Chapter 34(Ikaw lang,Sapat na)

4.4K 210 45
                                    

                                   Chapter 34

                       (Ikaw Lang,Sapat na.)

4:00am.

Tumunog ang alarm ko sa aking cellphone at agad na tumayo ako at pinatay ito.

Kahit na inaantok pa ay kailangan kong gumising ng maaga ngayon.

Tiningnan ko si Third at mukhang di naman ito nagising dahil mukhang mahimbing parin ang tulog. Mabuti naman.

Agad na hinawakan ko ang noo nya at noo ko para ikumpara yung temperatura nya sa akin. At mukhang wala na naman syang lagnat. Sinat nalang siguro dahil medyo mainit pa sya ng kunti. Naka hinga ako ng maluwag dahil di na kagaya kagabi.

Tinanggal ko na ang towel sa noo nya at nilagay sa tabi tsaka inayos ang pagkalagay ng kumot sa kanya.

"Morning bf." bulong ko bago sya hinalikan sa noo at kumuha ng damit sa cabinet tsaka lumabas na ng kwarto.

Sinuot ko na agad ang hoody jacket ko, Black leggings at rubber shoes. Sinadya ko talagang gumising at lumabas ng maaga ngayon dahil may bibilhin ako.

Ini-unat ko muna ang katawan ko bago ako lumabas ng boarding house at tumakbo na. Madilim pa at mga street lights lang yung nagbibigay ilaw sa daan,nanga naghulugang sobrang aga pa nga.

---

Agad na sumalubong sa akin ang ingay ng palengke. Kung ang Super Market or some other grocery stores ay di pa open ng ganitong oras, ang palengke ay hindi. Ang mga tao dito ay sobrang aaga kung gumising para kumita. Dito na nga tumitira yung iba e.

Tsaka mas maganda dito pag maaga ka kasi makakabili at makakauna ka talaga sa mga preskong bilihin. Di kagaya ng sa Supermarket. Puro frozen na at di na presko.

Kinausap ko ang tatlong kumag kagabi at tinanong ko lahat ng mga gustong kainin ni Third. Mga paborito nya. Mga ayaw nya. Since matagal na naman silang magkakaibigan kaya trusted ko na sila.
Kaya agad na nilista ko na lahat ng mga sinabi nila sakin. Maa-asahan din pala ang mga unggoy na yun. Hihi.

So lets go! Palengke na!

---
" Aga natin Sarina ah." tanong sakin ni Aleng Mercedes. Suki na nya ako dito sa palengke.

"Ahh..hihi Oo nga po e. Ah,Aleng Mercedes. Magkano ba kilo nito?" 

"280 Sarina. Pero dahil suki kita. 200 nalang." sabi nya na sobrang nagpalapad ng ngiti ko. Hihi di na pala ako mahihirapang tumawad. ^_^

"Talaga ho? Hihi sige po. Isang kilo. Heto po bayad. Salamat Aleng Mercey...sa uulitin!"

"Sige. Ingat ka!"
--

"Kuya,sige na ho. 150 nalang. Please. Parang di naman tayo mag suki nyan e!"

"Oh sya,sya. Ikaw na bata ka talaga. O heto."

"Waahh..Salamat kuya! Wag kang mag-alala dito ulit ako bibili. Hihi."

"Naku! Malulugi ako sa kaka tawad mo."

"Hihi. Kuya naman!"

"Sya...layas na. May customer pa ako." pabiro nyang sabi at nag sign pa na paalisin na talaga ako sa pwesto nya. Ngumiti naman ako ng malapad sa kanya at umalis na. Napatingin ako sa listahan ko.

-Main ingrediets Check
-Spices check
-Vegetables check

Mukhang nabili ko na naman yata lahat.

Gora na!

Agad na sumakay ako sa isang naka paradang tricycle sa labas ng palengke at sinabi kung saan ako magpapahatid.

Love Warning❗                   [COMPLETED]Where stories live. Discover now