11. Love is mysterious

299 127 14
                                    

"Shawn? San ba tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ni Aubrey sa kanya. Napangiti sya rito. Kanina pa ito nagtatanong sa kanya, pero kahit maliit na clue ay wala syang sinasabi rito.

"Surprise nga di ba? Edi hindi na surprise yon pag sinabi ko sayo." Natatawang sabi nya rito.

Hindi nagtagal ay nakarating na rin sila sa pupuntahan nila. Nagtatakang napatingin ito sa kanya.

"Bakit mo ko dinala dito?" Tanong nito. Napangiti sya.

"I just want to be alone with you." Dinala nya ito sa cabin nila sa may tagaytay. The place is peaceful. At ang isang bagay na gustong-gusto nya sa lugar na iyon ay ang malayo ito sa mata ng mga tao.

Maliit lang ang cabin. May isang kwarto at maliit na kitchen. Maliit lang ang sala at mayroon itong isang C.R.

Napapaligiran ang Cabin ng mga puno at wild flowers. Sariwa rin ang hangin. The place is perfect to unwind. Maganda ang lugar na iyon para makapag-relax. Maganda ang lugar na yon to clear your mind.

"Anong meron?" Tanong nito.

"Wala naman. Gusto lang talaga kitang makasama." Sabi nya rito.

"May problema ba, Shawn?" Tanong nito sa kanya. Inakbayan nya ito.

"Nothing. Gusto lang kitang ma-solo. Nami-miss na kaya kita." Sabi nya rito.

At iyon ang totoo. Nami-miss na talaga nya ito. Bukod pa doon, nagdududa na rin sya sa ikinikilos ng mga tao sa paligid nya. Parang may mga alam sila at sya lang ang walang kahit na anong ideya. Pati si Aubrey ay naglilihim na rin sa kanya.

Madalas nyang makita na malungkot ito. Na tila may malalim na iniisip. Napapansin rin nyang may hindi ito sinasabi sa kanya. Na tuwing tinatanong nya ito kung may dapat ba syang malaman ay iniiba nito ang usapan. Hindi nya na alam ang gagawin nya.

That's why he brought Aubrey here. Umaasa sya na baka pag sila lang dalawa ay may masabi na ito. Na baka kailangan lang nilang mag-solo.



-----




Have you ever wonder why you met a certain person? Kung bakit nag-krus ang landas nyo? Kung panong sya ang nakilala mo? Kung bakit kayo ang pinagtagpo ng tadhana?

Sa dinami-rami ng naglalakad, bakit sya ang nabangga mo? Sa dinami-rami ng estudyante, bakit sya ang naging seatmate mo? Sa dinami-rami ng pasahero, sya pa ang nakatabi mo? At sa dinami-rami ng libro sa library, bakit iisang libro lang ang hinahanap nyo?

Sa dinami-rami ng ibang contestant nung araw na unang beses nyang makita si Aubrey, hindi nya alam kung bakit sa ngiti sya nito nahumaling. Hindi nya alam kung bakit naubusan ng upuan sa canteen at yung sa harap nya na lang ang bakante. Hindi nya alam kung bakit sa dinami-rami ng naghahanap ng upuan na yon ay si Aubrey lang ang nakapansin sa bakanteng upuan sa harap nya. Hindi nya maintindihan kung bakit umulan bigla non ng malakas kahit maganda naman ang araw, kaya isinukob sya ni Aubrey sa dala nitong payong. Sa dinami-rami ng tao non, hindi nya alam kung bakit sya ang pinasilong ni Aubrey.

So you see, wala syang alam kung bakit sa dinami-rami ng tao at pagkakataon, sila ni Aubrey ang pinagtagpo. Wala syang alam.

Ang alam nya lang ay kailangan nya ng isang Aubrey sa buhay nya. Ang alam nya lang ay sa simula pa lang ay nahulog na ang loob nya rito. Ang alam nya lang ay mahal din sya nito. Iyon lang ang alam nya, at iyon lang ang mahalaga para sa kanya.

It is still a mystery to him why they ended up together.




-----




Tahimik silang nakaupo sa damuhan at hinihintay ang pagsikat ng araw. They are cuddled up with each other. Nakapulupot sa kanila ang isang makapal na kumot. Hindi sila natulog. Nag-kwentuhan lang sila magdamag hanggang sa mag-umaga na nga.

"Gusto mo ba ng coffee?" Tanong nya sa tahimik na si Aubrey. Nakasandal ang ulo nito sa balikat nya. Mas inilapit nya ito sa kanya.

"Let's just stay like this for a while." Sabi nito sa kanya.

"Hindi ka ba nilalamig?" Tanong nya rito. Mas sumiksik ito sa kanya.

"You're the only warmth I needed, Shawn." Sagot nito. Hinalikan nya ang sentido nito at tahimik na pinanuod lang nila ang pagsikat ng araw.

New day. New life.

Sunrise is a beautiful thing. For him, it symbolizes hope and promise. A hope for a new beginning. A promise of a new life.

"Gusto ko kahit seventy five na tayo ay nanunuod pa rin tayo ng sunrise ng magkasama." Sabi nya kay Aubrey.

"Gusto ko rin yun, Shawn." Narinig nyang sabi nito.

"Tuwing maiisip ko na ikaw ang makakasama ko sa pagtanda ko ay nae-excite na kong tumanda na kasama mo. I love you so much, Aubrey." Sincere na sabi nya rito. Humarap ito sa kanya. Nagulat sya ng makitang may luha sa mga mata nito.

"Gusto ko ring tumanda na kasama ka. Marami akong gustong gawin na kasama ka, Shawn. But I can't always be there for you. May mga bagay na kailangan mong gawin mag-isa. Kahit gustuhin ko man na manatili lang sa tabi mo." Naiiyak na sabi nito. Pinunasan nya ang luha nito at hinalikan ito sa noo. Huminga sya ng malalim at napalunok.

"May mga gagawin pa tayo ng magkasama, Aubrey. Hindi pwedeng wala ka. I need you to be with me. Hindi mo ko pwedeng iwan." Nanginginig ang boses na sabi nya rito.

"Shawn, Please. I need you to be better. I want you to be a better person. There is more to life, Shawn. Explore your world. You have big dreams, Shawn. Don't be stuck with me." Seryosong sabi nito sa kanya. Umiiling na niyakap nya ito ng mahigpit.

"Anong ginagawa ni Mike sa inyo, Aubrey? Bakit biglang dun na muna sya titira sa inyo?" Tanong nya rito.

"He just need a place to stay, Shawn." Sagot nito sa kanya.

"You're lying to me, Aubrey. Please. Tell me the truth." Pagmamaka-awa nya rito.

"Stop thinking too much, Shawn." Sabi nito sa kanya.

"Natatakot ako, Aubrey. Bakit ba ayaw nyong sabihin sakin ang totoo? Wala ka bang tiwala sakin? Wala ba kong karapatang malaman kung ano yon?" May hinanakit na sabi nya.

"Ssshh. It's okay. Magiging okay din ang lahat." Sabi nito sa kanya. Malungkot na tinignan nya ito.

"Paano kung hindi? Pano kung hindi na maging maayos ang lahat?" Tanong nya rito.

"You're going to be okay." Maikling sagot nito.

"I want us to be okay. Ikaw at ako. Tayong dalawa. Kung wala ka, wala din ako, Aubrey." Sabi nya rito.

"You are you. Ikaw si Shawn. Ako si Aubrey. Kapag nawala ako, meron pa ring ikaw. Don't waste your life, Shawn." Sabi nito sa kanya.

"May mga pangarap pa tayo ng magkasama. May mga bagay pa tayong gagawin." Umiiyak na sabi nya.

"That dreams are yours now, Shawn. Live your life for me." Sabi nito sa kanya. Naramdaman nya na lang na nag-uunahan ng bumagsak ang mga luha nya.

"You're going to leave me, aren't you? Hindi ako papayag Aubrey. Hindi kita papakawalan. Hindi kita bibitawan. Ikaw at ako. For life, Aubrey. Ikaw ang nagsabi sakin non. So whether you like it or not, we're stuck with each other. For the rest of our lives." Seryosong sabi nya rito. Dahan-dahang tumulo ang mga luha nito.

"I love you, Shawn. I love you. You're going to be okay. Everything will be okay."



-----

Aubrey (completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora