1. Love is in the air

893 159 23
                                    




Nagmamadali siyang bumaba sa kotse niya bitbit ang isang bouquet ng flower at chocolates na binili niya for her. Pagdating sa gate ay agad siyang nag-doorbell.

Napangiti siya ng makita ang pagbukas ng pinto. Napangiti ito ng makita siya. Agad na binuksan nito ang gate at pinapasok siya. Napatingin ito sa chocolates at flowers na dala niya.

"Kamusta, Shawn? Napadaan ka," nakangiting sabi ng Dad ni Aubrey.

"It's valentines day, Tito. May date po kami ni Aubrey. Sinusundo ko po siya," nakangiting sagot niya rito at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay.

He's at home. Tanggap siya ng pamilya ni Aubrey. Ganoon din naman ang pamilya niya rito.

"Shawn, can we talk?" sabi nito.

"Next time po, Tito. May oras kasi 'yong pupuntahan namin. Pupuntahan ko na po siya sa kuwarto niya," sabi niya rito at nagmamadaling tinungo ang kuwarto ng girlfriend niya.

They've been in a relationship since highschool. First girlfriend niya ito, at first boyfriend naman siya nito. Eight years na sila.

Walang katok-katok na dumiretso siya sa kuwarto nito. Pagkabukas ng pinto ay naamoy niya kaagad ang paboritong strawberry scent na ginagamit nito.

Malinis ang kuwarto. Everything was folded neatly. Walang na misplaced na gamit.

Napangiti siya ng makitang nakangiting nakatingin na ito sa kaniya. Malalaki ang hakbang na lumapit siya rito at niyakap ito nang mahigpit. He inhaled her scent. God, it's been only a week pero pakiramdam niya ay ilang taon niya na itong hindi nakikita.

Tinignan niya ang mukha nito. "You're so beautiful. I miss you." He said softly to her at iniabot dito ang flowers at chocolates.

She smiled at him. Kahit walong taon na sila ay hindi pa rin nababawasan ang epekto ng ngiti nito sa kaniya. He loves her so much sometimes it hurts.

"I miss you too," sagot nito. Her voice is like the wind. A soft whisper.

Hinalikan niya ito nang mabilis. "Are you ready?" tanong niya rito. Tumango ito sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay nito at sabay silang bumaba.

"Where are you going?" tanong sa kaniya ng Dad ni Aubrey.

"Magde-date lang po kami, Tito. Promise I'll bring her back in one piece," biro niya rito. Napansin niyang tila natigilan ito sa sinabi niya. Dahil pa rin ba sa aksidente noon?

"I'm sorry, Tito. I'm being insensitive. This time no more accident na po," sabi niya rito.

Napatingin ito sa kaniya at napabuntong-hininga. "Basta mag-ingat ka, Shawn." bilin nito.

Napangiti siya. "Just tell Tita kapag nakauwi na po siya na hiniram ko muna ang prinsesa njyo," nakangiting sabi niya rito at hinila na palabas ng bahay si Aubrey.

Paglabas ng gate ay napansin niyang nakasunod pala ang Dad ni Aubrey sa kanila at pinapanuod sila. Protective talaga ito. Lalo na noong highschool pa sila.



-----



He brought Aubrey in Clark open-field, Pampanga. There will be an early fireworks display. At ng hapon na 'yon ay may mga banda at singer na nagpe-perform. Couples are everywhere. Katulad nila, mga naglatag din ito ng sapin sa open-field. May food na rin sila ni Aubrey. Prepared yata siya.

"Are you okay?" tanong niya rito ng mapansing tahimik ito. Ngumiti ito sa kaniya at tumango. Nakaupo ito sa harap niya at yakap-yakap niya naman ito.

Aubrey (completed)Where stories live. Discover now