Chapter Seven

94 5 0
                                    

            During recess it was like a void was following me wherever I went, not from Don, I felt it was from me. Kahit hindi ako sinabihan ni Don on what was bothering him he looked much better. Now it was like hinawa niya ako sa kalungkutan niya. Well, it’s not typical for me to blame someone else for my sadness but it felt that way. Hindi talaga ako sanay sa mga ganito, parang namromroblema nalang ako sa taong hindi ko dapat problemahan. I wasn’t the touch and heal type, hindi ako inspiring speaker, pero somehow I was saddened that he didn't tell me what was wrong. Hindi ba niya ako makakapagtiwalaan? Diba kaibigan daw kami? I didn't have much friends, but I know that that's not the way to treat the people whom you care about. Nako! Mas makakapagtiwalaan pa ako kumpara sa mga politiko, hindi siya dapat mamroblema sa’kin. Sabi niyang may mga nag-aaway, sino kaya? Baka secret sabungero pala si Don at natalo ang pinustahan niyang manok kaya siya malungkot? Ha, of course not. Na-intriga talaga ako, gusto kong malaman, but I know it's out of my business to meddle with his life.

            Habang nakaupo kami ni Don sa isang lamesa sa canteen, sa katabing lamesa nagsama-sama ang apat na powder, perfume, cologne girls. Hindi na nga kailangan na tumingin ka pa sa likod para makita mo sila. You can sense them. The cologne and perfume teaming up in the air. The baby powder still visible in the space around you. The soft whispers of gossip floating inside your ear. Maririnig ko ang konbersasyon nila at alam kong sinasadya nilang makarinig ako.

            “Ba’t sumasama si Don sa baduy na yan?” Sabi ng isang boses na mapagkakamalang si Agatha.

            “I know, it just isn’t right.” Dagdag ni Lizzy.

            “Cool guys should hang out with other cool guys, hindi sa mga taong parang hindi tao. Nakakaturn-off! If I know, kang Al yung excuse na, ‘I woke up late,’ ang baduy ng rason. Sa kanya talaga yun. I'm sure of it.” Sumangayon ang tatlo sa sinabi ni Helen at sabay silang tumawa.

            “Al! Don!” Tawag ng isang malaanghel na boses. “Pwede po bang makiupo?” Sa pagharap ko sa aking gilid nakita ko si Marie kasama si Trisha nagdadala ng tray na may pagkain.

           Natulala ako, wala akong masabi, walang lumabas sa aking bibig. Bago ako makabuo ng isang salita, nagsabi na si Don.

          “Sure.”

           What? No No NO! Sinigawan ko si Don sa utak ko. It was too late, they already sat down. Sa ganda ni Marie hindi ako makagalaw. Hindi man lang ako makasalita at makahinga ng maayos, tumitingin lang ako sa kanya na parang estatua. Ang kanyang mukha ay kasing kinis ng perlas, buhok niya’y parang seda gusto ko sanang hawakan kung pwede lang. Napakapula ng kanyang mga labi parang rosas na bago lang bumulaklak.

           Haaaayyy, Marie...

            “Ang lalim ng isip mo dude.” Sumulpot ang mukha ni Trisha sa aking harapan. Nagising ako.

             “Huh? Ummm... Wala, iniisip ko lang yung lesson ni Sir Roel.”

            “Ah... ganun ba?” Sagot ni Trisha. “Ang salbahis naman niya. Binasa pa niya ang mga rason kung bakit na late ang estudyante sa harapan ng marami. He does not respect the privacy of others.”

            “Okay lang yun.” Sabi ni Don. “Atleast he let us stay para sa kanyang lesson ke’sa naman sa ipalabas niya kami.”

            “But... Still.” Dinagdag ng magandang boses ni Marie. “Hindi niya dapat ginawa yun.”

            Nais ko sanang magsalita pero, “A-a-a-h.” lang ang lumalabas sa bibig ko.

            “Haaaayyy.” Sabi ni Trisha. “Ang boring naman ng buhay,” Nag-isip siya ng malalim. “I know! Gusto niyo mamasyal tayo?”

            “Sure!” sagot ni Marie na walang pagdududa.

            “Ok.” Sagot naman Don.

            Nagsitinginan silang lahat sa akin na parang ngumingiting mga bampirang gutom.

            “Ikaw Al? Sama ka?” Tanong ni Marie.

            Hindi ako sanay mamasyal kasama ang ibang tao maliban sa pamilya ko. It would be a first for me and maybe I would just get left behind, but on the other hand it would be a chance for me to spend some time with Marie. What could go wrong?

            Sumagot ako. “Okay, sama na’ko.”

            “Yey! Tayong apat!”  Masayang iginalgal ni Trisha na may napakalaking ngiti.

            “Pero saan naman tayo pupunta?” tanong ni Marie.

           Nag-isip kaming lahat ng maigi.

            “Sa Mall?” Suggestion ni Don.

            “Sawa na ako dun.” Nirespond si Trisha.

            “Sa park?” Suggestion ni Marie.

            “Malapit lang kami ni Al nakatira dun eh.” Sagot ni Don.

            “Ummm...” May naisip ako, pero nagdadalawang isip kung magugustuhan ba nila ang suggestion ko. Wag nalang

            “Yes?” tanong ni Marie.

            “Ay! Wala.” Natakot ako na baka they would judge me.

            “Sige na! Let’s hear it.” Pinilitan ako ni Trisha.

            “Ummm...” Nako! Baka mapagkamalan ako nitong manyak, but it was just a suggestion so I just told them straight forward. “May alam akong resort na malapit dito, tapos affordable lang ang entrance at sulit na lahat from lounge and food.”

            “Sige! Doon tayo.” Masayang ipinahayag ni Don.

            “Pero strikto sila when it comes to dress code kasi.”

            “Anong ibig mong sabihin?” Tanong ni Trisha. Kumakapit sa kanyang pink miniskirt.

            “Dapat naka appropriate swimwear ang mga tao.” Inexplekar ko.

            Nagsitahimik ang tatlo. Ang dalawang babae ay nag-iisip pa, lumingon sa akin, lumingon sa bawat isa, at muling lumingon sa akin. 

            I knew it was a bad idea.

            “Okay, no problem.” Sabi ni Marie na may kaunting tawa. “I’m comfortable with my body.”

Whaaaaatttt!? They actually agreed to my idea! Inimagine ko si Marie na naka swimsuit.

            “So am I.” Dagdag ni Trisha. I like swimsuits so much, I even draw them on my sketchpad.

            “Okay! So it’s settled then” nagsalita si Don. “We’re going there this weekend.”

            “Yeah!” Sabay na nagsigawan ang mga babae. Andun lang ako sa gilid nag-iisip sa tagumpay ng aking ideya.

Nerdvolution: storya ni Alexander Solidad ChangOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz