Chapter 38 (Who Are you?)

3.8K 166 45
                                    

Short & Lame Update. Pasensya na.

                                  Chapter 38
                            (Who are you?)

Sarina's Pov

Patuloy parin ako sa pagtakbo ko sa di ko alam kung saan ako tutungo. Hindi ako pamilyar sa lugar na'to pero wala na akong pakialam,ang gusto ko lang ay makalayo sa lugar na yun.

Ang sakit sakit!

Sa lahat ng tao bakit sa kanya yung pinaka masakit?

Hindi ko inakala na masasabi nya sakin ang salitang yun.

Alam ko naman na may kasalananan ako. Tanggap ko naman yun dahil nagsinungaling ako sa kanya,pero...ang sakit lang talaga isipin na wala syang tiwala sakin. Na mas naniniwala pa sya sa kumakalat na pictures na yun kesa sakin na girlfriend nya.

Kaya pala.

Kaya pala ganun nalang ang mga estudyante ng K.A kanina dahil pala dun sa pictures na yun. Pero,wala talaga akong alam tungkol dun.

Gulong gulo na ako.

Napa-angat ang tingin ko sa langit. Ilang sandali pay naramdaman ko na ang ilang butil ng tubig na pumapatak sa aking mukha.

Tila nakikiramay nga talaga ang langit sakin. Bakit pag nasasaktan ang puso ko I always end up under the rain?

Mas lalo nalang tuloy akong napaiyak kasabay nun ang malakas na pagbuhos ng ulan.

Wala na akong nagawa kundi ang magpatuloy sa aking paglalakad. At kapag minamalas ka naman talaga ay wala pa talagang dumadaan na sasakyan dito.

Basang basa na ako. Pero wala akong maramdaman ni kunting lamig. Namanhid na yata ako e.

Napatakip nalang ako sa mukha ko at napaupo sa tabi ng daan tsaka humagohol ng iyak.

"Ano ba luha? Bakit ayaw mong tumigil?" kausap ko sa sarili at napayakap nalang sa mga tuhod ko.

----

"THIRD!"

Agad na napa bangon ako sa aking pagkakahiga sabay hawak sa ulo ko.

"Andrienne, are you okay?" napalingon ako sa pamilyar na boses na yun at napakunot ang noo ko ng mapagtanto ko kung sino ito.

"S-stanley? A-anong--

"I saw you last night at the roadside. You soak yourself in the rain then you passed out." sabi nya.

Pilit na inalala ko naman ang lahat. Bigla nalang tumulo ang luha ko.

Hindi pala panaginip ang lahat ng iyon. Totoo pala yun.

"Hey,are you okay? Are you hurt?" natatarantang tanong nya sabay lapit dito sa kama.

"Hindi. Amff..kailangan ko nang umalis." sabi ko at agad na bumaba ng kama pero nahagip ni Stanley ang kamay ko.

"Andrienne,you have to rest. May lagnat ka pa. I already called the K.A's office and I told them that your sick,so you are excuse for today---

"Bakit mo ginawa yun?" napataas ang boses kong tanong sa kanya.

"Andrienne,listen...you have to rest okay? You are--

"Sino ka ba para paki-alaman ako? Ano ba kita Stanley? Can you just please stay away from me!" singhal ko sa kanya.

Nakita kong natigilan sya at ilang sandali pay na realise ko kung ano yung nagawa ko.

Love Warning❗                   [COMPLETED]Where stories live. Discover now