Chapter 46 (-_-)

3.5K 157 15
                                    

          
                                  Chapter 46
                           

Sarina's Pov

Natapos ang New year at balik school na naman.

Projects,activities,quizzes,Assignments at marami pang iba ang pinagkaka abalahan ng mga katulad kong estudyante ngayon. Or ako lang naman yata talaga ang abala. Psh.

3rd grading exam is fast approaching na kasi at marami na ang kailangang tapusin dahil malapit na ding matapos ang school year.

Balik nadin ako sa raket ko na gumagawa ng mga reports,assignment,PortFolio, Thesis,projects and etc. sa mga kaklase
at ka-bLockmates ko even mga highschools. Ayaw ko na naman sana kaso ang dami na niLang nagmamakaawang igawa ko daw sila. Aish..ang mga 'to ang tatamad e. Pero syempre dahil kelangan ko din ng extra ngayon ay mas mabuti nadin 'to.

Excempted kasi sa scholarship ko yung ibang babayarin dito sa school. Like my projects. Some miscillaneous fees. At kulang yung sahod ko sa convenience at fast food chain na pinagtatrabahoan ko. Magbabayad pa kasi ako ng boarding house ko. Tubig,ilaw. Pagkain ko pa at pamasahe everyday. Kaya kailangan ko na talaga na mas kumayod  ngayon.

"O,ito na yung sayo." sabay abot ko kay Abby nung pinagawa nyang Assignment sa Chemistry nila.

"Thank you,Sarina! The best ka talaga. O heto. Keep the change. Sa uulitin ha." masayang sabi nya sabay abot sakin ng pera at agad na umalis na.

Masaya ako at okay na ulit ang image ko dito sa K.A although di parin talaga maiwasan na may naninira at nang iinsulto pero mas okay na to kesa nung una. Baka nga nagbago na yung iba dahil 2017 na hihi.

-

Nabigay ko na sa lahat ng kaklase at ka-block ko yung mga pinagawa nila. Syempre patago din ito at pati si Third ay di alam ang ginagawa kong 'to. Baka kasi pagalitan ako nun e.

Yung mga teachers ay parang wala din yatang pake. Basta may maipasa yung estudyante nila kahit alam nilang hindi sila gumawa nun tatanggapin parin e. Psh..pwera nalang dun sa mga Terrors talaga Like Mr. Smith and Mrs.Toro. Talagang e-che-check nila kung sayo ba talaga ang project na yan o kung ikaw ba talaga gumawa.

Kaya iniiwasan kong gawin ay yung mga projects na binibigay ng dalawang terror prof na yan kahit lumuhod pa sila sa harap ko di ko talaga gagawin dahil ako ang masisira pag nagkataon. Memoryado na kasi talaga nina Mr.Smith at Mrs.Toro yung strategy ko sa paggawa ng project and activities e. Kaya wala akong kawala. Ewan ko ba at kung bakit sa akin lang din yung alam nila. Psh. Ini-stalk yata ako e.

Napatingin ako sa perang nalikom ko ngayong araw. Napangiti ako. May pambili nadin ako ng para sa sarili kong project. Yung sakin kasi di ko pa nagawa pero sa iba natapos ko na. Bukas pa naman deadline nun e kaya gagawin ko nalang mamayang gabi.

Bzzzttt...

Agad na kinuha ko ang Cellphone sa aking bulsa at tiningnan kung sino itong tumatawag pero...

bakit blurred na naman?

Hindi ko maaninag kung sino itong tumatawag sakin. Tinanggal ko ang salamin ko at pinunasan ito tsaka sinuot ulit.  Tsk! Bat ganun pa din? Aish! Sira na ba tong salamin na'to na bigay ni Third sakin dati? Pero...iningatan ko naman to ng sobra kaya paanong masisira agad?

"Tsk. Your just in here. Why are you not answering my calls?" nagulat ako sa pagsulpot ni Third sa harap ko. Luminaw na ulit ang paningin ko.

"Omo!" gulat kong usal sabay hawak sa aking dibdib.

"Hey,are you okay?" nakita ko ang pag-aalala sa mukha nya.

Agad na inayos ko ang sarili ko at tumingin sa kanya at tumago.

Love Warning❗                   [COMPLETED]Where stories live. Discover now