Chapter 22 (Masakit!)

5.3K 216 27
                                    

Pasensyahan nyu na po itong sabaw na UD. :)

Chapter 22

MASAKIT 💔

"Aish.. ano ba? Umalis ka nga sabi dyan? "

Imbes na umalis nag number 4 lang sya ng upo sa sofa at nag cross arms pa. Kanina ko pa po kasi sya pinapaalis dito sa sala dahil nag lilinis ako. Its already 10:15 in the evening at di ko matapos tapos tong ginagawa ko dahil sa lalaking 'to!. Hays!

Okay lang naman sana sakin kung andito sya e. Kaso kinukulit nya ako lagi,hindi ako makakapag concentrate sa trabaho ko.

"Nope! I will stay here whenever I want. Dahil kung nasaan ang gilfriend ko dapat nandun din ako." sabi nya tapos ngumisi sakin at may pakindat kindat pa. Aish...

Napalingon ako sa paligid. Baka kasi may makarinig ng sinasabi nya. Malalagot talaga ako. Syempre amo namin sya. Katulong lang ako. Hanggat maa-ari ayaw ko pa sanang malaman nila na,yun nga. Kami ni Third. Haayy..

"Tsk...hinaan mo nga ang boses mo. Baka may makarinig." sita ko sa kanya.

Ngumisi lang sya sakin at biglang sumigaw ng......

"I LOVE YOU SARIN--" agad na binitawan ko yung walis na hawak ko sabay talon dun sa sofa at tsaka tinakpan yung malaking bunga-nga ng kumag na lalaking 'to.

"Aish! Ang laki mo talagang pasaway!" sabi ko sa kanya. Tinanggal naman nya yung kamay ko sa pagkakatakip sa bibig nya.

"I want everyone to know how much I love you Gf. At kung maa-ari pati ang mundo ay maka-alam kung gaano kita kamahal." mahina nyang sabi sakin na sobrang nagpawala ng tibok ng aking puso.

Napaka sinsero na kanyang boses at expression na kanyang mukha.

Its been 3 weeks simula nung naging kami na talaga ni Third. At sa bawat araw ay di talaga nagmintis na patibokin nya ng malakas at mahina ang aking puso kagaya ngayon. Araw-araw,oras-oras,minu-minuto palagi kaming nagkukumustahan at di nakakalimutang tanungin at sabihan ang isat-isa ng kung ano-anong bagay.

Kagaya ng....

Kumain ka na ba?

Okay ka lang ba?

Pagod kana ba?

Magpahinga ka muna.

Wag mong papagurin sarili mo.

Kumain sa tamang oras.

At syempre.

Mahal kita.

Marami pa kaming sinasabi sa isat'isa ng mga matatamis na salita. Lalo na si Third. He always says how much he loves me. How much I really mean to him. At ganun din naman ako sa kanya. Dahil sa bawat araw na lumilipas ay mas lalo na talaga akong nahuhulog sa kanya at natatakot ako kung paano ako makaka-angat sa pagkahulog na yun kung sakaling mag iba ang ikot ng mundo namin ni Third.

Dahil napakalayo ng agwat namin sa isat-isa. Isa syang prinsepe at ako naman ay isang tagapag silbi lamang. Hindi lingid sa akin na darating ang araw na marahil ay magtatapos din ang masasayang araw na magkasama kaming dalawa. Pero,sa ngayon gusto ko munang e-enjoy ang lahat ng kung ano mang meron sa amin ni Third. Basta ang alam ko lang ngayon,Mahal namin ang isat-isa.

"Sarina! Ano bang nanyayari? Bakit naririnig kong sumisigaw si Young Master Third?" agad na napatalon ako paalis sa sofa ng marinig ko ang boses na yun ni Miss Alicia.

"Ah--eeh..a-no p-po..m-masakit po ang ngipin nya,Miss Alicia. Y-yun p-po. Hihi" kinakabahan kong sagot.

Tiningnan naman nya si Third ng di makapaniwala. At ang nakakainis pa parang di pa yata nya sasakyan yung palusot ko,kaya pinandilatan ko sya ng mata ko. Buti nalang di nakatingin sa direksyun ko si Miss alicia.

Love Warning❗                   [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon