Chapter Five

126 6 1
                                    

            I would like to dedicate this chapter to my first ever reader on this work @CHiKii Thank you talaga! you inspired me to keep on working!

***

          Sa pagdating ko sa pintuan ng bahay namin, nagpahinga muna ako sa balcony. Basa, pagod, at nalilito. Basa, obviously because of the rain. Pagod, because of the exasperating day at school. At nalilito, especially dahil sa nangyari kanina. Ano nga ba talaga ang nangyari kanina? If I look at it from now, hindi ko talaga maintindihan. I was all like, W.E.I.R.D. I know it isn’t good to judge other people, but Don was a bit over dramatic diba? Or maybe I was just the one who was insensitive. I never really felt true emotion before, aside sa anger, sadness, fear, the usual. Kulang-kulang pa talaga ang characters ko sa inside out. I guess what I'm trying to say is that I never felt compassion for another human being aside from myself and my family. What happened earlier with Marie was a first, I don’t expect that it would get any better. Back in grade school loner ako, in fact, puro teacher lang yung mga kasama ko. Ako palagi ang nasa gilid ng espasyo, the lone one, the weird one, the outcast. No one really knew me, but it was just fine with me. I never really liked that much attention, I was fine all alone, I could survive like this forever. Pero... deep down there’s a voice that tells me I should try. Try? Try and be humiliated? Try and be mocked? Try and end up getting hurt? No! I knew no one my age has ever liked me, there was no use to show myself, not now, not ever. I should just continue to live in the corner, the dark corner where no one could see me, sanay naman ako dito.

        Ano ba yung pumasok sa utak ko? Of course the friendship I had with Don wouldn’t last. Hindi lang dapat ako ma-surprise bukas kung hindi na kami nag-uusap. Pero, anong tinutukoy niya nung sinabi niyang I remind him of someone. Haynako! ewan ko na! Buti pang pumasok na ako sa bahay, kailangan kong bumihis ang basa ko na.

       Pumasok ako sa bahay at nasalubong si Juno, ang bata kong kapatid. Nakita ko siyang nagdradrawing.

       “Kuyaaa!” Masaya niyang sinigaw. Masiyahing bata talaga si Juno, naalala ko nalang tuloy nung dumating siya sa bahay for the first time mula sa Ospital. Nang makita ko siya, biglang bumukas ang kanyang mga maliliit na mga mata at ngumiti. He was one of the very few people whom I cared about.

       “Kuya! Kuya!”

       “Ano?”

       “Eto oh!” Ipinaabot niya sa’kin ang isang pirasong papel na may makulay na drawing ng isang pamilya. Ang nakasulat: “Mama, Papa, Kuya, and Me.” at may espesyal pang designs sa “Kuya and Me.” andun pa and tatay ko na may mga pak-pak ng anghel.

        “Uy!” sinabi ko sa kanya. “Galing mong magdrawing ah!”

        Tumawa lang si Juno, ang kanyang munting pambatang halakhak ay nagbigay ng sigla sa aking katawan. Nakalimutan ko nalang tuloy ang lahat ng masamang problema na mayroon ako. Kasama na dun ang mga nangyari sa akin kanina.

        Naghanap ako, “Andyan na si Inay?”

        Lumingon lang si Juno at malungkot na sinagot, “Wala pa.”

        “Nasaan si Yaya?”

        “May ibinili lang raw siya.”

         Bata pa ako nung namatay ang itay sa isang military mission, bago pa lang isinilang si Juno ako na ang nag-alaga. Sa tingin ko hindi yata ako makaramdam ng pagmahal kung hindi siya nakarating sa buhay ko. Si inay naman, isa siyang nurse sa Casaciudad hospital, minsan tinitiis niya ang over time para naman may matugunan sa pangaraw-araw na gastusin, siya lang kasi ang nagpapabuhay sa aming magkakapatid. Ang Yaya naman, si Ate Charm, mula pa siya sa probinsya, dumating lang siya isang araw kasama ang isang kaibigan ni nanay. Naghahanap daw ng isang trabaho, kaya ayun ipinasok namin siya bilang yaya. Hindi kasi palaging andito ang inay para pangalagaan kami so it was needed for her to be around.

       “Oh, bibihis muna si kuya hah? Nabasa kasi ako sa ulan.”

       “Okay.”

        Wala masyadong nagbago sa aking munting kwarto. Andun parin ang aking mga poster ng mga anime character, nakadikit sa ding-ding, ang mga libro kong mga fantasy at sci-fi nakaantabay doon sa isang bookshelf kasama ang mga action figures ng aking paboritong mga superhero. Mga iba’t ibang kulay ng mga damit ay nakakalat lang sa kung saan-saan. Ang mattress ko was the same when I got up this morning, messy and ruffled, what did you expect? It was a typical teenage boy’s bedroom. Sorry nalang, but I liked it.

        Nagbihis ako ng damit nung time nayun at tumingin ako ng saglit lamang sa salamin, don’t worry I was wearing underwear. I never really paid much attention to my hygiene before, much more did I not pay attention to how I looked. Tumingin ako sa salamin at nakita ko ang payat kong katawan, inaamin kong hindi ito masyadong kay ganda tignan. Para nga itong buto na tinabon lang ng manipis na layer ng balat. Ang  basa kong buhok ay tila parang nilalamon ang aking noo, bangsy masyado, but in a way, I liked it. Ang mata koy naglalakihan lamang sa tindi ng grado ng aking mga glasses, at ang mukha ko ay tinirahan na ng mahiwagang O2P’s: Oil, Pimples, at Pasa. Ako na siguro ang male version ni Medusa.

        “Al!?” sigaw ng isang boses sa dining room.

        “Ate Charm?”

        “Hali ka na! Kain na tayo!”

        “Okay.” At dali-dali akong nagbihis, sinuot ko ang isang plane white T-shirt at isang paresan ng blue striped pajamas at dali-dali akong pumunta sa hapagkainan.

       Sa Dining room ay umalingasngaw ang magandang simoy ng afritada at kaldereta.

         “Paborito mo.” Sabi ni Ate Charm.

        Umupo ako katabi si Juno. Umupo naman si Ate Charm sa isang dulo ng lamesa. Nagsabayan kaming nagdasal, si ate Charm kasi ay isang Buddhist kaya pagkatapos na naming makapagdasal ay nagmemeditate pa siya ng maigi, nagtagal ng ilang minuto. Ilang saglit ay may narinig akong isang malakas na ingay. Sumigaw si Juno, “Lindol!” Tinago niya ang kanyang sarili sa ilalim ng lamesa. Wala akong mararamdaman na lindol, pero andyan parin yung ingay. Tinignan ko sa Ate Charm at yun pala ay nakatulog na siya sa kakameditate niya.

       “Huy!” Kinuhit ko siya. Ayaw gumising. Kinuhit ko nanaman siya ng ilang beses, pero ayaw parin bumukas ang kanyang mga mata. Naghinga ako ng malalim at sumigaw, “LIINDOOOOOL!” Sa tindi ng sigaw ko'y nagising siya at nataranta.

        “Do not bring us to the test, but deliver us from evil!—” Tumawa kaming dalawa ni Juno. Nang maalala na ni Ate Charm kung saan siya ay agad siyang huminahon. Bilang Buddhist binawi niya ang kanyang sinabi at pinalitan ng mataas na, “Awoooom...” Pinilitan kong hindi tumawa. “Kamusta araw mo?” tanong niya sa'kin.

         Si Ate charm ay isang maliit at mapayat na dalaga, kung naaalala ko ng tama, she’s already twenty nine years old pero para siyang gradeschool student. Nakasuot siya nang isang uniporme na iginawa lang para sa kanya ni inay, kulay blue na may mga design ng mga smiley faces. Ang buhok niya’y parang pansit, kulot at paikot-ikot sa kanyang ulo. Isa siyang morena, pero ang mukha niya’y maputi. Wagas kaseng makagamit ng face powder, kaya ayun, parang sumusuot ng maskara.

       “Okay lang.” Kahit hindi.

       “Mabuti naman.” Maalahanin niyang sinabi. Hindi niya alam kung ano talaga ang naranasan ko. “Mag-oover time daw si ina mo kaya mukhang matagalan siyang umuwi.”

       “Okay lang. Sanay naman kaming ganyan palagi.”

        The rest of dinner was silent, kahit si Juno walang masabi, kain lang kami ng kain hanggang sa matapos. Pagkatapos kong kumain dumeretcho ako sa kwarto. ginawa ko ang assignment na ibinigay ni Ms. Juliet sa amin, by the way she’s our history teacher kaya medyo may pagkaboring ang mga lesson niya. After that, humiga na ako sa aking kama. Humiga akong punong-puno ang nasa isipan ko. Si Marie, ang kanyang magandang tinig, ang kanyang malaanghel na mukha, how she gazes at the blackboard habang nagdidiscussion si Miss Juliet tungkol sa katipunan. Haaay. I could have sleeped very well. However, aside from Marie naisip ko rin si Don, ang rason kung bakit nangyari yun kanina. Itinanong ko sa aking sarili kung bakit niya sinabi yun. I remind him of someone? Sino? Bakit? Paano? AAAAARRRGGGHHH! “Ewan! Tulog na’ko.”

Nerdvolution: storya ni Alexander Solidad ChangWhere stories live. Discover now