam kung nabibingi na ako o sadyang napakaturned off ang klase, wala akong maririnig sa classroom, as in wala, parang naglaho ang lahat ng classmates ko at pinalitan ng mga hologram. Gusto ko nang umalis. Ewan ko kung ano ang nangyari sa akin nung time to shine ko na, pero parang nanginig ang mga paa ko at pinapawisan na ang mga kamay ko, parang flashflood. Para akong nag-water bending.

            “Hoy!” sigaw ng isang lalakeng nasa harapan ko. “Tapos ka na ba? Bandila na!” Nagsitawanan ang buong classroom.

            “Ummm... Sorry... I love playing board games, video games, and card games, I am also an Otaku and I love reading and writing.”

       NRVS (No Reactions Visually Seen)

        “I hope to make friends with all of you.” Konti lang yung pumalakpak. Inasahan kong umupo pero biglang gumalaw ang upuan na nagresulta sa pagumpak ng aking pwet sa matigas na sahig. Maraming nauumpak ngayong araw na'to ah?

            Habang tumatawa ang karamihan, “Okay ka lang ba?” tanong ni Don

            “I’m okay” sagot ko.

            Lumingon si Don sa katabi ko. “Tinulak mo yung upuan.”

            “Uie! Yabang yabang mo ah?!” sigaw ng lalake. Ang laki niya, parang kapre.

            “Tinulak mo kasi yung upuan!” Sinigaw ni Don sa kapre.

            Ang lalakeng tumulak sa aking upuan ay isang higante, kung isa siyang movie character, siya siguro si King Kong. Ang suot niyang kulay asul na T-shirt, konti na lang at gugusot na dahil sa laki ng kanyang katawan. Ang ilong niya’y matangos pero nilamon ng kanyang naglalakihang mga pisngi. Mga mata niya’y nag mimistulang mga mata ng kapre na tumatanaw sa’yo na parang merong abilidad na malaman ang araw ng iyong kamatayan.

            “Tama na yan boys.” Sabi ni Ms. Juliet. “I’m sure it was an accident. Now say sorry to each other.” Ilang saglit ay sumunod sila sa utos ng guro.

            “Sorry.” Sabay silang naghingi ng paumanhin, pero kitang-kita na ayaw nilang magsorry.

            “Okay, thank you Al. We hope to be your friends as well. Who’s next?”

            Tumayo ang babaeng katabi ko. Maganda siya in all fairness. Ang buhok niya ay kagaya sa buhok ng isang sikat na artista na nag starring sa isang pelikulang nakita ko last week, nakabraces siya at makulay ang suot niyang miniskirt. “Hello there mga people of the world!” Masaya niyang sinigaw. “I’m Trisha K. Consolacion. Art is my life, painting, sketching, sculpting, you name it! I believe that a life without art is not a life at all, for life is a masterpiece created by God, I hope to be a great companion to you all!”

        “But we don’t.” bulong ni Angel, at sabay-sabay nanaman tumawa ang apat na daga.

        Thank you Philippines! Thankyou world!” Umupo si Trisha at sumunod ang lalakeng tambuhala, ang suot niya’y tila parang dagat pacifica ng dahil sa laki at kulay. Umuuntol ang tiyan niya na parang may bumubuong tsunami. “Gardo H. Gomez ang pangalan ko.” Nalalim ang boses niya. “I don’t expect much because expectations are useless and unnecessary thoughts. Once you figure out that what you were expecting was wrong, you’ll just end up getting hurt.”

            “Whhoooaaa....” nagsabayan ang buong klase na parang isang choir.

            Biglang lumapit si Don sa aking tenga at binulong, “Emo pala si Damulag.” Prinocess ko muna sa isipan ko kung pwede bang tumawa sa sitwasyong yun. Pero hindi ko napigilan ang sarili kong tumawa ng malakas. Ilang saglit ay narealize ko na baka lilipad ako dahil sa suntok ni Gardo, kaya I did my best to stop laughing.

            Nagpatuloy ang GTKY activity hanggang sa matapos. “I guess that’s all.” Sabi ni Miss Juliet. You may now rearrange your seats back to where they were, and after a while we will start our first lesson.

            First day pa lang, first lesson na agad! Can this day ever get any worse?

            “Okay.” Sabi ni Ms. Juliet. “I will be your,—” naputol ang linya ng guro dahil may pumasok na isa pang guro sa gilid na nakasuot ng uniform ng paaralan. Parang may kasama siya. Nagtagal ng ilang minuto ang konbersasyon nila, ano kaya ang sinasabi nila sa isa't-isa? “I’m sorry class, but it seems that we have one more classmate.” Tinutukan ni Miss Juliet ang babaeng nasa labas. “Please, come in.”

Nerdvolution: storya ni Alexander Solidad ChangWhere stories live. Discover now