Chapter Fifteen

76 3 0
                                    

SO sorry talaga na matagal na akong hindi nag.uupdate... Here it is... quite short though, but hope you'll enjoy! hahah... tune in next week!

-------------------------------------------------------------

            Para akong pusang tinapon ng amo. Mga kamay ko ay narating sa mismong hallway, para akong lumalampaso gamit ang aking mga daliri. Mga salamin ko ay tuminig ng karaniwang *klatak* sa pagkahulog nito sa tiles.

            “Watch where you’re going!” Sabi ng imaheng nakabangga sa’kin.

            “Hoy!” sigaw ni Trisha. “Ikaw yung bumangga sa kanya noh! Ikaw ang dapat humingi ng---” biglang huminto si Trisha sa kanyang pagsisigaw habang kasalukuyan kong hinahanap yung mga salamin ko.

            Nang nahanap ko na at sinuot ang mga salamin ko ang nooy malabo na imahe ay luminaw. Sa harap ko nakatayo ang isang matangkad na lalakeng nakasuot ng red varsity jacket, tumingin siya sa akin gamit ang kanyang mga malilinaw at matatalas na mga mata, ang kanyang buhok ay naka-spike, para siyang nakasuot ng korona, tumingin siya na parang isang hari na minamaliit ang kanyang alipin, ang kanyang makinis na mukha at panlalakeng mga kilay ay kumunot kasama sa kanyang matangos na ilong para ipakita sa amin na hindi siya matuwa.

            “Ano?!” Tinignan niya si Trisha. “Tapusin mo yung sinabi mo.”

            Tumingin ako kay Trisha at nakita ang kanyang pulang mukha na punong-puno ng hiya.

            “Sabi ko na nga ba.” Sabi ng lalakeng naka-varsity jacket na may aroganteng ngiti sa kanyang labi, at sa ilang saglit ay umalis ang lalake. Ngayon ko lang napansin na ang hallway na punong-puno ng mga maiingay na estudyante ay biglang huminto para tingnan ang konbersasyon namin kasama ang varsity jacket guy. Ang populasyon ng mga estudyanteng nasa daan ng varsity jacket guy ay umirog sa puwesto para ipadaan ang nakapulang lalake, at sa aking puwesto maririnig ko ang mga ingay ng mga babae na obvious na obvious na kinikilig sa pagdaan niya sa kanila, sabay pa ang mga pandidiri nila sa akin at ni Trisha.

            Lumingon ako kay Trisha na nanatiling tahimik mula nung makausap niya ang lalake.

            “Sino yun?” tanong ko sa kanya.

            Tumingin siya sa akin na tila parang nagtataka kung hindi ko kilala ang lalakeng yun, pero hindi niya ako sinagot. Tinanaw niya ang sahig at lumiko patalikod, ang kanyang mukha ay puno parin ng kulay pula at kahihiyan. Umalis si Trisha na walang sinabing anuman at iniwan niya ako sa harap ng nakararaming tao na parang handang kainin akong buhay.

            Tumingin ako sa mga tao, at tumingin naman ang iba sa akin, yung iba naman parang nagsta-status sa FB, nagte-take ng photo at ina-upload sa Insta, or kaya’y nagtwi-tweet tungkol sa sariwang pangyayari, at yung iba naman nagbubulong ng mga hindi magagandang kasabihan tungkol sa akin. Narinig ko pa ang isang babae na pinakamalapit sa akin nagsabing, “Binangga niya si Angelo Rosales at hindi man lang humingi ng patawad, alam kong bago pa siya dito, pero kung ganyan ang turi niya sa hari ng campus, tiyak na hindi siya tatagal dito.”

Nerdvolution: storya ni Alexander Solidad ChangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon