Chapter 57 (Pain)

3.8K 146 144
                                    


                                      Chapter 57

Stanleys Pov

"How is she?"-Andrie.

"Still asleep." mahinang sagot ko.

"Naku bess! Napapasarap na yata tulog natin ah. Gising gising din pag may time ano?" sabi naman ni Carley na kasunod lang ni Andrie na pumasok dito sa private room kung saan naka confine si Andrienne.

Its been a week at di parin sya nagigising. Nag aalala na kaming lahat sa kanya. Lalo na sa sakit nya. Kahit nakahiga at tulog sya the cancer cells are still spreading. At yun ang pinag aalala namin ng husto. Ready na ang surgery nya. Lahat okay na. Pero hindi sya pweding mag undergo hanggat di pa sya nagigising. "Haay..Andrienne. Don't make us worry so much. Wake up now,please." Bulong ko sa isipan habang naka tingin sa naka higang si Andrienne.

"Anong sabi ni Doctor?" tanong ni Andrie bago umupo sa sofa na nandito katabi ko.

"Wait until she gain conciousness." sagot ko. Sa totoo lang,napanghihinaan na ako ng loob. I dont want to think this way pero di ko maiwasan. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa. Wala akong magawa sa sitwasyun nya! Sh*t!

"Huy Sarina! Ano? Di ka parin ba gigising ah? Tsk! Pipiktusan na talaga kitang babae ka eh! Isang linggo na besh oh! Tulog ka parin?! Aigoo!" napa lingon kami ni Andrie kay Carley na kinakausap ang tulog na si Andrienne. Napa ngiti ako ng bahagya sa inaakto ni Carley.

"Sabi nang Doctor mas maganda daw kung araw araw o oras oras syang kausapin. It will help her to wake up." sabi ko.

"Yeah. Si Dad hinahanap na sya." napalingon ako kay Andrie sa sinabi nya.

"You didn't tell Mr. Alex?" kunot noo kung tanong.

"Yeah. Wala syang alam sa nangyari. I just told him na pinagbakasyun ko lang si Andrea. I didnt tell him about this. Mag aalala lang sya." sagot nya. May point naman sya. Pino protektahan nya lang din ang Ama nila. Magwawala yun pag nalaman ang nangyaring ito sa anak nya at baka atakihin pa ito nang sakit nito.

Napalingon kaming tatlo nang may kumatok sa pinto.

"Yo,Collins." bati ni Andrie. Tumango lang si Collins kay Andrie at pati sakin. May dala syang bouquet of pink Roses. Araw araw may dala talaga syang flowers for Andrienne. Pink na pink na nga tong kwarto eh. Nilagay nya ito sa side table na malapit sa kama ni Andrienne. Mamaya ang nurse na ang maglalagay nyan sa Vase. At dahil pag mamay ari nga nya 'tong Ospital ay pina-confine nya si Andrienne sa pinaka VIP nitong Ospital nila. Parang isang condominium na nga ito eh. Kompleto sa gamit at appliances. May Dining at Mini sala pa.

"Any signs?" agad na tanong nya. Reffering to Andrienne kung may signs ba na gigising sya. Yumuko lang ako at napa iling naman si Carley at Andrie.

Umalis si Carley sa upuan na malapit sa kama ni Andrienne at si Third naman ang pumalit dun. Agad na hinawakan nya ang kamay ni Andrienne at hinalikan ito. Napaiwas nalang ako ng tingin. Alam nyu naman siguro ang nararamdaman ko para sa babaeng yan diba? Psh. Swerte talaga ng gag*.

"Amff..Stan,samahan mo muna ako sa baba. May bibilhin ako eh." aya ni Carley sabay hinila na ako patayo at lumabas na ng silid. Ang babaeng to ang hilig manghila tsk!

-

Thirds POv

"Pupuntahan ko muna ang Doctor nya." napa angat ang tingin ko kay Andrie ng magsalita sya. Tumango lang ako sa kanya at lumabas na din sya ng silid.

Napatingin akong muli sa babaeng mahal ko. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na tumabon sa mukha nya.

"How are you Gf?" I whispered to her. Parang mahimbing lang talaga syang natutulog kong titingnan mo. Pwera nalang sa mga tubong nakakabit sa kamay nya.

Love Warning❗                   [COMPLETED]Where stories live. Discover now