Chapter 50(Clarion's Mansion)

3.5K 229 66
                                    


                                   Chapter 50


Stanleys POV

From: Andrie Clarion

[Bring her today at the house. Force her if needed. Just be careful not to hurt her.]

Ito ang agad na bumungad sa screen ng Cellphone ko.

Agad na napatingin ako kay Andrienne na ngayon ay inalalayan ng naka ngiting si Collins na pumasok sa kotse nya.

Tskk..seems like wala nga talagang
ka-alam alam ang gago! Makaka ngiti kapa kaya ng ganyan pag nalaman mo ang totoo? Psh.

Palagi naman nyang kasama si Andrienne pero wala naman yata talaga syang alam. Well, Andrienne is Andrienne. Shes a great pretender. Shes always pretending that shes alright just for the sake na di mag a-lala yung nakapaligid sa kanya. Tss..shes really diffirent!

-

Pumasok na din ako sa kotse ko at sinundan sila. Kailangan ko nga kasi syang madala ngayon sa Mansion ng mga Clarion---I mean sa totoo nyang bahay. Isa syang Clarion kaya sa kanya din talaga ang Mansion na yun.

I need to think a plan kung paano ko syang madadala dun. Knowing her,hindi yun basta basta sumasama. At isa pa,kasama nya ngayon si Collins kaya mahihirapan akong makuha sya.

Huminto ang kotse ni Collins sa tapat ng isang restaurant. Bumaba sya at inalalayan si Andrienne.

-

After an hour ay lumabas na sila ng resto, Oo, isang oras din ako naghintay dito sa labas ng Resto. Psh. Nakita kong naka ngiti sila sa isat-isa. Nakayakap ang isang kamay ni Andrienne sa bewang ni Collins at naka akbay naman si Collins sa kanya. Tss. Ang swerte ng gago!

Pumasok na ulit sila sa kotse at umandar na. I think their going straight to the house of Andrienne already.

Nang maka rating sa Boarding house ni Andrienne ay nag park na muna ako ng medyo malayo layo kung san naka park ang kotse ni Collins pero nakikita ko pa naman din sila. Hinatid ni Collins si Andrienne hanggang sa loob ng BH nito.

After a couple of minute ay lumabas na si Collins at sumunod naman si Andrienne na malapad ang ngiti sa labi. Collins kissed Andrienne's Cheeks at tuluyan na syang bumaba ng hagdan at nag wave naman sa kanya si Andrienne.

"Love you Princess!" sigaw pa ni Collins na kina ngiti ni Andrienne at tuluyang pumasok sa kotse nya at pina-andar at umalis.

Now its time for me to move.

Agad na bumaba ako ng kotse at pumunta sa BH ni Andrienne. Kumatok ako at agad din naman nya itong binuksan.

"Oh,bakit ka bumalik may nakalimutan ka--Amff..S-Stanley?" agad na napawi ang ngiti nya ng mapagtanto nyang ako yung nasa harapan nya. Akala nya siguro ay bumalik si Collins. Psh..bakit parang may kumirot dito sa bandang dibdib ko. Tsk.

"A-ah..a-ano na namang ginagawa mo dito?" may pagkairita sa tono ng kanyang boses. Galit parin talaga sya sakin..

"Di mo man lang ba ako papa pasukin?" sabi ko. Kumunot ang noo nya at nag give way naman sya kaya pumasok na ako.

Umupo ako sa maliit nyang sofa at nagpunta naman sya sa kusina nya. After a while ay may dala na syang isang baso ng juice at nilapag ito sa maliit na table sa harap ko.

Aalis na sana sya ng hagipin ko ang kamay nya na ginagulat nya.

"Andrienne,napag-isipan mo na ba ang--

"Kung tungkol na naman to sa surgery na sinasabi mo,di ako intiresado." putol nya sa sasabihin ko sabay hablot ng kamay nya sa pagkakahawak ko at umupo sa kaharap kong isang kahoy na upuan.

Love Warning❗                   [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon