Chapter 8 (Love Warning!)

6.5K 308 22
                                    


Short and Lame update ^_^

Enjoy Reading!

Chapter 8

Love Warning!

Pauwi na ako ngayon galing dun sa party ng Grandma ni Shienna. Nagtaka nga sila nung makitang basang-basa ako. Pero sabi ko nadulas ako sa may pool. Mukhang naniwala naman at nag alala pa tuloy sila sakin. Ang bait talaga nila.

Nakapag bihis narin ako ng damit na suot ko kanina nung pumunta ako sa bahay nila Shienna.

Nag insist pa sya na ihatid ako pero tumanggi na ako dahil gabi nadin masyado. Mag je-jeep nalang ako.

Habang naglalakad papasok sa bahay ay di ko maiwasang isipin yung nangyari kanina sa pool.

Paulit-ulit na nagfa-flashback sa utak ko yung mga ngiti nya.

Bigla na namang lumakas ang tibok ng puso ko.

Bakit ganito?

Sa twing naiisip ko sya parang biglang nagwawala ang aking puso.

Parang bigla nalang nagkakarera sa lakas ang tibok nito pag nasa malapit lang sya.

Lalong-lalo na yung magkahawak kamay kami kanina at nagkatitigan...

"Saan.ka.galing?" isang matigas at madiin na boses ang nakapag pabalik sakin sa realidad.

Si Auntie Beth

Andito na pala ako sa tapat ng bahay. Nakasandal si Auntie sa may haligi ng pinto habang naka crossed arm. Bigla akong nakaramdam ng kaba.

Mukhang galit sya.

"S-sa isang p-party po Auntie." kinakabahan kong sagot.

"Party? Saang party? Sa mga Hudgens? Hah! May pa-party kana pala ngayong nalalaman? Ni hindi ka man lang nagpaalam? " singhal nya sakin.

"P-po? Di po ba sinabi sa inyo ni Tricia?" sagot ko.

"Tss..huy! Wag mo nga akong madamay-damay dyan. Wala akong alam nuh! Psh.." sabat ni Tricia. Nasa likuran lang pala sya ni Auntie.

Di ako makapaniwala. Sya pa nga ang mismong nagtulak sakin palabas ng bahay kanina at sinabing sya na ang bahala kay Auntie. Na sya na ang magpapaliwanag ng lahat. P-pero...

Ano ito?

"Ni hindi mo pa nga natapos ang gawain mo dito sa bahay! Di ka pa pumasok sa trabaho! Mas inuna mo pa talaga ang pagpunta sa letseng party na yan?! Halika nga ditong babae ka!" sabay hila ni Auntie sa braso ko.

Nakaladkad nya ako papasok ng bahay.

"A-auntie..nasasaktan po ako." halos mangiyak ko nang sabi.

Hindi ko maintindihan kong bakit ganun nalang sya kagalit na pumunta ako sa isang party. Paminsan lang naman ito. Pero ang di ko maintindihan ay kung bakit di sinabi ni Tricia...ugh! Oo nga pala. Si Tricia nga pala sya. Ang Triciang galit sakin. Ano pa bang aasahan ko?

"Wala akong paki-alam!" at tinulak nya ako kaya napa upo ako sa sahig ng kusina. Di nakaligtas sa akin ang ngisi ni Tricia. Ganyan ba talaga sya..masaya syang nakikitang nasasaktan ako?

"Sinong nagsabi sayo na pwedi kang pumunta sa party na yun ha! Ang sabi ko kanina,linisin mo ang buong bahay! Tapos madadatnan ko nalang dito sobrang kalat!?" galit na galit nyang sigaw.

" A-auntie..natapos ko naman po lahat ng pinapagawa nyo kanina---

"Ano ba Sarina! Ako ba pinaglolo loko mo?! Ang dumi nga ehh.. Si Tricia na nga ang nadatnan kong nagliligpit ng ibang kalat,tapos ikaw andoon nagpapakasaya sa party na yun?! Aba! Hindi kita pinatira dito sa pamamahay ko para lang pumarty at iwan tong bahay na makalat!"

Love Warning❗                   [COMPLETED]Where stories live. Discover now