Chapter 30(October Fest Camp)

5.2K 220 60
                                    

Thank u so much for waiting! Hope u enjoy these. Sabaw.

Chapter 30

October Fest Camp

Sigawan at sobrang excitement ng mga estudyante ang agad na sumalubong sakin pag-akyat ko ng Bus. Agad na umupo ako sa bakanteng upuang nakita ko malapit sa bintana.

Lahat sila sobrang excited na dahil October Fest Camp namin ngayon. Andito pa kami sa school parking lot at inaantay pa ang ibang mga students na kasama.

Hindi na nga sana ako sasama pa sa Camp na'to kaso pinilit ako ni Mr. Smith. Ugh! He said na dapat kasama ako dahil continuation at celebration narin daw 'to ng pagka panalo ko bilang Miss Intramurals. Haay...anO pa bang choice ko? Baka ibagsak pa ako nun sa subject nya. Mahirap na.

Napatingin ako sa mga estudyanteng kasama ko dito sa loob ng bus. May nag gigitara dun sa gilid at may sumasabay sa pagkanta nya. May nagchichismisan naman dun sa isang corner at may nagse-selfie at groufie. Haays. Ako na talaga loner. Isinaksak ko nalang ang earphone ko at tinodo ang lakas ng volume nito sabay napatingin nalang sa labas ng bintana.

Almost 10 buses yata ang lalabas ngayon ng K.A para sakyan ng mga estudyante. All first year students lang naman ang Camp na'to. Hindi ko pa alam kung saan ang distinasyun kasi di naman ako masyadong naki-usisa. Tsk! Di na sana talaga ako sumama pa dito e! Ugh! Ayaw ko pa naman sa mga lugar na di ako pamilyar. Haay...

Minutes later ay umakyat na yung prof na naka assign sa section namin. Syempre si Mr. Smith. Nag prayer muna kami at nagbigay muna ng ilang mga do's and donts si Mr. Smith sa amin. Matapos yun ay halos di na magkamayaw ang mga estudyante ng nagsimula ng umandar ang bus.

Napailing nalang ako tsaka sinaksak ulit ang earphone sa aking tenga at isinandal ang ulo ko malapit sa bintana sabay pumikit. Tutulog muna ako since 3 hours daw yung byahe. Haay..wala pa akong sapat na tulog e.

Kung di nalang sana ako isinama sa Camp na'to e di sana natulog nalang ako sa Boarding house ko ngayon buong maghapon o kaya mag o-overtime ako sa trabaho ko sa foodchain, kikita pa ako. Nakakainis kasi talaga 'tong si Mr. Smith e. Tsk. Well wala na naman akong magagawa kaya Gora nalang. Psh.

--

Naalimpungatan ako sa mabining haplos sa pisngi ko. Dahan dahan na dinilat ko ang aking mga mata at inangat ang aking tingin sa pagkakasandal ko sa balikat ng kung sino man ito.

Blink

Blink

T-Third?

P-paanong napunta sya dito...?

"Did you sleep well?" nakangiti nyang tanong sabay halik sa ulo ko.

Napatingin ako sa paligid at wala na akong nakitang kung sino. Kami nalang ang andito sa loob ng bus.

"A-asan na sila? A-anong oras naba?" gulat kong tanong sabay tingin sa aking wrist watch.

OMO! 1:03 pm na? 9 am kami umalis ng school kanina. 3 hours yung byahe..so dumating kami dito arOund 12nn? Waahh..nag stay pa ako ng almost 1 hour dito sa loob ng Bus?!

"Waahh...ba't di mo'ko ginising?" taranta kong tanong sabay ayos ng sarili ko at sinukbit na ang aking backpack.

"I just love watching you asleep." sabi nya at nauna ng bumaba ng bus ng nakangisi sabay agaw ng backpack na dala ko.

A-ano? Gusto nya akong pinapanood matulog kaya di nya ako ginising? Ugh! Anong excuse yun? Hays! Ang unggoy na'to talaga!

Bumaba nadin ako ng bus, malakas at malamig na hangin ang agad na sumalubong sa akin.

Love Warning❗                   [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon