Chapter 55 (Kasab'wat)

3.8K 156 158
                                    

                                  Chapter 55

Sarina's POV

"Third! Dyos ko Third! Tulong! Tulungan nyo kami please!" natataranta kong sigaw sabay dinaluhan sya dahil naka higa na sya sa sahig nitong rooftop.

"Kunin nyo yung babae!" napalingon kaming pareho ni Third sa sigaw na yun at tatlong naka bonnet na lalaki ang andito.

Agad na lumapit ang dalawa at pilit na hinihila ako palayo kay Third.

"Ano ba?! Ano bang kailangan nyo sa min?! Bitawan nyo ko! Ano ba?!" pagpupumilas ko at di parin binibitawan si Third.

"G-gf! Let go of her!!" sigaw ni Third kahit halata na sa kanyang nasasaktan sya.

"Bilisan nyo na! Dalhin nyo nalang din yang lalaki kung kinakailangan!" sigaw na naman nung isang lalaki at sa isang iglap tinakpan nung lalaking may hawak sakin ng panyo ang ilong at bibig ko at yung isa naman ay hinawakan si Third at pwersahang pinatayo na nagpadaing sa kanya.

Hindi ko sila maa-ninag kasi nanlalabo na ang mata ko at naka takip din ang mga mukha nila.

"Hmmmm...Third!! Third!!" pagpupumiglas ko at pilit na inaabot ang kamay ni Third.

"Gf!! You Bastard! I will kill you if something happened to her! Mark that,you piece of sh*t--

"Ang ingay mo!" at pinukpok nya ng dala nyang baril si Third sa batok kaya nawalan ito ng malay at sya rin naman ang pagkawala ko ng ulirat.

---

"G-gf...g-gf...wake up please..wake up my princess..please..please dont do this to me. Dont please.."

Naramdaman kong may yumuyogyog sakin at humahaplos ng pisngi ko. Nana naginip ba ako? Asan ako? Bakit naririnig ko si Third na umiiyak? Nag e-echo yung boses nya.

Ang sakit ng ulo ko at nang katawan ko.

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata.

Blurred....

"G-gf? Are you awake? Can you see me? Oh My God! Thank you Lord! Can you sit? Kaya mo ba?" sunod sunod na tanong ni Third.

Pinilit kong maupo at sumandal sa pader. Agad naman na tinulungan ako ni Third. Napahawak ako sa ulo ko. Ugh! What happened? Anong lugar 'to?

"Are you okay?" -alalang tanong nya sabay hawak sa isang balikat ko.

"A-asan t-tayo?" lito kong tanong sabay libot nang paningin ko. Its an abandoned room I guess? Luma kasi at gawa sa kahoy ang silid. May nag iisang bombilyang ilaw din dito at mga sirang upuan at lamesa.

"I dont know either,Gf." sagot ni Third. Napalingon ako sa braso nya. And Oh My God! Nag sink-in agad sa utak ko ang lahat ng nangyari. Hindi pala yun panaginip!

"Dyos ko Third ang braso mo!" bulalas ko at hinawakan ito na nagpa daing sa kanya.

"A-ouch Gf! Masakit!" daing nya.

"Ay,ahh..sorry." hinging paumanhin ko. Pero nang mag sink in sa utak ko ang dahilan kong bakit sya nagka ganyan--

" BAKIT MO BA KASI GINAWA YUN HA?!" singhal ko sa kanya sabay palo nang kabila nyang braso.

"Ah-aray! Gf naman!" daing nya. Alam kung nasaktan sya dun sa ginawa ko pero--

"Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sayo ha?! Halos mamatay na ako nang mga oras na yun Third--

Agad na hinila nya ako sa batok ko para salubungin ako ng isang mahigpit na yakap. Umiiyak na kasi ako. Alam ko kasing ginawa nya yun para sakin eh.

Love Warning❗                   [COMPLETED]Where stories live. Discover now