Chapter 7 (Pool Falling)

6.8K 312 28
                                    

Enjoy Reading!

Chapter 7

Pool Falling

"Tadah! Its done!" sabi nya tapos tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa.

"Oh My G! Your so pretty!" dagdag nya sabay palakpak ng mga kamay nya.

"S-shienn---

"Nah uh-uh...were done with this Sarina." putol nya nang magpo-protesta na naman sana ako.

Kanina pa kasi ako reklamo ng reklamo sa lahat ng pinag-gaga gawa nya sa akin.

Ang hirap nya talaga tanggihan. Akala ko di ako makakapunta sa party na 'to kung saan nya ako inimbitahan pero nagkamali ako.

Alam din ni Shienna kung saan ako nakatira. Nabigla nalang ako ng may humintong napaka garang kotse sa tapat ng bahay. Take note,sya pa talaga ang nagda-drive nun. Ang astig!

Ayaw ko nga talagang sumama sa kanya pero mapilit talaga sya. Halos kaladkarin na nga nya ako papasok ng kotse nya. At everytime na magpo-protesta ako sa mga sasabihin nya,bigla nalang nyang itatapat yung daliri nya sa mukha ko at pinapatahimik ako. Pambihira talaga.

At heto nga at nadala nya talaga ako sa bahay nila. Sobra akong namangha. Nakakalula ang laki ng kanilang bahay. Labas palang nito halata mo na talagang pang mayaman. Para ngang gusto kong iwanan nalang ang aking sapatos sa labas ng makita kong ang kintab ng kanilang sahig. Halos pwedi ka ng manalamin dito.

At eto pa. As in Wow! Ang ganda,ang elegante,halatang pangmayaman talaga ang kwarto ni Shienna. Parang literal na lumuwa talaga ang aking mga mata ng papasokin nya ako sa kanyang silid.

Pink and white ang kulay o tinatawag nilang Theme ng kanyang kwarto. Napaka girly at sobrang sarap ng ambiance nito.

Nabigla na nga lang ako kanina ng hilain nya ako paupo sa isang mamahaling couch kaharap ng makintab at napakagandang salamin.

Naglabas sya ng mga kung ano-anong gamit dun sa drawer nya.

Ilang sandali pa nagsimula na syang guluhin ang aking mukha...nilagyan nya ako ng kung ano-ano. Nagprotesta pa ako,pero sya parin ang nanalo.

Kinumbinse ko talaga sya na di ako sanay sa mga ganito,ganyan na okasyon pero wala talaga,sinagot lang nya ako ng..

"Dont worry,im here for you."

Haay..naman talaga diba? Di talaga ako mananalo sa babaetang ito.

Di ko na alam kung ano ang ginagawa at pinaglalagay nya sa aking mukha. Di ko naman kasi maaninag kasi malabo mata ko..tinanggal nya kasi yung salamin ko.

Ilang sandali pa may nilagay sya sa aking mata. Sa una medyo di ako sanay pero ng medyo tumagal nasasanay na naman ako at malinaw na ulit ang aking paningin ng di gumagamit ng salamin. Contact lense ang tawag nya rito.

Sumunod at ito talaga ang pinag talunan namin ng matagal ni Shienna.

Ang aking susuoting damit. Waah.. gusto nya akong magsuOt ng fitted pencil skirt with zipper sa front neto and a sleeveless crop top? With a BOY print in it.

Waahh..naman ehh. Okay lang naman sakin magsuot ng maikli. Pero yung sobrang ikli naman? Aish!

At tsaka sleeveless crop top? Di ko keri yun eh. I prefer to wear sweater.

Pero nanalo parin sya. Ito talaga pinasuot nya sakin. Pero buti nalang may parang manipis na jacket pala itong partner ang aking isusuot crop top.

Gusto pa nga nya talaga akong pagsuotin ng high heels pero tumanggi na talaga ako. Yung sneakers ko talaga ang sinuot ko. Di talaga ako sanay sa mga heels.

Love Warning❗                   [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon