Chapter Four

127 7 2
                                    

 Thanks so much for reading!

***

           After school, I made my way home, pero nung pagdating ko sa university gates may biglang tumawag sa pangalan ko. Isang pamilyar na boses. Sa pagtalikod ko, nakita ko si Don.

            “Hoy, Al!” Sigaw niya. “Hintay ka naman diyan.”

            “Don? Ba’t ka nagpahintay?”

            “Malapit lang sa park ang bahay niyo diba?”

            “Oo, ba’t mo nalaman?”

            “Sabi ko na nga bang pamilyar ka eh. Nakita kita kanina paglabas mo sa bahay mo, malapit din kasi dun yung apartment kung saan ako nakatira. Gusto mong sabay tayo umuwi?”

            “Sure! No problem.”

            Sabay kami ni Don lumakad pauwi nung hapon na yun. Nag-usap kami ng kung anu-ano lang. Mga conversation starters like, “What's your favorite color?” O kaya'y, “Nakapatay ka na ba ng tao?” Joke lang. Sa totoo, inisip ko ng maigi kung bakit nagpasama si Don sa akin pauwi. Nako! Love wins siguro tung batang to. Lagot na ako diyan. Pero parang hindi naman ganyan ang intensyon niya. But even if it were so, it would be hard to believe that anyone would hardly even like me that way. Hindi parin matanggap ni Don ang nangyari kanina, dahilan kay Gardo. Parang kapatid ang pagaalala niya para sa akin.

            “Grabe! Ano kaya ang problema nun?” Tanong ni Don.

            “Pabayaan mo nalang yun, di naman ako nasaktan.”

            “Kahit na! Wala siyang karapatan para gawin yun sa ibang tao, baka nga naman ulitin pa niya yun sa iba.”  

            Kahit na, I was trying to forget what happened, inisip ko na rin kung bakit nga ba ginawa yun ni Gardo. Ano nga ba ang problema niya? At bakit itinulak niya yung upuan ko? Sa bagay, sanay naman ako sa panlalait ng mga tao sa akin. So to me, it was nothing.

            “Oh sige, dito lang ako.” Sabi ni Don. Huminto kami sa isang grandyosong condominium.

            “Dito ka nakatira?!” Tanong ko kay Don, nakatunganga.

            “Oo, third floor sa building na’to, kaya kita nakita kanina. Hindi ako stalker hah? Baka yan ang iniisip mo.”

            “Sabi mo kasi apartment.”

            “Oo nga.” Sagot niyang pataas ang kilay.

            “Eh, condominium to eh.”

            “May kaibahan ba?”

            “Well...” tama nga naman ang sinabi ni Don, condominiums are a type of apartment, pero ba’t hindi niya sinabi na grand pala ang apartment na tinitirahan niya?

            “Mayaman siguro kayo no?” Napatawa si Don.

            “Well... both my parents are architects, but I don’t like to brag. Baka makagaya ko yung apat na yun sa school, you should visit here sometime.”

            “Okay, sige.” But it was not okay. I now thought of Don as a son of a rich dope family. It never occurred to me that he was rich. How stupid of me, of course he’s rich, everyone at that school is rich! If it was never for my scholarship I would have never gotten in.

            “Uy! Dude? Okay ka lang ba?” Ginising ako ni Don sa aking malalim sa pag-iisip.

            “Ah... okay lang. Ganda talaga nang bahay niyo.”

            “Ito? Wala toh. You should see the house we got in Boracay.”

            Boracay! May bahay sila sa Boracay?! Inisip ko habang nagsasalita siya. My first impression on Don was wrong, he isn’t rich. HE’S ROYALTY. I am so jealous.

            “—Maybe during summer break?”

            “Hah? Ano yun?” Hindi ko namalayan na nagsasalita pa pala siya.

            “Summer break, baka pwede kang pumunta dun sa Boracay, Summer kasi yung birthday ko. Every year we go to Boracay to celebrate, but it gets so boring.”

            Tinanong ko nanaman si Don. “Bakit?” Eh Boracay nga diba?

            “Wala akong makausap dun, mga tao lang na hindi ko kakilala na nakatira lang malapit sa dagat.”

            “Wala ka bang mga kapatid?”

             Tumahimik si Don. Biglang nagbago ang kanyang pagkamasayahin. Una, ito pa’y nakabibingi na katahimikan. Pero di nagtagal para na itong kadiliman na unti-unting bumabalot sa aking katawan. Bunganga ng isang halimaw na handang ilulon ka sa malalim sa paruruunan na walang hanggan. Yung feeling na babagyo na. Agad agad ay napaisip ako ng maraming mga bagay Ano ba ang nasabi ko? The heck! Susuntukin ako nito. But it never happened, instead of punching me like what I had expected, Don just turned One-eighty degrees toward the door.

            “D-Don?” Pinutol ko ang katahimikan. “Okay ka lang ba?”

           “I’m glad I made a new friend today, you remind me so much of someone Al. See you tomorrow at school.” With that last remark, naglakad siya patungo sa entrance ng gusali, pumasok siya sa glass door at makikita ko pa ang kanyang mukha, pinahiran niya ang mga mata niya. Umiiyak siya? Patungo sa elevator at sa pagsira ng mga pinto nagpatuloy parin ang katahimikan.

            A"no bang nagawa ko?" Bulong ko sa aking sarili. “Oh just great! My first friend in high school and now I’ve made him upset.” Pero kung iisipin, Don was a pretty tough guy, he would even stand up to a guy as big as Gardo, I wonder what would make a guy as tough as him cry like a wimpy little guy like me. If any of us cried, it should have been me.

            Naramdaman ko ang isang patak ng tubig sa ulo ko, di nagtagal, umulan ng malakas. Tumakbo ako patungo sa bahay.

Nerdvolution: storya ni Alexander Solidad ChangWhere stories live. Discover now