Chapter 3 (Bother)

8.9K 345 22
                                    


Chapter 3

Bother

4:30 am. Tumunog ang se-net kong alarm sa aking cellphone. Agad akong bumangon matapos kong magpasalamat sa taas sa bagong umagang binigay nya sakin.

Ginawa ko na muna ang aking morning rituals. Medyo madilim pa sa labas. Antok pa nga ako eh,pero kailangan kong gumising ng maaga para gawin ang aking assignments na di ko nagawa kagabi dahil masyadong gabi na akong umuwi dahil nag over time ako sa Resto at isa pa kailangan ko rin magluto ng agahan para sa amin.

Matapos kong gawin ang aking morning rituals at assignments na binigay samin nung terror naming Professor ay lumabas na ako ng kwarto at pumuntang kusina para magluto.

6:05 am. Nakita kong lumabas na si Auntie Beth mula sa kanilang kwarto. Nakabihis narin sya,para pumasok na sa trabaho nya. Maaga kasi ang shift nya.

"Good Morning po Auntie." Bati ko sa kanya habang naghahanda ako ng pagkain sa lamesa.

Tumango lang sya sakin at umupo na.

"Si Tricia,ginising mo naba?" tanong nya habang nagtitimpla ng kape.

"Tinatapos ko lang po ito Auntie. Pupunta na rin po ako ngayon sa kwarto nya." sagot ko at nilapag na ang kanin sa mesa.

"Sige na. Gisingin mo na at baka mahuli pa yun sa klase nya." sabi nya at humigop na ng kape.

"Opo Auntie." sagot ko at tumalima na papunta sa kwarto ni Tricia.

"Tricia. Gumising kana. Baka mahuli ka sa klase mo." sigaw ko sa labas ng kwarto nya sabay katok pero wala parin akong narinig mula kay Tricia.

Pinihit ko nalang yung door knob since di naman sya naka lock. Nakita kong nakatalukbong pa ng kumot si Tricia at mahimbing paring natutulog.

Naku naman! May araw na oh! Tulog mantika talaga to. Ako na naman pagagalitan ni Auntie Beth pag na-late to eh. Napakamot nalang ako sa ulo ko. Tsk.tsk.

"Tricia. Gising na. Malelate kana nyan." sabay niyogyog ko sya.

"Hmmm..... Antok pa ako eh." may pagkainis sa kanyang boses at mas tinalokbong ulit ang kanyang kumot kaya ang ginawa ko,hinila ko yung kumot nya.

"Ano ba!? Akin na yan!" singhal nya sakin pero di ko binigay yung kumot. Alam ko kasing matutulog na naman to ulit. Nakow! Malalagot talaga ako kay Auntie pag nagkataon.

"Tricia...malelate kana. Maligo kana at ng makapag almusal. Nasa labas na si Auntie,pinapagising kana sakin. Sige na, bangon na." mahinahon kong sabi sa kanya.

"Aish...ang aga-aga pa eh. Tsk. Nakakainis!" At padabog syang bumangon sabay labas ng kwarto para pumuntang CR para maligo. Iisa lang kasi ang CR dito sa bahay.

Napapailing nalang ako at inayos na ang susuuting uniporme ni Tricia. Niligpit ko na din ang ibang kalat sa kanyang silid at ang kanyang kama. Matapos iyon ay lumabas na ako ng kwarto nya at pumunta naman sa akin para makapag bihis narin.

Red sweater jacket,maong short at sneakers. Yan ang ayus ko ngayon. Syempre with my glasses. Di pwedi mawala to,dahil mawawalan din ako ng paningin. Nakow,mahirap yun!
Lumabas na ako dala ang aking backpack,tsaka din naman ang paglabas ni Tricia sa kanyang kwarto. Nakabihis na sya ng uniform nya. Inirapan lang nya ako bago sya naglakad papunta sa kusina.

Napailing nalang ulit ako sa kanya tsaka sumunod narin sa kusina para mag-agahan.

Umupo na kami at kumakain na.

"Bilisan mo na dyan Tricia. Male-late kana." sabi ni Auntie. Di sumagot si Tricia at tahimik lang na kumakain.

6:45 am. Nakasakay na ako ngayon sa aking bisiklita habang may earphone sa tenga at nakikinig ng music papuntang school,humihikab pa ako dahil antok na antok pa talaga ako. Nag overtime kasi ako kagabi dahil marami ang customers na dumating.

Love Warning❗                   [COMPLETED]Where stories live. Discover now