Chapter Thirteen

90 7 3
  • Dedicated to My Friends
                                    

            As you may already know my dear reader, ang numerong thirteen ay kilala bilang isang napakamalas na numero. Ang buhay ko ay puno ng malas, malas doon, malas diyan, malas nalang kung saan-saan, pero ang sandaling iyon na nakita ako ng dalawang babae at iba pang mga tao na nasa may entrahe ay isa sa mga pinakamalas na pangyayari sa buhay ko. Nakita ako nilang basang-basa na nakasuot lamang ng pajamas at may tuwalya na nakaantabay sa ulo ko, it might not seem so bad, but I forgot to mention to you that ang pajamas na ibinigay ni Don ay hindi gaanong kayganda tignan kapag nabasa.

Alam niyo ba yung time na susuot ka ng shorts patungo sa pool pero nangdahil sa sobrang nipis nito, kapag nabasa ay nagreresulta sa pagka-visible sa kung ano man ang nasa ilalim nito. That was the situation! Dahil nabasa ako sa ulan, halos para akong naligo ulit sa swimming pool, ang aking pants ay nagmimistulang cellophane na tumatakip sa aking pulang brief, pero hindi lang yung underwear ko ang pula nung time na yun, pati narin yung mukha ko. I wanted to run, pero dahil sa sobrang hiya ay hindi ako makagalaw, kinuha ko nalang ang tuwalyang nasa ulo ko at tinakip ang lower half ng aking katawan, ilang sandali pa ay tumakbo ako sa hallway sa first floor patungo sa pinakamalapit na comfort room na makikita, pagkapasok ko ay inilock ko ang pintuan para walang ibang makapasok.

            “Patay...” Inisip ko habang gumiginhawa na parang hinabol ng aso’ng kalye. Tinanaw ko ang basa kong mga damit, ang pulang makikita sa ito ay simbolo ng aking kahihiyan, sinumpa ko nung gabing iyon na hindi na ako susuot pa ng kahit anong light colored brief ever in my life, but at the present time nung gabing yun, inisip ko ang mukha ni Marie, ang kanyang ngiti na nakaharap sa akin, ang kahihiyan na idinala ng kanyang masayang tawa, usually gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing maririnig ko siyang tumawa, pero nung time na yun, shame and shame alone was what I felt.

            Binalak kong maghintay umuga ang aking sinusuot, pero mukhang ang manipis na tela nito’y hindi kay bilis mag-tuyo, kaya binalak ko nalang lumabas sa CR at magtungo sa room, humintay ako ng ilang oras sa CR, humihintay na wala nang makakita sa akin, ang tuwalyang nakuha ko mula sa counter ay hindi gaanong nabibiyayaan ng taas, what I mean is, hindi ito nakakatabon sa lahat ng lower half ng katawan ko, it only had the capacity to cover only either the front or the back--- mukhang para lang talaga siya sa ulo ---pagdating ko sa may counter, wala masyadong tao, ang nanduon lang ay ang babaeng nasa counter. Pwede lang naman akong lumusot sa kanya na makita niya akong basang-basa, pero kahihiyan ang tumama sa’kin, “Pa’no na to?” Naghanap ako ng mga gamit na posibleng makatulong sa’kin para makalusot ako, tinanaw ko ang aking kapaligiran. Sa aking paghanap ay nakita ko ang speaker sa corner ng kwarto, yung palaging nagtutugtog ng musika, it turns out na hindi lang pala musika ang tinutugtog nito, pwede rin pala itong magpage ng pangalan. Nakita ko sa counter, mula sa medyo madilim na pinagtayuan ko, na may isang microphone na nakatayo lamang sa harap ng babae, inobserbahan ko ito. Ilang sandali lang ay ginamit ng babae ang microphone para tumawag ng pangalan ng isang lalake na hindi ko kilala, meron siyang ipinidot na switch para makasalita siya gamit ang mic, ilang sandali mula sa kanyang pagtawag ay may dumating na lalakeng kumakarga ng isang malaking bag na punong-puno ng gamit, may nakita akong binoculars, mapa, tumbler, at mga bumibitay na mga damit, sa palagay ko’y isa siyang tourista. Nagsalita siya na parang may isang accent, British siguro, narinig ko ang kanilang maliit na konbersasyon.

            “Yes? I believe I was paged.” Sinabi ng tourista.

            “Yes Mister Richardson,” sinabi ng babae “I believe these are your car keys, you mixed them up with your room key when you went here for a booking.”

            Mukhang nabigla si Richardson, ilang segundo lang ay tumawa silang dalawa.

            “Why thank you Miss... uhhh...” Tinanaw ni Richardson ang name tag ng babae. “Conny.”

Nerdvolution: storya ni Alexander Solidad ChangWhere stories live. Discover now