Chapter Eleven

87 4 0
                                    

            Pumasok kami sa Resort at sinalubong kami ng mga staff.

            “Good Morning! Thank you for choosing our resort!” sabay sabay nilang sinabi.

            Nabighani ang aking mga kasama sa ganda ng resort na wala silang masabi, ang daming tao sa pool, lalo na ngayon na weekend.

            “Saan pwede makabook-in ng room?” tanong ni Don.

            “Sa kabilang counter lang po sir, please follow me.” Sabi ng isa sa mga staff.

            “Bihis na tayo.” Sabi ni Trisha kay Marie.

            “Sige.” Sumang-ayon si Marie.

            “Ummm... Al? Saan ba yung Dressing rooms?” Tanong ni Marie.

            Tumanaw ako ng matagal kay Marie na parang statua, na-imagine ko ang kanyang itsura na naka-swimsuit.

            “A-a-ay... andun lang sa may kanan ng pool, hanapin niyo lang yung label.”

            “Thanks.” Sabi nila ng sabayan at lumakad sila habang nag-chi-chika.

            “Naka-book in na tayo ng mga room, atin yung room 205 at sa girls naman itong 206.” Ibinigay ni Don sa akin ang dalawang susi ng mga kwarto.

            “Magkabila lang tayo ng room?!” tanong ko kay Don. Pinawisan ako sa kakaisip sa itsura ni Marie habang natutulog. “tama na” sabi ko sa aking sarili. “manyak! Manyak!” pinagalitan ko ang sarili ko.

            “Hey guys!” tawag ng isang masiyahin na tinig.

            Tumalikod kaming dalawa ni Don. Biglang Lumiwanag ang sanlibutan at biglang humina ang lahat ng ingay na nanggaling sa pool, ang lahat ng force at motion na pinamumunuan ng siyensyang Physics ay biglang nawala, bigla lang akong lumipad ng makita ang dalawang babaeng naka two piece, si Trisha ay napaka-cute sa kanyang pink na swimsuit, pero wala siya kung ikupara kay Marie. Nakasuot si Marie ng isang puting swimsuit na may mga frills na Navy Blue ang kulay, ang kanyang mga binti ay napakaputi na parang marble stone na mula pa sa Taj Mahal sa bansang India, ang kanyang buhok ay mas maitim pa sa gabi at tila parang ibinuhusan ng katas ng isang bituin, ang kanyang mga mata ay nguminingning sa ilalalim ng kanyang matataas na mga pilok at mas mapapansin pa sa kanyang magandang ilong at guhit ng mukha. Ang lahat ng lalakeng nasa pool ay tumatanaw sa kanilang dalawa habang lumalakad patungo sa amin, ang isang magda-dive sana mula sa diving board ay nahulog at naumpak sa tubig (face first). Ang isang batang kumakain ng ice cream ay nakanga-nga habang tumutulo ang ice cream sa kanyang kamay. Lumalakad ang dalawang magagandang babae patungo sa amin, hindi ko alam kung anong gagawin, gusto kong malunod sa tubig, pero tila parang nalunod ako sa ganda nila.

            “Al.” Sabi ng isang magandang boses. “Alexander.” Nakita ko si Marie ang tumawag sa akin, lumapit siya sa akin, ang kanyang bibig ay naka-kiss formation at parang sumusulong patungo sa akin, hinanda ko ang sarili kong bibig nang papalapit ng papalapit ang mukha ng anghel sa akin, napakalapit na... a few more inches and they would touch... hanggang...

sa na gising nanaman ako sa aking pagde-daydream.

            “Well?...” sabi ni Marie.

            “A-a-ano?” tanong ko.

            “Ayos lang ba?” tinutukoy ni Marie ang kanyang swimsuit.

            “A-a-a weeelllll... para siyang... ummm.. haha... magan---... ay... aaahh...” Hindi ako maksagot ng maayos.

            “I knew it wouldn’t look good on me.”

            “Hindi!” sinulpot ko.

            “Hindi siya maganda tingnan?” tanong ni Marie.

            “Hindi sa ganun.” Sinalbar ko ang sarili ko. “Maganda siya... cute... Cute na cute lalo na kung ikaw ang su-suot.”

            Ngumiti si Marie. “Talaga?” sabi niya. “Thanks.”

            “Ligo na tayo!” imbitar ni Don.

            “Sige!” sabi ng dalawang babae.”

            At tumalon silang dalawa sa pool, sinundan naman sila ni Don.

            “Ikaw dude? Liligo ka?” Tanong ni Trisha.

            “Ah... Mamaya na siguro.” Sa totoo lang hindi ako mahilig maligo kasama ang ibang tao, nung pumunta nga kami dito noong summer ay hindi nga ako naligo eh.

            “Hali ka na Al.” Sabi ni Don.

            “Oo nga! The waters great.” Sigaw ni Trisha.

            Kahit na tempting na magkaroon ng chance na makalangoy sa tubig kasama si Marie, hindi pa rin ako kumportable kung may ibang tao, I’d rather swim in a giant pool where no one else is swimming.

            “Well... Kung hindi ka lalangoy, I guess aalis na ako sa pool.” Sabi ni Marie. “Tulungan mo ako Al.” Itinunol ni Marie ang kanyang kamay sa akin at tinanggap ko naman, pero, sa isang saglit itinulak ako sa pool. *SPLASH* Ang lamig ng tubig ay biglang nagbigay ng buhay sa akin, ang init ng araw ay naramdaman ko sa aking balat ang mga tunog ng mga tawa nila Trisha, Marie, at Don ang narinig ko pagbangon ko mula sa ilalim ng tubig.

            “What was that for?!” Sinabi ko, habang hinanap yung glasses ko sa tubig.

            Sumagot si Marie. “Someone had to do it.” Inexplain niya. “Ayaw naman natin ng K.J.”

            Nung nahanap ko yung glasses ko, inilagay ko nalang sa bag at sinabing: “Hoy! Hindi ako K.J. hah.” Sabi ko sa kanya, at tinulak ko ang tubig para mayroong isang napakalaking balod ng tubig na tatama kay Marie.

            “Hahaha!” Humahalakhak ako sa tubig. Pero tila parang hindi Masaya si Marie, para siyang napikon ng dahil sa ginawa ko.

            “I-I’m sorry.” Humingi ako ng paumanhin. “I---” naputol ang aking sentence ng may isang malaking quantity ng tubig ang napabangga sa aking mukha.

            “Hahaha!” Tumawa si Marie. “Wag kang magpaloko kaseh.”

            Lumangoy ako sa ilalim ng tubig at muling bumangon ng napakabilis para isang malaking SPLASH ang tatama sa kanila.

            Tumawa silang tatlo.

It was the first time I really felt this way, happiness because of friends, ang phobia ko na lumangoy in public pools ay biglang nawala na parang bula. The day continued on as nag-enjoy kaming lahat sa resort, ti-nry namin yung iba’t-ibang slides sa resort, at lumangoy rin kami sa iba’t-ibang pool. The resort’s water was provided pa mula sa isang totoong waterfall kaya masarap at malamig ang tubig, at alam mo pa na malinis talaga ang tubig na niliguan mo.

The day soon became night at kaming lahat ay pagod mula sa paglalangoy sa pool.

“Haaay!” Ipinalabas ni Trisha ang kanyang pagkapagod. “Punta na tayo sa rooms.”

Sumang-ayon naman si Marie at si Don.

“Aalis na kayo?” tanong ko sa kanila.

“Well, look who’s having fun.” Sabi ni Don. “And to think na kanina pa lang ayaw niyang maligo sa pool.”

Tama nga si Don, how ironic nga naman, ako na may phobia sa public pools ay ang pinakamatagal na umalis. “Hahah.” Tumawa lang ako. “Sige, ma-una na kayo, sandali na lang, I’ll just catch up with you.” At nauna na sila sa kanilang mga rooms.

Sa pag-alis nila inisip ko kung gaano kasaya ang araw na ito, nakasama ko ang mga new friends ko, at higit sa lahat, nakasama ko pa si Marie. Ilang saglit lang bigla akong nakaramdam ng isang patak ng tubig, akala ko na mula ito sa pool, pero simula na pala ito ng ulan, at dahil ayaw ko na magkaroon ng sakit, umalis ako ng dali-dalian sa pool, hindi man lang nag-isip kung meron akong naiwan.

Nerdvolution: storya ni Alexander Solidad ChangWhere stories live. Discover now