4. Love is selfless

398 144 15
                                    


May nakilala ka na bang taong hindi madamot? Yung grabeng magbigay? Yung tipong isusubo nya na lang, ibibigay pa nya sa iba? Yung umuulan ng malakas pero ibinigay pa nya sa isang matandang babae yung payong nya? Yung banggitin mo lang sa kanya na may problema ka, uunahin pa nyang tulungan ka sa problema mo kesa ayusin muna ang sariling problema nya.

Yung taong uunahin ang pangangailangan ng iba kesa sa sarili nya? Yung taong hindi magdadalawang-isip na ibigay ang oras at panahon nya sayo pag kailangan mo sya.

Ganung klaseng tao si Aubrey. Naaalala nya pang mabuti kung gano ito ka-selfless. Hindi man ito aware, she made him a better person. She taught him how to give without expecting something in return.

Kaya naman ng may batang palaboy syang nakita, hindi sya nagdalawang-isip na ibigay rito ang kabibili lang nyang burger and fries kahit pa gutom na gutom na sya ng mga sandaling iyon.

"Salamat po, Kuya." Masayang sabi ng bata. Napangiti sya rito. It's the least he can do. Good influence talaga si Aubrey sa kanya.

"Walang anuman. Mag-ingat ka ha. Umiwas ka sa gulo." Sabi nya rito. Tumango-tango ang bata sa kanya. Dinukot nya ang wallet nya at kumuha ng isang-daan. Ibinigay nya iyon dito. Nakita nya ang pagkislap ng mga mata nito.

"Salamat po." Naiiyak na sabi nito. Ginulo nya ang buhok nito gaya ng paggulo nya sa buhok ng kapatid nyang si Sean. Pero hindi ito nagreklamo gaya ng kapatid nya.

"Sige, mauna na ko. Mag-iingat ka ha." Bilin nya rito. Kakain kasi sila ng mama at kapatid nya sa labas. Treat nya dahil mataas ang grade ng kapatid nya. Sinusubukan nyang bumawi rito. Pinipilit nyang mapunan ang kakulangan sa buhay nito. Ang isang father figure.

"Salamat ulit, Kuya. May ipapakain po ako sa mga kapatid ko." Sabi nito. He was touched. If hindi siguro dumating si Aubrey sa buhay nya, hindi nya siguro mararanasan ang ganong klaseng bagay. Ang mapasalamatan ng taong hindi nakakakilala sa kanya.

Gusto nya sanang isama rin si Aubrey sa lakad nila, kaya lang naisip nyang gusto nyang makabawi sa family for being busy this past few months. Kinuha na lang nya ang cellphone nya at nag-text dito.

I miss you. See you soon.

Napangiti sya ng makitang nagreply agad ito sa text nya.

I miss you too. I love you.


-----




"Thankyou for this, Kuya." Nakangiting sabi ng kapatid nya sa kanya.

"Anytime, Sean. Ang tataas ng grades mo. I'm proud of you." Nakangiti ring sabi nya rito. Lalong lumaki ang ngiti nito. Bata pa lang si Sean, gustong-gusto na nitong pinupuri nya ito. Growing up without a father, sya na lang ang meron si Sean. Minsan nalulungkot sya para dito. Atleast sya nagkaroon ng chance ma makilala ang papa nila.

"Basta ako, proud na proud ako sa inyong dalawa. Napaka-swerte ko at kayo ang naging anak ko. Mga gwapo na hindi sakit sa ulo." Masayang sabi ng Mama nila. Nagkatinginan sila ng kapatid nya at sabay na napangiti. Inakbayan nilang pareho ang Mama nila.

"Mas maswerte kami dahil ikaw ang Mama namin." Sabay nilang sabi katulad ng dati.



-----




Tahimik lang silang kumakain. Nag-text sya kanina kay Aubrey pero hindi pa ito nagre-reply. Tinignan nya ulit ang phone nya. Wala pa rin itong text, pero napangiti sya ng makita ang wallpaper nya. It was their collage wacky pictures. He can't help but smile at their silliness.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Curious na tanong sa kanya ng kapatid nya.

"Wala." Sagot nya rito. Tinitigan sya nito at napatingin sa phone nya. Hindi na sya nakapag-react ng hablutin nito ang phone nya. Napatitig ito sa cellphone nya.

"Ah. Kaya ka pala ngumingiti. Tinitignan mo yung pictures nyo ni Ate Aubrey." Sabi nito at ibinalik ang cellphone sa kanya. Nagkibit-balikat sya. Wala syang planong mag-deny.

"Yeah. I texted her kanina pa, pero ang tagal nyang mag-reply. I already miss her." Sabi nya rito. They continue to eat silently. Patingin-tingin pa rin sya sa phone nya.

"I miss her too, Kuya." Sabi ng kapatid nya sa kanya. Napangiti sya rito at ginulo ang buhok nito.

"I'll tell her that." Sabi nya rito at nagpatuloy na silang kumain.

"On the other hand, I'll just invite her for dinner tommorow."



-----



Katatapos lang nyang mag-shower. Kumuha sya ng komportableng damit para ipantulog nya. Natigil sya sa pagsusuot ng damit ng makita ang repleksyon nya sa salamin. Napalunok sya habang tinititigan ang sarili. Noon, confident sya sa itsura nya. Ngayon, parang kinakain sya ng insecurities nya.

He traced the long scar in his face. Gusto nyang suntukin ang salamin. Hanggang ngayon ay dala-dala nya pa rin sa dibdib nya ang nangyari. It was hard to forget, lalong-lalo na kung araw-araw nyang nakikita ang reminder sa mukha nya. Napatingin sya sa leeg nya and saw a mark there. Tumama ito sa seatbelt nya. Hinawakan nya iyon. Hindi kasing lala ng peklat nya sa mukha ang marka na iyon. He looks at his arms down to his hands. He had a lot of cuts. Nag-marka ang mga iyon. Maraming bubog ang tumalsik sa kanya. Maswerte sya at walang tumama sa mata nya.

He exhaled sharply. Pakiramdam nya ay biglang sumikip ang paligid. Pakiramdam nya ay nasu-suffocate sya. Suddenly he find it hard to breathe. Minsan nahihirapan syang matulog. Hanggang sa panaginip kasi ay hinahabol sya ng aksidenteng muntik ng kunin sa kanya ang lahat. They survived. Kaya lang minsan pakiramdam nya ay na-stuck na sya doon. Hindi na sya makalabas. Nagmamadaling lumabas sya ng C.R at hinanap ang cellphone nya. Nagmamadaling tinawagan nya si Aubrey.

"Come on. Pick-up the phone." Nahihirapang huminga na sabi nya. He needs to hear her voice badly.

"Come on, Aubrey. Please." Bulong nya. He felt his body shaking. Pumikit sya at huminga ng malalim.

"Answer the phone please. I need to hear your voice." Nagpa-panic na sabi nya. Nang pakiramdam nya ay malapit na syang mawalan ng malay ay narinig nya bigla ang boses nito sa kabilang linya. Suddenly he can breathe. He's not shaking anymore. Instantly he calmed down. Ganun ang epekto nito sa kanya.

"Hello Shawn?" Sabi nito sa kabilang linya. He closed his eyes at pinakinggang maigi ang boses nito para pakalmahin ang sarili nya. Ayaw nyang pag-alalahanin pa si Aubrey.

"Shawn?" Tawag ulit nito sa kabilang linya. He exhaled slowly this time.

"Bakit ngayon ka lang sumagot?" Nagtatampong tanong nya rito. Naghintay sya sa sagot nito. Wala syang marinig na kahit anong ingay sa kabilang linya. Siguro ay nagpapahinga na ito kanina.

"I'm sorry. Ayos ka lang ba?" Tanong nito. Humiga sya sa kama nya at tumingin sa kisame.

"Yes. I'm fine. Nami-miss lang kita." Sabi nya rito.

"I know, Shawn. I miss you too." Sagot nito sa kanya. Napapikit sya. Her voice soothes him. Tuluyan ng kumalma ang pakiramdam nya.

"I wish you were here with me now." Malambing na sabi nya rito.

"What happened?" Tanong nito. Huminga sya ng malalim.

"I think I almost had a breakdown." He said honestly. Hindi agad sumagot si Aubrey. Pinakiramdaman nya ang kausap sa kabilang linya. Tahimik lang ito.

"Are you still there?" Tanong nya rito. And then he heard it. Ang paghikbi nito. Pinag-alala na naman nya ito.

"Stop blaming yourself, Shawn. Tapos na yun. I want you to focus in the future. I want you to just let it go. Please Shawn." She said soothingly. He smiled bitterly. He want that too. He wanted it badly.




-----

Aubrey (completed)Where stories live. Discover now