Chapter 5 (Ketchup)

6K 275 14
                                    


-Short Update Lang po ^_^
Salamat sa nagbabasa,kung meron man. And please comment po kayo..i want to know your feedback kasi about this Lame novel. Komawo! Mas mapapadalas po ang update pag ganun. Hihi

Enjoy Reading!

Ketchup

Andito ako ngayon sa kusina at naghahanda ng agahan. Di ako masyadong nakatulog ng maayos kagabi sa kaiisip kung papaanong nalaman ng unggoy na Third na yun kung saan ako nakatira.

Hanggang sa bumaba kasi ako kahapon ng kotse nya di na sya muli pang nagsalita,as if mauubos laway nya o mawawalan sya ng boses pag kinausap pa nya ako ulit. Psh..ganun ba kahalaga ang bawat pagsasalita nya?

"Huy! Sarina! Ano ba? Kanina pa kitang kinakausap ahh." naku! Si Tyong pala.

"A-ah..ano po yun T-Tyong?" kanda-utal kong tanong. Di ko kasi namalayang andito na pala sya sa tabi ko.

"Ang sabi ko,ano itong sinasabi si Tricia na may lalaking naghatid sayo kahapon?" bigla akong kinabahan sa tanong ni Tyong.

Pero di naman dapat ako kabahan diba? Kasi wala naman yun.

"A-ah..k-kaklase ko po yun Tyong. Malakas po kasi ang ulan kahapon at wala na po akong masakyan..ehh dito din naman po ang daanan nya pauwi kaya po sinabay na nya ako." mahabang paliwanag ko which is true naman talaga. Di ko lang alam kung paano nya talagang nalaman na dito ako nakatira..haist!

"Siguraduhin mo lang Sarina!" sabi nya sabay higop ng kape nya. Strikto talaga sina Auntie Beth at Tyong samin. Simula pa nuon ayaw nila kaming pinaglalapit ni Tricia sa mga lalaki. Kaya nga NBSB ehh. Pero okay lang yun,bata pa naman din kami. Darating at darating din yung tamang panahon para dyan. Atleast alam ko na nagmamalasakit pala talaga sina Auntie at tyong sakin,kahit na di naman talaga nila ako anak.

Dumating nadin sina Autie Beth at Tricia. Buti nga gumising agad tong si Tricia nang gisingin ko sya kanina ehh..tulog mantika pa naman yan.

Habang kumakain panay naman ang sama ng tingin ni Tricia sakin. Ano na naman bang problema nya? Di ko nalang sya pinansin at nagpatuloy nalang sa pagkain.

"Yung sinabi ko sayo Sarina,tandaan mo!"

"Opo Tyong." sagot ko at tumalima na. Wala pa naman akong bike ngayon. Tinanong nga ni Tyong kung nasaan,sabi ko iniwan ko sa school dahil masyadong madulas ang daan kahapon. Buti naman at mukhang naniwala. Paktay talaga sakin ang unggoy na Third na yun pag di nya yun naayos! Nakagastos pa tuloy ako ng pamasahe kagabi papuntang trabaho. Tsk!

Nang makarating sa school agad akong pumunta sa library para gawin ang aking obligasyon. Matapos yun ay pumunta na ako sa aking classroom.

Lunch time andito ako sa canteen,nagsisimula ng kainin ang aking baon na Lunch. Himala yata at di nanti-trip ang grupo ng Third na yun? O sadyang di lang nagkakatagpo ang landas namin ngayon? O baka naman nadala kahapon nung itapon ko yung bike sa kanila?

Kanina kasi wala sila sa first,second and Third subject.

Ops! Speaking of Third.

Andito sya ngayon papalapit sa...

Direksyon ko?

Panay ang impit na tili ng mga kababaehan na kinikilig talaga sa presensya nitong si Third. Pero wala man lang syang pakialam sa paligid nya.

Napatingin ako sa kanya ng marahas nyang hilahin yung upuan sa left side ko at sumenyas dun sa mga kumakain sa Canteen. Agad naman itong nagsitayuan at dinala ang mga pagkain nila tsaka umalis.

Iba din talaga ang lalaking 'to ano. Lahat napapasunod nya.

Umupo sya sa tabi ko. Anong trip na naman ba ang gagawin ng unggoy na 'to?

Kukunin ko sana yung ketchup malapit sa kanya kaso di ko maabot kaya sya na ang kumuha at nilagyan yung pagkain ko.

Aba,anong nakain ng unggoy na'to?

Nakikita ko sa aking peripheral vission na parang nakangiti sya habang nilalagyan ng ketchup ang aking pagkain at habang nakatingin sya sa side ng mukha ko.

Marahas ko syang nilingon pero agad syang bumaling sa kabilang deriksyon at di naman nakangiti. Haay ewan. Nag ha-halucinate na nga yata ako dahil gutom ako ngayon...Tss..himala yata kung ngingiti ang isang Third Hunter Collins! Kung di kasi masama ang aura nya,ngumingisi o kaya naman naka smirk lang sya. Nakita ko din naman syang tumawa nung tinor-tur nila yung bike ko..pero may kakaiba parin talaga ngayon. Psh..ewan lang,naka langhap yata ng katol ang isang 'to.

Ilang sandali pa dumating yung tatlo nyang uhuging barkada. Ito namang katabi kong si Third parang di sya mapakali. Parang bigla syang naging tense..

Nang makalapit na yung tatlo, bigla din naman syang tumayo tsaka kinuha yung ketchup at binuhos sa pagkain ko at tinapik pa yung lunch box ko!

Ugh! Sabi ko na nga ba! Wala talagang matinong ginagawa tong Third na to! Akala ko pa naman magiging tuloy-tuloy na ang pagiging mabait nya simula ng ihatid nya ako kahapon,pero..ugh! Mas nadadagdagan ang pagkainis ko sa kanya!

Nagtawanan na naman yung tatlo. Natapon pa yung juice ko nang tapikin naman nung isa sa kanila. Tiningnan ko sila ng masama pero parang wala lang sa kanila. Nakakainis talaga! Arrrghh!

Third just patted my shoulder at umalis na sila ng nagtatawanan! Nang naglakad na sila sa paakyat sa hagdan nilingon ko sila. Nakita kong napahinto si Third at tumingin sakin. Ewan ko ba,parang iba kasi yung expression ng mukha nya...parang,nagsisisi sya o nakokonsensya?

Pero hindi!

Ba't naman sya makokonsensya sa ginawa nya!

Marahil ngayon nagsasaya na naman sila at mamatay matay na naman sa kakatawa!

Akala ko may side din syang mabait, nagkamali ako!

Kinaiinisan ko sya!

Di dapat ako magpapaniwala sa kanya!

Biglang bumabait..yun pala pagti-tripan lang ako. Aishh..ang Sama talaga nila!

Paano na to ngayon?

Yung pagkain ko nagswi-swimming na sa ketchup natapunan pa ng juice! Tsk! Kainis. Gutom pa naman ako!

Bahala na nga! Nakakain naman ako ng kaunti kanina eh,magla-library nalang ako total maaga pa naman.

Library. Tahimik. Maaliwalas. Masarap tumambay at magbasa ng libro. Wow! Best feeling!

Siguro naman dito wala nang manggugulo. Nakakasawa nadin kasi talaga ang panti-trip ng mga unggoy na yun sakin. Of all the student ba naman dito sa Kamikaze,ako talaga pinagti-tripan ng mga yun?! Mula simula palang ng klase ganyan na sila sakin! Di ba sila nakokonsensya!? Nakakainis talaga!

Tsk. Sabagay. Nerd nga pala ako. At ang mga nerd palaging binubully. Yun lagi kong nababasa at napapanood eh. Akala ko hanggang dun lang yun,pati din pala sa totoong buhay meron. At ito nga,sa akin. Haay.reality!

Love Warning❗                   [COMPLETED]Where stories live. Discover now