Chapter Six

94 4 2
                                    

            Pagkagising ko, sinimulan ko kaagad ang aking daily routine. Una, naligo. Then, Kumain. Then nag-impake. Nang matapos ko ang mga ito ay mamamaalam na sana ako kay inay. Sinubukan kong hanapin siya sa kanyang kwarto, pero wala siya. Hinanap ko siya sa buong bahay, pero hindi ko siya makita.

            “Ma?” Pilit kong tinawag.

            “Nanguna na ang nanay mo.” Pinapakain ni Ate Charm si Juno. “First shift kasi siya.”

            “Ah, ganun ba.”

            “Yung baon mo andiyan sa lamesa. Kunin mo.” Kinuha ko ang baon ko at nang pag-alsa ko sa balunan ay may isang liham na nakalagay sa ibaba.

            Mahal kong Al,

Pasensya na if kailangang pumunta ng maaga ang inay hah? Marami kasing tao sa Ospital ngayon nak, kailangan na kailangan ang nanay dun. Wag kang mag-alala, sinabihan ko na si Ate Charm mo na maghanda ng pagkain para sa’tin mamaya. Maaga ako uuwi.

                      Labyu ❤
                          Mama

           Ibinalot ko ang baon ko at inilagay sa aking bag. Dumerecho ako sa pintuan.

        “Aalis na ako!”

        “Oh sige!” Sagot ni Ate Charm. Hindi siya kadugo namin, pero naturi ko na rin siyang kapatid.

         “Bye kuya!” Paalam naman ni Juno habang nilalamon ang isang piraso ng beef loaf.

         Naglakad lang ako nang naglakad, nag-isip ng nag-isip ng malalim hanggang sa may sumigaw sa aking likuran.

        “AL!” Tinig ng isang pamilyar na boses. “AL! Hintay ka naman diyan!” Parang déjà vu lang? Sa pagtalikod ko nakita ko si Don, tumatakbo, umuuntol ang dala-dala niyang sling bag.

       “Oh?” Sinabi ko. Nanginginig sa takot. I felt uncomfortable with him around, parang may sense na galit siya saakin. Maybe he wants to destroy me. Hinintay ko ang kanyang kilos, pero, wala. N.V.R. talaga (No Violent Reaction) Siguro nakalimutan niya? Hinintay ko pa ng ilang segundo. Nakangiti pa siya, which made me more uncomfortable! Hindi ko mapigilan ang sarili ko, tinanong ko siya. “Hindi ka galit?”

       Tinitigan niya ang mukha ko. Parang yung mga bata sa simbahan na nakatutok sa'yo na parang alam ang lahat ng mga kasalanan mo.“Ba’t naman ako magagalit?” Sinabi niya.

        Ano batong taong to? Parang nakalimutan siguro ang nangyari kahapon.Which was a good thing for me though, I didn't want to be in another weird situation. “Never mind, hali ka na, malelate na tayo.”

        Nakarating kami sa school, humihinga ng malalim at pabilisang tumatakbo. Late na kami. The first class has already started. Nang makarating kami sa classroom, isang kalbong may-edad na na guro ang nakita naming sumusulat sa pisara ng mga algebraic expressions. Pahinay-hinay kaming lumakad patungo sa mga upuan namin. Malapit na sana kaming makarating sa pwesto nang biglang sumabog ang kamay ng kalbong guro sa teacher's desk. Para siyang nabubulok na bangkay na nabuhay muli.

       “HOY!” Sigaw ng kalbo.

        “Yes Sir!?” Sabay kaming sumagot.

        “Ba’t kayo late, ha? First meeting pa lang natin, late na kaagad?! Where’s your slip?”

       “Here sir.” Ipinasa namin sa kanya ang aming mga maliliit na piraso ng papel na may isinulat na mga rason kung bakit kami na late.

        Iniinspeksyunan niya ito na parang tinitignan kung pwede ba itong kainin. Of all the days, ngayong araw ko pa na tayming na malate ako sa subject ng terror teacher na'to. Matapos niyang ininspeksyunan ang mga papel, ay hindi pa siya nakuntento at ibinasa pa ang mga ito sa buong klase. “I was late because I woke up late.” At sabayan namang tumawa ang lahat ng klase, nandun yung mga babaeng daga. Tumatawa na may patabon-tabon pa sa bibig, dumadalagang Pilipina te, wow ha? Sa dulo naman ay nakita ko si Gardo, tumatawa ng pinakamalakas sa lahat. Kanyang tiyan ay umuuntol pataas pababa habang siya ay humahalakhak. Lahat sila ay tumawa maliban sa akin, ni Marie, at ni Trisha. Kahihiyan ang ipinadala ng kanilang malalaking mga tawa at palakpakan.

       Hindi ko papel yan, tinignan ko si Don. Namumula ang kanyang noo'y maputing mga pisngi.

        Nagpatuloy ang maestro, kabilang papel naman, ang papel ko. Inayos niya ang kanyang mga salamin at nagsimulang magbasa.“I was late due to minor family duties, I fully take the responsibility of my actions and I promise not to be late again.” Walang tumawa, pero si Don ay parang mas napahiya nang marinig ang dahilan kung bakit ako nalate. It wasn’t totally the truth but I had to make an excuse.

       “You may now sit down.” Huminahon ang buong klase kasama ang kalbo. Umupo kami ni Don sa aming mga upuan, ang mukha ni niyay patuloy paring namumula dahil sa hiya.

       Nakaupo lang si Don sa harapan ko. “Don, Okay ka lang?”

       Hindi siya sumagot.

       Agad sumulpot ang kalbong guro. “Okay, for those of you who are late, my name is Roel Maglangit.” Si Sir Roel ay isang matanda at payat na lalake, ang kanyang mga salamin ay kasing laki sa akin. Mukha niya'y punong puno ng mga linya. Simbolo ng kanyang mga taon bilang isang guro sa matematika. Nakasisidlak ang kanyang ulo, dahilan ng kanyang pagkakalbo, napag-isipan ko nalang tuloy na baka ang kanyang mga buhok sa ulo ay nag-migrate patungo sa kanyang kilay. Para na itong balahibo o di kaya'y sa sobrang laki nito.

         Bigla siyang nagsalita, yung tipong pananalita ng matandang guro sa mga dekada sitentang mga pelikula na parang alam na ang lahat. “Okay let’s talk about finding X in this equation of....” nagpatuloy ang leksyon, ninais kong makinig kahit pagod sa pagtatakbo. Ngunit si Don ay hindi parin nagbago, malungkot pa rin at nakasimangot, parang hindi na ito dahil sa hiya. It’s not my style to butt into another person’s life, but I was curious.

       “Don? Parang may problema ka ah?” Oh Goodness, I was just snatching cheezy lines from a movie. “Sabihin mo lang sa akin.”

       Nag-ring ang school bell. “Okay that is all for this session, you may now take your recess.” Sa isang saglit nagsitakbuhan ang lahat patungo sa pintuan, ang natira sa classroom ay kaming dalawa ni Don.

        “Don?”

        Binukas ni Don ang kanyang bibig, magsasalita na sana siya, ngunit mayroong babaeng nakasalamin na nakapasok sa classroom at ipinalabas kami. Hindi pala pwedeng tumambay sa classroom kapag recess. Agad kaming tumayo at nagpatungo sa labas. Nanguna sa Don, wala akong narinig mula sa kanya.

      Tahimik kaming naglakad, pero talagang nagtataka lang talaga ako, “Ano talaga ang rason kung bakit na late ka?”

       Nagdadalawang isip pa muna si Don. Pero sa ilang saglit ay binuksan niya ang kanyang mga bibig, “Nag-away nanaman sila kagabi. Hindi ako makatulog.”

       “Sino?”

       Nanahimik sa Don. Lumaki ang kanyang mga mata na tila parang may nasabi siyang hindi dapat niya sinabi. “Nevermind” pinilit niya ang isang ngiti. “Tara! Punta tayo canteen.”

      Biglang nalunod ang tiyan ko pagkarinig ko kay Don, that feeling when you are entering a restricted area in a person’s life. “Teka lang, sino ang nag-away?”

      “Wala,” patuloy niyang ipinilit ang isang masakit na ngiti. “I'm okay dude, seriously.”

“Don?—”

     “I said, I'm fine!” linamon niya ang linya ko. “Recess na, let’s go get some food.” Sinundan ko nalang siya.

Nerdvolution: storya ni Alexander Solidad ChangWhere stories live. Discover now