Chapter 4 (Car Ride)

7.4K 336 15
                                    


Chapter 4

Car Ride

Di natapos ang buong maghapon kahapon na di nila ako pinagti-tripan! Nakakairita na talaga sila pero nagtitimpi parin talaga ako dahil umiiwas ako sa gulo lalo pa't scholar ako dito. Ayaw kong mawala ang scholarship ko ng dahil lang sa mga uhuging yun! Psh.

Umaga na ulit ngayon. Ang bilis nang araw. Maaga akong pumasok para makapag linis at arrange ng mga books sa library.

Kahapon kasi sinabihan ako ng Dean ng kamikaze na isa sa mga obligasyon ko bilang isang Scholar ng School nila ay ang tumulong sa mga simpleng gawain sa School. At ito nga,ini-assign nila ako sa library which is pabor sakin because I love books. Makakapagbasa pa ako ng mga bagong libro nila.

E-aarange lang naman yung mga books na iniiwan lang ng mga estudyante sa mga tables at di binabalik sa shelves nito at mag da-dusting para mawala lang yung mga kunting alikabok.

Maganda at malaki ang library,tsaka malamig dahil airconditioned ito. Ang sarap nga matulog eh. Haay...napaka antukin kona talaga ngayon. Palagi nalang kasi talaga akong nag oovertime ngayon sa Resto dahil maraming customers tsaka maaga din gumigising para gawin ang aking parte sa bahay. Pero alam ko masasanay din ako nito pag tumagal.

Matapos kong ma-arrange yung mga libro ay umupo muna ako sa may corner ng mga shelves at nagbasa muna ng librong nakita ko kanina. Isinandig ko ang aking likod sa shelves para mas komportable ako.

After a few minutes ng pagbabasa nakakaramdam na talaga ako ng antok. 6:40am palang pwedi pang umidlip. Kaya ipinikit ko ang aking mga mata.

Isang malumanay na haplos sa pisngi. Hmm..ang lambot naman ng mga kamay ng kung sino man itong humahaplos sa pisngi ko.

Idinilat ko ang aking mga mata. Isang lalaking blurred ang mukha.Teka? Bakit blurred? Asan ang salamin ko?

Agad akong napakapa sa bawat gilid ng inuupuan ko at nakuha ko naman ito. Agad ko naman itong sinuot at tumingin sa paligid pero wala na yung kaninang lalaking nasa aking harapan.

Huh? Asan na yun? Nananaginip lang ba ako? Di ko kasi talaga naaninag yun kanina kasi wala akong suot na salamin,tsaka paanong napunta sa sahig yung aking salamin eh sa pagkaka alam ko di ko naman to tinanggal kanina nung makatulog ako? Haay..ewan

Tumayo nalang ako. Pinagpag ko yung suot ko tsaka binalik sa shelve ang libro. Lumabas na ako ng library ng may mabangga ako. Nahulog yung librong dala nya.

"Oh my God Im sorry." hinging paumanhin ko tsaka pinulot ang libro at iniabot sa kanya. Pero pag angat ko ng tingin,my gosh!

"Hey. Are you okay?" tanong nya. Natameme na naman ako. Bakit ba kasi ang gwapo nya ehh..

Natauhan ako ng hinawakan nya ako sa balikat ko. Tumango lang ako,para akong sira,di man lang makapagsalita.

"Im sorry if I bumped you. Nagmamadali kasi ako." sabi nya.

"O-okay lang. Di din naman kasi ako nakatingin eh." sagot ko.

"Ahh..mabuti.. Sige,mauna na ako sayo." sabi nya tapos ngumiti at umalis na.

Ako naman itong parang temang hinawakan ko yung balikat kong hinawakan nya kanina. Waahh..kinikilig talaga ako!

Teka nga. Sya kaya yung nasa library kanina? Pero..di ko kasi talaga naaninag kong sino yun ehh..pero kung sya yun..kyahh..maglulupasay talaga ako sa kilig. Ewan ko ba. Ang gwapo nya kasi eh.

Nag ring ang school bell hudyat na magsisimula na ang first subject. Agad naman akong napatakbo papunta sa aking classroom. Nasa kabilang building pa naman ang aking department..haay naku naman talaga Sarina! Nagpapantasya ka na naman kasi ehh.!

Love Warning❗                   [COMPLETED]Where stories live. Discover now