Chapter Fourteen

101 5 7
                                    

            Bumalik ako sa eskwelahan kinabukasan, late nga nanaman ako, pero meron akong inihandang excuse letter na ipinapirma ko pa sa ina ko, so I really had nothing to worry about, I was feeling really confident with myself now, compared to all the other times last week, pero, there was a sense within me na tila para akong wala sa gana, ewan ko siguro pero baka dahil to sa diet na ibinigay ni inay sa akin. If you’re wondering what my diet is like, just imagine a cow eating nothing but grass, yup, my diet was like that of a cow’s, nothing else to eat but green. Green, green, green... Ewan ko na lang pero I felt as heavy as a cow, hindi ako sanay kumain ng gulay kaseh, but I knew it was for my own good... and also for the sake of my health... kasi... kapag hindi ako kakain ng gulay... papatayin ako ng nanay ko. *sighs*

            Habang papunta sa eskwelahan nakasalubong ko si Joseph, yung bumisita sa bahay namin nung nakaraang araw, naalala ko nalang tuloy yung date na sinasabutan nila nung nakaraan. Nakita ako ni Joseph at nangamusta siya, malalate na ako, pero I also wanted to talk to him. Kumaway siya sa akin habang nagdadala ng mga groceries, marami siyang dinadala, I can imagine the amount of money needed to buy that much kaya napaisip ko na rin kung ano kaya ang tabaho niya. lumapit ako sa kanya.

            “Umm... Hello...” Inuna ko, just like how a normal conversation would start.

            “Magandang araw sa’yo, Al.” Sinagot niya. Joseph really had a great voice, para siyang isang radio broadcaster, kahit na normal conversation man lang ay tila parang nagbro-broadcast siya. “Papunta ka sa school?” tanong niya.

            “Ah?... Oo.” Sinagot ko sa kanyang tanong.

            “Hali ka. Sabay nalang tayo. Saan ang eskwelahan mo?”

            “Rutherford U.”

            “R.U.H.S. ka pala? Wow... that’s my alma mater.” Sinabi niya habang kami’y papalakad patungo sa kanyang pulang auto.

            “Rutherfordian ka pala?” Sinabi ko na nagtataka. “Akala ko hindi ka taga dito?“

            “Sinong may sabi?”

            “Umm. Wala lang, I just assumed kasi bago ka pa lang lumipat doon sa apartment na tinutuluyan mo.” Nakasakay na kami sa kanyang sasakyan nung nagtanong ako nito.

            Tumawa si Joseph at nagsabi. “Hindi, actually, dito ako ipinanganak, dito rin ako ipinalaki, I was a graduate of Rutherford University High School a long time ago, Actually magkaedad lang kami ng nanay mo.”

            “Talaga?” Tinanaw ko ang mukha niya, not saying na matanda na si inay, pero mukha lang mas bata si Joseph.

            “Oh ano?” Tinanong niya. Sa puntong ito ay a few blocks away nalang kami patungo sa eskwelahan.

            “Ay... Wala... It’s just that, parang mabata ka pa kesa kang inay.”

            Tumawa kaming dalawa. “Anyway, after I graduated High School, lumipat ako sa Maynila para mag-aral ng Communication, nagtrabaho ako doon as a reporter and radio broadcaster for a few years, pero I grew tired and decided to do modelling.” Tinignan ko si Joseph at hindi nagtaka na isa pala siyang modelo. “After Two years of modelling, I saved up a bit ang decided to come back here.”

“Ba’t ka bumalik dito?” Tinanong ko sa kanya.

Lumiko si Joseph sa isang dulo sa daan. “Yung agency kasi na tinatrabahuan ko picked me to be a modelling instructor dito sa kanilang branch sa Casaciudad. Taga dito naman kasi talaga ako, so I accepted the job.”

Nerdvolution: storya ni Alexander Solidad ChangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon