Chapter 47(Hallucinations)

3.5K 166 65
                                    

Sarina's pov

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata.

Blurred?

Bakit blurred na naman?

Ang sakit pa ng katawan at ulo ko.

Ilang sandali lang ay naging malinaw na ang paningin ko at napag tanto kong nasa Ospital pala ako.

Agad na napakunot ang aking noo.

Ano na namang ginagawa ko dito?

Bakit ako nandito?

Tsaka bakit may suot akong oxygen? Bakit ang daming nakakabit sa braso ko?

Teka,ano bang nangyayari?

Ang daming tanong sa isip ko.

Pinilit kong igalaw ang mga kamay ko upang makatayo ako sa pagkaka higa dito sa hospital bed pero nagulat nalang ako ng may mahawakan ako.

"Hmm..Andrienne!? Your awake!? Teka,tatawag ako ng doctor!" natataranta nyang sabi. Mukhang kakagising lang nya at natutulog sya na nakayuko sa kamang hinihigaan ko ngayon.

Agad na hinawakan ko ang kamay?
nya para pigilan syang lumabas.

Nagatataka naman nya akong tiningnan.
Tinanggal ko ang oxygen na nakakabit sakin para makapag salita ako ng maayos.

"A-ano na naman bang ginagawa ko dito sa Ospital?" halos pabulong kong tanong sa kanya. Para kasing may bumabara din sa lalamunan ko.

"Andrienne,magpahinga ka na muna okay? Tatawagin ko lang ang Doktor mo." sabi nya at hinaplos ako sa ulo sabay halik ng noo ko at lumabas na sya ng room ng naka ngiti na parang masaya syang nagising ako?

Ano ba talaga ang problema? Hindi ko na maintindihan. Bakit palagi nalang akong nagigising sa Ospital na may kung ano-anong nakakabit sakin?

Ugh! Sumasakit lang ang ulo ko sa kakaisip!

-
Ilang sandali lang ay pumasok na ulit si Stanley at may kasama na syang Doktor. The same doctor nung huli akong na confine.

Gumalaw ako at pinilit na umupo sa aking pagkakahiga. Agad naman na dinaluhan ako ni Stanley at tinulungang maka upo sa kama.

"Andrienne,slowly." sabi nya sabay hawak ng kamay ko. Agad na hinawi ko naman iyon. Nakita ko ang pagka gulat sa kanyang itsura sa ginawa ko.

Naiinis kasi ako sa kanya. Ang dami kong tanong na di nya sinasagot. Ugh.

"So,Miss. Mendez. How are you feeling now?" binaling ko ang tingin sa doktor ng magsalita ito.

"Dok? Ano po bang problema? Bakit na naman ako nandito? Tsaka ano po ito? Bakit may nakakabit sakin na ganito?" sunod sunod kong tanong sabay angat ng kamay kong ang daming tubes.

Nakita kong nagka tinginan sila ni Stanley.

"You still didnt tell her?" tanong ng doktor kay Stanley. Tumango naman sya.

"You need to tell her now,Mr. Hilton or if you want ako na ang magsasabi.." sabi ulit ni Doktor Tan. Nakita ko kasi sa coat nya yung kanyang pangalan. Napailing naman si Stanley.

"Im just afraid if she can handle it Dok." sabi nya.

"T-teka? Ano bang sasabihin? Anong dapat malaman? Stanley?" tanong ko sabay baling ng tingin kay Stanley.

"Tell her now. I think she can manage already. Besides andito kami to rescue her if something happened,just press the alarm,I have to go." sabi ng doktor kay Stanley. Hinawakan sya nito sa balikat bago tuluyang lumabas ang Doktor sa room.

Love Warning❗                   [COMPLETED]Where stories live. Discover now