Chapter 31 (Blush)

4.4K 219 34
                                    

Sabaw. Sensya na.

Chapter 31

Blush

Stanley's Pov

"Takte ang bigat mo!" reklamo ko. Tae 'tong kumag na'to! Halatang pinahihirapan ako e. Aish!

Nang makuha na nya ang flag ay agad na tumalon na sya mula sa pagkakapatOng sa balikat ko. Hinilot ko naman yung balikat kong pinatungan nya..putek! Ang bigat ng kumag!

"Where is Sarina?" agad na tanong nya. Inilibot ko naman ang paningin ko.

"Andyan lang sya kanina ahh.." sagot ko.

"Gf!/Andrienne!" sabay naming sigaw ni Collins. Pero wala kaming narinig na sagot mula kay Andrienne.

Naglibot,naghanap at nagtanong nadin kami sa mga estudyante na masasalubong namin kung nakita ba nila si Andrienne pero umiiling lang sila. Nakalabas na din kami ng Hunted house. Ini-announce na kami nga ang winner pero di namin magawang magsaya ni Collins dahil di parin namin makita si Andrienne kahit dito sa labas ng Hunted House.  Napatingin ako kay Collins. Its really obvious on him na sobrang nag-aalala na sya. Maski naman ako. Hindi kami pamilyar sa lugar na'to lalo na si Andrienne. Nasa gitna pa kami ng gubat at lumalalim na ang gabi. Sino bang hindi mag-aalala sa mga posibleng mangyari? Ugh! Wag naman Sana.

"Kompleto na ba ang lahat? We have to go back to the Campsite!" sigaw ni Mr. Smith.

"Sarina Andrienne Mendez is still not here Sir!" sigaw ko.

"What?! Diba kayo ni Third Collins ang partner nya? How come na di nyo sya kasamang lumabas? My god! EveryOne! Back to the Campsite. Kami na ng mga tour guides ang bahalang maghanap kay Miss. Mendez." sigaw ni Mr. Smith.

Isa-isa namang nagsilakad na ang mga estudyante pabalik ng Campsite ng nagbubulungan. Lalakarin pa kasi ng ilang metro ito mula dito sa malaking Hunted House.

"Im going." sabay naming sabi ni Collins kay Mr. Smith. Nagkatinginan pa kaming dalawa.

"No. Go back to the Campsite. Kami ng bahalang maghanap,baka pati kayo mawala din sa sobrang laki ng bahay na'to.." sabi ni Mr. Smith.

"But Mr. Smith--

"No buts Mr.Hilton,you and--MR.COLLINS,GO BACK HERE!!" napalingon ako sa tinuturo ni Mr. Smith at ayun si Collins tumatakbo nang pumasok sa loob ng Hunted house.Wala nang nagawa sina Mr. Smith at ang mga Tour guides nang makapasok na talaga si Collins sa loob..Di ko narin napigilan ang sarili ko at napatakbo nadin ako papasok. Narinig ko pang sumisigaw si Mr. Smith pero di ko na siLa pinakinggan pa at nagpatuloy na sa aking pagtakbo papasok.

Sarina's Pov

MY GOD! Asan na ba ang daan palabas dito? HUHU...Wala akong makita. Sobrang dilim at kanina pa yata ako paikot-ikot dito. Waahh...Di ko kasi talaga alam kung sino yung humablot sakin kanina. Tapos bigla nalang akong iniwan dito sa sobrang madilim na bahagi nitong Hunted House. Takte! Dahil sa totoo Lang natatakot na po talaga ako. Pakiramdam ko kasi may totoong mga multo talaga na nakatira dito. Huhu Nakakakilabot! (T_T)

Pero hindi ito ang oras para matakot at sumuko ako. Alam kong may nangti-trip na naman sakin kaya ako napunta sa sitwasyun na'to at di ko sila hahayaang magtagumpay sa mga plano nila. 

"Wag kang matakot Sarina. Kaya mo'to okay?" Sabi ko sa sarili at naglakad na ulit ng dahan-dahan..humahawak lang ako sa pader para di ako madapa o mabangga.

"Matapang ka okay?. Matapang ka...matap---Ahhh!!! Waahhh..." di ko na alam kung saan ako pupunta basta takbo nalang ako ng takbo.

Pinilit ko namang maging matibay at malakas. Pinilit ko namang maging matatag at di ipahalatang natatakot ako pero---takte lang,dahil sobrang takot na takot na po talaga ako! Huhu jusko! May bigla nalang kasing sumulpot na kung ano sa harap ko kanina.

Love Warning❗                   [COMPLETED]Where stories live. Discover now