Chapter 28 (Bulong)

5.4K 240 79
                                    

At dahil na o-overwhelm ako sa mga feedbacks nyu. Napapa-update tuloy ako. Hihi pero pasensyahan nyu na po ito ha. Hope you enjoy this. Lame po'to.

Chapter 28

Bulong

Final Examination and October Fest Camp

Yan ang bukang bibig ng mga estudyante ngayon dito sa K.A. Pero mas palagi kong naririnig yung October Fest. Patapos na kasi ang Semester at halatang sobrang excited na sila. Tss. Mas inu-una pa nila yan kesa sa Final examination?!

Well,mayayaman naman sila if ever bumagsak sila. They can afford to go back again or mag summer schooling. Psh. Rich kid e.

Its been 2  week since nung nakita kami ni Andrea sa Condo. Inisip pa nga nya na may nangyari samin ni Third e. Ugh! Which is not really true. Tss..ano nga ba naman ang iisipin ni Andrea sa sitwasyun namin na yun? Im wearing Third's White Longsleeve polo and Thirds Topless. Haay. Pero wala namang nangyari e. Napaka dirty minded nya lang talaga. Nagka-sagotan pa nga sila ni Third that time. Kesyo pumatol si Third sa isang katulong na tulad ko. Syempre kilala nadin naman ako ni Andrea. Nakikita nya kasi ako sa Collins Mansion.

Pinagtatangol naman ako ni Third mula sa mga insulto ni Andrea sakin,pero di ko parin talaga mapigilan ang sarili ko na mainis sa kanya,kay Third.

Nalaman ko na kasi na alam na pala ni Mr. Collins ang lahat tungkol sa amin ni Third. At ang masama pa dun wala man lang akong kaalam-alam sa mga nangyayari. Ni,wala man lang sinabi si Third sa akin.

Nakatira ako sa bahay ng mga Collins at umaakto ako na parang normal lang ang lahat pero ang nakapaligid sakin ay alam na pala ang tungkol sa'min?? Ugh! Sa totoo lang naiinis ako sa kanya dahil pinagmukha nya akong tanga sa harap ng marami. Gusto kong magalit sa kanya pero di ko magawa. Di ko magawa dahil alam ko din namang ginawa nya yun para sakin. Alam kong nagsakripisyo din sya.. Pero---mali kasi e. Maling mali!

Kaya nag desisyun akong umalis ng Mansyon. Which is nalaman kong isa sa deal nila ng Ama nya. Di ako paa-alisin ng Mansion kapalit ang iwasan ako ni Third.

Pinigilan ako ni Third na umalis,pero tumuloy parin ako. Dahil ayaw kong makulong sya sa akin. Ayaw kong isakripisyo nya ang lahat ng meron sya dahil lang sa isang tulad ko. Ayaw kong mawala ang lahat sa kanya ng dahil sa akin.

Ayaw kong maging selfish. Ayaw kong pag pinagpatuloy namin kung ano mang meron kami ay mas lalong lumala yung mga deals na gagawin ng Ama ni Third sa kanya. Yun ang ayaw kong mangyari. Ang magsakripisyo sya ng sobra ng dahil lang sakin. At pag nagkataon ay baka itakwil sya ng Aman nya o itakwil nya ang sarili nyang Ama. Yun ang pinaka-ayaw kong mangyari. Ang mawalan sya ng pamilya. Ang mawalan sya ng Ama. Dahil alam ko ang parikamdam ng ganun.

Kaya kailangan kong magdisisyon. Yun ay ang e-let go sya. Alam kong masakit para sa kanya. Pero mas masakit yun para sakin. Letting go of someone you love the most? Ugh! Parang hinihiwa yung puso ko. Ang sakit-sakit. Pero I think this is the best for the both of us. Kailangan kong pakawalan ang taong naging mundo ko kahit sa saglit lang na panahon..

-

Ngayon,nag re'rent ako ng isang maliit na boarding house malapit lapit lang sa school. Binigay din naman kasi ni Miss. Alicia yung sahod ko sa pagta-trabaho ng isang bwan sa mansion at ito yung tinitipid ko muna sa ngayon.

Nagta-trabaho na din ako sa isang fast food chain, buti nga natanggap agad ako e tsaka suma side line ng kung ano-ano para mataguyod ang sarili at pag aaral ko.

Pumapasok parin ako sa K.A, at kahit na sobrang dami ko ng ginagawa sa isang araw at minsan nga di na ako nakakatulog ay tinututukan ko parin naman talaga ang pag-aaral ko. Sa grades ko nakasalalay ang Scholarship ko for next sem.

Love Warning❗                   [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon