Chapter Nine

91 5 0
                                    

            Ang boses na narinig namin ay boses ng isang middle-aged na lalake. Boses ng isang radio broadcaster, malaki, malinis, at puno ng buhay. Nakabibigay sigla ang bawat salita niya. Nakakaengganyong pakinggan, gusto kong sumunod sa kanyang bawat hiling.

            Tumakbo si inay patungo sa pintuan para buksan ito at tignan kung sino ang may-ari ng magandang boses. Nang binuksan niya, sinalubong siya ng isang matangkad na lalake. Moreno ang kutis, malapad ang mukha kagaya ng isang artista. Pangmodelo ang postura niya. Mga braso nyay naglalakihan na parang nanggaling pa siyang kumarga ng ilang sakong bigas. Wew, parang pwede niya akong mapadala sa Amerika sa isang suntok lang.

            “Magandang gabi po.” Sabi ng lalake, ang kanyang boses ay gawa sa ginto. “Pasensya po sa abala hah? Pero meron po kasi akung narinig sumigaw na may sunog daw?” Wala akong marinig galing kay inay, tila para siyang nakatunganga pagkakita niya sa lalake. Inayos ko ang aking mga salamin at muling tinignan ang hitsura ng taong nasa may pintuan. Ang kanyang mukhay malapad nga, kasing-kulay rin ito ng ginintuang kayumanggi. Makinis ang kanyang kutis, nang makita ko’y tinakpan ko ang aking mukha, baka ma-emphasize ang pimples ko. Bigote nya’y maganda rin tignan, lalong pinapakita ang kanyang pagkalalake at nakabibigay ng malakas na porma sa kanyang mukha, parang yung mga bigote sa mga lalake sa umaga at nagdecide lang na wag nalang ipaahit para pagsabihan ng cool, pero totoo naman talagang napaka-cool nga taong ito. Para siyang artistang sumikat nung mga dekada otsenta at mula noon ay mabusisi niyang pinapalagaan ang kanyang sariling hygiene. Nakasuot lamang siya ng isang pangkaraniwang white t-shirt at black jeans, pinares pa niya ito ng itim na docksider shoes. Para siyang nasa mga late-thirties to fourties, pero kahit na may edad na siya, inaamin kong may itsura siya. At mas malungkot akong aaminin na mas gwapo pa siya kesa sa’kin.

            “Ummm... Hello po?” Sabi ng lalakeng nasa pintuan habang kinakaway ang kanyang malalaking kamay sa harap ng mukha ni inay. Pagkalipas ng ilang segundo muli siyang nagising.

            “Ay! Meron lang akung linuto. Nasunog. Kami pa nga sana ang maghihingi dapat ng pasensya sa’yo.”

            “Okay lang ba ang lahat?” Tanong ng lalake.

            “Oo.” Ngumiting sinagot ni inay.  Tinignan siya ng lalake ng maigi, itinuro niya ang namumulang kamay ng ina.

         “Napaso ka?” Tinago niya sa kanyang likuran ang kanyang napasong kamay na ngayon ko lang rin napansin.

         “Oo, kanina sa pagluto. Jologs kasi ako pagdating sa pagluto.” Pinilit niyang ngumiti.

          “Pero okay ka lang ba?”

        “Okay lang naman ako, ang hindi okay, yung manok. Namatay lang siya para sa wala.”

            Tinignan ng lalake ang aking inay, tila parang nagtataka at prinoseso ang sinabi niya. Ilang saglit lang ay tumawa ang misteryosong lalake. Ngayon lang niya nagets yung joke. Sumabay si inay at ang mga boses nila'y sabay humahalakhak at masayang pinuno ang kwarto. Lumingon si inay sa gilid na namumula ang mukha. Tuluyan silang nagtawanan hanggang sa nagkakwentuhan. Ipinakilala ng may-ari ng ginintuang boses ang kanyang sarili.

          “Let me introduce myself.” Masayahin niyang sinimulan, “Ako pala si Joseph, Joseph del Rosaryo.” Ipinaabot niya ang kanyang kamay at itinanggap naman ito ni inay. “Bago lang po akong lumipat doon sa kabilang apartment kaya pasensya na kung bigla akong dumating dito. Baka nasabi niyong namemekialam ako sainyo.”

            “Wala para sa amin yun!” Ibinusisi ni Inay, “Kami pa dapat ang maghingi sa‘yo ng paumanhin eh. Naabalahan ka nalang tuloy na pumunta dito sa bahay, inakala mo na mayroon pang sunog. Pasensya ha?”

Nerdvolution: storya ni Alexander Solidad ChangWhere stories live. Discover now