Chapter Eighteen

53 2 0
                                    

            Malaking gulat ang dumating sa aming lahat na andun nakaupo sa canteen table na yun. Well... actually sa akin lang. Hindi dahil nagulat ako na pinili ng sangkatauhan ng aming level si Marie para mag-represent sa contest. Of course, if I had the chance to vote (siguro if I had reached school earlier) I would have voted for her too. Nagulat lang ako, kasi kung siya ang napili ibig sabihin makakasama niya yung feelingerong hari ng campus na leader ng mga chuwawaps na cosplayerng baduy na si Angelo Rosales. Mas magaan pa yung pakiramdam ko nung hindi ko pa kilala ang mga magrerepresenta.

              “HAAHH?!” bulalas ni Marie, ngumingning ang kanyang mga mala-bituin na mga mata. *Haay* kahit sa kanyang gulat na expression, para akong naakit sa love spell niya. Pero nagising ako nang-marealize ko na siya rin ay nagulat pinili siya.

            “Oh? Anung problema?” Tanong ni Trisha. Naka “O” shape ang kanyang bibig.

            “Oo nga,” dagdag ni Don. “Siguro, kaming lahat na nandirito ay gusto kang iparepresenta sa contest.” Lumingon si Don sa akin. “Diba Al?”

            “Hindi hah.”

            Umangat ang mga kilay nila maliban kay Marie. Si Don ang may pinakamataas na inangat ng kilay at may kaunting smile na parang nagsasabi siya ng “weh?”.

            Ewan ko kung bakit nasabi ko yun kahit na gusto ko ngang siya ang magrepresent sa level namin. Alam niyo ba yung moment na kung tatanungin ka ng kahit ano tungkol sa crush mo, tapos idedeny mo lang lahat, hindi gamit yung utak pero nandyan na talaga sa instinct mo na ideny kasi natatakot ka na baka mabuking ang sekreto na may crush ka sa kanya? yun siguro ang nangyareh, kasi dirediretso ang pagsagot ko at walang trace ng pagduda sa mukha ko and it was too late to fix it.

            Patuloy ang pagtataka ng dalawang nakaangat ang kilay, and it was awkward silence all over again.

            (O.o)

            “It doesn’t matter.” Pinutol ni Marie ang katahimikan at muling bumalik ang mga kilay nina Don at Trisha sa kung saan dapat ito nakapuwesto. “Okay lang naman sana na ako ang ipipili, pero sana hindi yung salbahes na Angelo Rosales ang makakasama ko.” 

            Sana ako nalang. Inisip ko, but yeah, it was too much of a farfetched idea. Hindi naman masama na managinip diba?

            “Ang salbahes niya.” Patuloy ni Marie. “I don’t want to work with someone na nakasakit sa mga kaibigan ko.” Tumingin si Marie sa akin. Tumigas ang mga kamay ko, parang hinugot niya ako sa isang lasso ng kagandahan. “If I was there Al, I would have helped you beat him up.” Sa pagtapos niya sa kanyang pangungusap, para akong gustong umiyak sa kasiyahan, I have never experienced such a thing in all my life, it was the first time na merong babaeng gustong tumulong sa akin sa aking bully problems, maliban sa ina ko. Na malik-mata lang siguro ako, pero parang sa isang sandali nakita ko si Marie na nakasuot ng isang napakagandang armour ng warrior princess na makikita mo sa mga MMORPG. Ang ganda niya...

            Tumingin ako sa sahig. Gusto ko sanang magpasalamat pero, “Uh-uhm ah.” Yun lang ang lumabas. T.T

            Patuloy kaming nagkwentuhan at nagtawanan patungkol sa mga anu-anong nangyayari sa school. Nagkwento si Don patungkol kay Gardo na nakita niyang kumain ng isang burger at sa isang saglit lamang ay naubos niya. Si Marie naman ay nagkwento lamang patungkol sa mga grades, projects, assignments, at academic activities. Nang-patuloy kaming nagkwentuhan ay tumingin ako kay Trisha. Sumasabay siya paminsan-minsan sa mga jokes pero matapos siyang tumawa ay mananatili lang siyang tahimik na parang linulubog niya ang sarili niya sa malalim na pag-iisip. It wasn’t like her. It wasn’t like her at all.

            Umuwi ako sa bahay namin, ang mga isip at mga nararamdaman ko ay tila parang nakahalo-halo. Inisip ko ang araw na parang isang puzzle piece na isa lamang misteryosong parte ng future. Inisip ko habang nakahiga sa aking kama: Ano kaya ang mabubuo nito?

Nerdvolution: storya ni Alexander Solidad ChangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon