Chapter Seventeen

69 4 0
                                    

TADADADADADA! Hope you enjoy the chapter guys! Sorry sa mga nagla-lag na updates, medyo busy lang talaga! Vote and comment! :D

_____________________________________________________

“Al! Sorry talaga tungkol kanina! Hindi ko naman sinasadya na iwan ka lang doon mag-isa!” Bulalas ni Trisha bago pa man lang kami nakaupo ni Don. Buti nalang hindi masyadong maraming tao sa canteen kaya hindi masyadong nakakahiya nung nag-hysterics si Trisha. Kung wala nga siguro yung lamesa, walang kaduda-dudang yinakap na niya ako. (Assuming ako, ganun kasi iyong nangyayari sa mga napapanood ko. ^^)

“Nahiya lang talaga ako kanina…” patuloy ni Trisha at mukhang sising-sisi talaga siya sa pag-iwan niya sa akin.

“Ah eh, okay lang ‘yun Trish, kasi linigtas rin naman ako ni Don kaya…” Clinear ko yung lalamunan ko. *Ahem* Hindi ko talaga alam kung ano ang dapit sabihin sa mga babae sa mga sitwasyong ganito. Idagdag mo pa si Marie na andiyan lang sa harapan ko at kinu-comfort si Trisha. Bumuntong hininga si Trisha.

“Salamat Al at napatawad mo ko, ayaw ko talagang masira iyong friendship natin eh.” Ngumiti siya sa akin.

 Suddenly, ang mga mapupungay na mata ni Marie ay tumingin sa akin na punong-puno ng concern. Jusko, parang aatakihin ako sa puso. (Char!) Napaka-overwhelming talaga ng epekto ni Marie sa akin.

“Ok ka lang Al? So far, ang alam ko lang ay binangga ka nung mayabang na Angelo Rosales, ano ba tong narinig ko na iniligtas ka ni Don?”

Nag-shrug lang si Don. “Nako, napaka-humble talaga niyan ni Al. Hindi ko siya iniligtas noh, nag-alliance kami para matalo ang mga minions ni Angelo. Kung hindi dahil sa pag-stall ni Al sa sitwasyong iyon, siguradong bugbog sirado na kami.” Tumayo siya. “Bili muna ako ng maiinom guys!” Nung nakarating na siya sa likod ng mga babae ay ngumiti siya ng isang napaka-smug na ngiti. Sinasabi ng kanyang facial expression na “O ayan pare! Magpa-impress ka na!”  Mokong talaga, hindi pa naman ako marunong magsinungaling…well, most of the time anyway.

“Talaga?!” Sabay sabi nila Trisha at Marie. Ano ba iyan, mahirap talaga sigurong paniwalaan na I can stand against other bullies. Sabagay, totoo naman talaga, at tsaka obvious naman sa physique ko eh. V_V

“A-ah, eh, nag-exaggerate lang iyan si Don. Hindi naman talaga ganun ka-heroic ang ginawa ko.” Ang ginawa ko lang ay pumikit at maghintay sa mga suntok at sipa. I thought.

“Still, hindi maraming tao ang nakaka-stand up against sa QC.” Sabi ni Trisha na may paghanga.

“QC?” Tanong ko. “Parang hindi ko alam iyan. Diba Quezon City iyan?”

Tumawa si Trisha. “Hindi! QC as in Quadros Chicos, sila iyong mga best buddies ni Angelo.” At biglang tumahimik si Trisha nung binanggit niya si Angelo.

“Uhm Trisha? Bakit ba parang ganoon ka ka-affected kay Angelo?”

Nagtinginan sina Marie at Trisha. Just when Trisha opened her mouth to say something, bumalik si Don na may dalang apat na soda. At just like that, parang nagdissolve lang iyong negative aura kanina lang. Ang weird, paano ba iyon ginagawa ng mga babae?

“Ui! Para ba sa amin iyan?” Tanong ko sabay ngiti. Bait talaga ng kaibigang kong ito. (Mayaman pa! Nyahahaha.)

“Ano ka, hilo? Akin toh noh!” Sabi ni Don sabay ng isang goofy na ngiti.

“Lahat ng iyan?!” Sabi ni Marie na may horrified expression.

“Oo naman, uhaw ako eh.” Ani ni Don sabay ng pagbukas sa isang soda can. Pinaglihi ata toh si Don sa isang camel. >.> Uminom siya at tumingin sa aming mga ekspresyon. “Joke lang, para talaga sa inyong tatlo iyong mga natira. Kayo talaga, hindi mabiro.”

Nerdvolution: storya ni Alexander Solidad ChangWhere stories live. Discover now