Chapter Twelve

89 6 5
                                    

            Ang mga malalakas na patak ng ulan ay maririning within the hallway, nagsisinyales sa tindi ng lamig sa labas, ngunit hindi naman gaanong kasing lamig ang loob ng building. Ang first floor ng building ay parang isang set na ginagamit para sa mga telenovela, ang kanyang sahig ay ikinoveran ng mga puting tiles na may mga silver ornamental prints ng mga halamang tropical, ang kanya namang mga ding-ding paminsan minsan ay merong mga malalaking painting ng mga tao, halaman, at hayop, meron pang isang nakita ko na abstract painting na tila parang sumasayaw ang mga kulay sa harap ng mukha mo. Kung tatanaw ka naman sa alkuba ng maluwag na kwarto ay makita mo ang isang napakagarang chandelier na tila parang mga luha ng sirena na ipinagsama-sama para magmumukhang isang palasyong lumulutang sa ere. Sa gilid ng first floor, kanan lang sa entrahe nakaupo ang isang malaking service counter kung saan ang isang maganda at masayang tingnan na babae ang nakaupo.

            “Good Evening Sir.” Sinabi ng babae habang ibinow-down niya ang kanyang ulo para magbigay galang.

            Hindi ako maayos pagdating sa mga greeting kaya kumaway lang ako sa kanya habang nagtitiis na ngumiti. *kaway* *kaway*

            Habang paakyat ako patungo sa second floor, maririnig ko ang lagapak ng aking mga tsinelas, ang matindig paggiginhawa na nagmula sa aking mga ilong, at ang pangpakalmang musika na nagmumula sa isang speaker na ikinabit sa isang corner ng room.

            Ang second floor ay mas-higit pang sosyal kaysa sa first floor, para siyang isang bahay ng prinsipe at prinsesa. Ang kanyang sahig ay ibinalot ng isang napakalambot na red carpet na tila parang kay lambot ng balahibo ng kuneho. Sa gilid ng bawat isang pinto sa hallway nakatayo ang isang matangkad at mapayat na lamesa na nagmimistulang gwardya, sa itaas ng bawat lamesa nakalagay ang mga pareparehong klaseng vase na humahawak ng iba’t-ibang klaseng bulaklak, may rosas, lavender, meron pang gumamela.

            Lumakad ako sa hallway at hinanap ang kwartong ang nakalagay ay 205, ang liwanag na nagmumula sa mga lampara ay nakakabigay ng makakalmang enerhiya sa katawan at sa isip na tila parang inaantok ako sa kakahanap. Hinanap ko ang kwartong hinanap, ibinilang ko ang lahat ng pintuan na naksalubong ko hanggang sa nakita ko na sa wakas.

            “205, ito na.” Sinubukan kong buksan pero ayaw bumukas. Sinubukan kong kumatok pero walang sumagot, kaya kinuha ko nalang ang sarili kong susi na ibinigay ni Don sa akin kanina sa pool at ibinuksan ko ang pintuan, nangpagbukas ko’y narinig ko ang tubig na mula sa shower ng C.R. inaantok ako kaya humiga lang ako sa higaan.

            Maganda ang kwarto, sa pagpasok mo pa lang ay nakaantay na ang isang malaking flatscreen cable TV, may malaking cabinet na nakalagay sa gilid ng pintuan patungo sa hallway, nakita ko rin ang isang malapad na bintana na kung saan makita mo ang tindi ng ulan pero kung hihinto na ay makita mo ang pangkalahatan ng resort, meron pang isang lamesa na may salamin, yung mga, anu ba yung tinatawag nila diyan? Vain mirror?

            “Don?” tawag ko habang nakahiga. “Don?”

            Biglang huminto ang buhos ng tubig sa shower. “Trisha?” tawag ng isang malaanghel na boses. “Trisha ikaw ba yan?”

            Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng CR at nang dahil sa sobrang kaba, dali dali akong tumago sa maruming ilalim ng kama.

            “Trisha?” Sinabi ni Marie.

            “patay” sinabi ko sa isip ko. “kung makita niya ako, siguradong sasabihin niyang manyak ako.

            “Hello?” tawag ni Marie. “Sino yun?” nakita ko ang kanyang mga mapuputing binti at mga munting paa, basang-basa pa sa loob ng kanyang mga tsinelas. Lumalakad siyang dahan-dahan palapit ng palapit patungo sa kama.

Nerdvolution: storya ni Alexander Solidad ChangWhere stories live. Discover now