Chapter 19 (Boundary)

5.7K 271 24
                                    

Pasensyahan nyu na 'tong sabaw kong UD.

Enjoy Reading!

Chapter 19

Sarina's Pov

Boundary

Nagising ako sa isang malamyos na haplos sa pisngi ko. Bakit parang pamilyar ang mga haplos na yun? Parang naramdaman ko na yun dati? Hmm..

Dahan-dahan na minulat ko ang aking mga mata at isang gwapo't naka ngiting nilalang lang naman ang nabungaran ko. How I wish to wake up like this all the time.

Di ko alam kung bakit pero napangiti nalang din ako sa kanya. I saw Third's reaction,natigilan sya,but after a while he smiled back.

"Dinners ready. You need to eat so that you can take medicine." -sabi nya.

Grabe...hapunan na pala. Ang haba pala ng tulog ko.

Tumango nalang ako at bumangon sa pagkakahiga,agad naman na tinulungan ako ni Third.

"How do you feel? Are you still dizzy? Is your wound still painful?" sunod-sunod nyang tanong.

Bakit ba ganyan ka Third? Bakit ba ganito mo'ko itrato? Iniiwasan nga kita pero...haay..tingin ko talagang huli na ang lahat at talaga bang nahuhulog na nga ako sayo ng tuluyan? Still Confused!

"Okay, dadalhin ko nalang ang pagkain dito. Mukhang di ka pa kasi okay." sabi nya ng di ako sumagot sa mga tanong nya. Pero agad na hinawakan ko ang braso nya para pigilan sya.

Natigil si Third at tumingin sya sa kamay kong nakawak sa braso nya papunta sa mukha ko.

"W-wag na. Kaya ko na namang tumayo e." sabi ko sa mahinang tinig tsaka dahan-dahang binitawan ang braso nya.

"Are you sure?" may pag'aalala parin sa kanyang boses.

Tumango ako at ngumiti ng tipid sa kanya.

Pagbaba ko sa kama at pagtapak ko sa sahig ay bigla nalang akong na out of balance kaya ngayon ay napasandal ako sa dibdib ni Third. Aish! Pambihira.

"Your still dizzy. Stay here I will--

Lumayo ako sa kanya tsaka umiling.

"Hindi na. Na-out of balance lang talaga ako." nahihiya kong sabi.

Binigyan naman nya ako ng "Are you sure look" kaya nginitian ko nalang sya ng tipid.

---

Pagdating namin sa kitchen ni Third ay ang daming naka handang pagkain.

Pinaupo nya ako at nilalagyan ng pagkain yung plato ko. Napatingin at pinapanood ko lang si Third sa ginagawa nya. Napaka responsable nya palang talaga. Kahit nag insist ako na ako nalang gagawa ng mga yun pero sya parin ang nasunod.

"Ikaw ba nagluto ng lahat ng 'to?" tanong ko para may mapag-usapan naman kami.

"Mmm.. maswerte ka,dahil ikaw palang nakakatikim ng luto ko." sagot nya at ngumisi sakin.

Sinamaan ko lang sya ng Tingin. Hangin parin! Psh.

"Eat now,then take your med after." sabi nya at umupo nadin sa harap ko. Isang small table lang ang nandito sa may kitchen area,pangdalawahan lang. May dining din naman talaga sya pero andun sa may sala banda.

Pero teka nga? Kaninong bahay ba'to?

"T-teka,asan ba tayo? Di naman i-ito yung kwarto mo diba?" takang tanong ko.

"Were at my Condo. Dont think and ask too much questions. Dont stress yourself. Eat now. Here,Try this one." sagot nya sabay lagay sa plato ko nung braded porkchop yata?

Love Warning❗                   [COMPLETED]Where stories live. Discover now