Chapter 26(TearDrops)

4.8K 223 34
                                    

Pasensyahan nyu na po ito.

Chapter 26

Teardrops

Sarina's Pov

Grabe! Di ako makapaniwalang pasok ako sa Top 5 at na sakin pa ang lahat ng individual Awards in female Category.

Nakakamangha talaga!

Andito parin ako sa backstage ngayon at naghahanda na para sa aking talent mamaya. Sobrang saya nga ni Mr. Smith at niyakap pa ako kanina ng makapasok ako dito sa silid ng backstage.

"You did a great job earlier Sarina! Sabi ko na nga ba at di ako nagkamali na ikaw ang pinili ko para sa team natin! Sya,steady ka muna dito. We still have 8 minutes left. Pupuntahan ko muna si Mr. Hilton." sabi nya at malapad ang ngiti na umalis sa harap ko. Napaka supportive ni Mr. Smith sa mga representative nya. Kaya naturingam talaga syang Terror teacher but with a heart.

Bumuga ako ng malalim na hininga at kinalma ang aking sarili. Kahit kasi nalampasan ko ang challenge kanina,heto at kinakabahan parin ako. Mas Lalong kinakabahan! Huhu baka dito magkalat na nga talaga ako.

"Everyone,Standby! We will start in 3 minutes." sigaw nung Organizer ng event na'to. Sosyal diba? Kamikaze yan e. Ano bang aasahan ko?

--

Welcome back to the show! Whoo! Isang malakas na hiyaw naman dyan!?"

Kyyyaaahhhhh....

Whoooooooo...

So,let us start. Alam kong excited na kayong makita at mapanood ang ating Top 5 sa kanilang talents. And so,as I. Hihi. Alright. Lets give it up for contestant #1 Marc Ashton Perez!

Sigawan naman ang maririnig ko sa mga nanunuod. This guy named Marc was good looking too. Maputi,matangkad. Ang cool nya habang dala yung gitara nya. At nang magsimula syang kumanta ay marami talaga ang namangha. He really got a nice voice!

Mas lalo tuloy tumindi yung kaba na nararamdaman ko. Waahh ang gagaling nila. Baka magkalat na talaga ako ngayon huhu..

Individual din ang talent portion. Hindi ko nga alam kung anong gagawin ni Stanley e. Tinatanong ko naman pero sabi nya surprise nalang daw. Psh. Ang mokong na yun!

"I know you are all waiting for this next contestant. Lets all welcome the ultimate hearthrob! Third Hunter!" di na magkamayaw ang mga nanunuood lalong lalo na ang mga kababaehan ng sumalang na si Third.

Kyaaahhh.. si Crush na ang magpe-perform!

Omeged! Thirdddyyyy!!! We love you!

Nakita ko pa mula dito sa may pinto ng backstage na ang dami palang mga fansign at fan art ang ginawa ng mga fangirls ni Third. Iwinagay way pa niLa ang mga ito sabay sigaw at cheer kay Third. Grabe!

Sigawan sila ng sigawan ng magsimula ng sumayaw si Third. Whoaa...ang galing nya pong sumayaw. May mga back up dancers sya. Sobrang sabay na sabay sila. Tss..nakakapanlait! Nasa kanya na lahat. Wealth,Talents,brain and ofcourse! Look! Bakit ba napaka total package nya?!

Kyaaahhh...ang galing'galing mo talagang sumayaw Thirdyyy!!! We love youuu!!! Kyaahh....

Sigaw ulit nang mga fangirls nya! Fine! Sya na po sikat! Tss. Sarap pag untugin tOng mga babaeng 'to. Ito namang Mokong todo kung makangiti din! Tss!

Pero teka?! Paki ko ba? Hmp!

Hanggang sa natapos silang sumayaw ng mga back-up dancers nya patuloy parin ang sigawan ng mga fangirls nya. Nang pumasok na sila sa backstage ay nahagip pa ng mata ko na pomorma ng heart yung mga kamay ni Third sabay kindat at turO sa akin. Parang pinapahiwatig nyang "para sayo ang perfomance na yun"

Love Warning❗                   [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن