20. Love is goodbye

429 121 12
                                    


Naranasan mo na bang magpaalam sa isang tao? Mahirap di ba? Lalo na kung hindi mo naman talaga sya gustong umalis? Nagpaalam ka na ba sa mangingibang bansa? Sa isang kababata na lilipat ng tirahan? Sa isang kaibigan na mawawala ng matagal na panahon? Sa isang malapit na kaklase na lilipat ng ibang eskwelahan? Sa kamag-anak na babalik ng probinsya? Sa kalarong ilang taon bago mo ulit makita? Sa bagong kakilala na nakasama mo? Sa ka-trabaho na hindi mo na makakasama?

Hindi madaling magpaalam di ba? Masakit. Pero madalas wala tayong choice. Wala tayong choice dahil hindi natin hawak ang sitwasyon. Kahit ayaw natin ay kailangan nating tanggapin.

Pero pano ka magpapaalam sa taong ayaw mong mawala sa buhay mo? How can you say goodbye to the person you love the most?

How can he say goodbye to Aubrey? Hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ng sistema nya na wala na ito. Na ang mga sandaling pinagsaluhan nila ay gawa-gawa lamang ng kanyang imahinasyon.

Paano nya magagawang magpaalam rito kung hindi pa sya handang mawala ito sa buhay nya. Hindi nya kaya. Hindi nya matatanggap.

Bakit kasi hindi na lang sya ang nawala? Bakit hindi na lang si Aubrey ang nakalabas at sya ang naiwan sa sasakyan? Bakit hindi nya na lang pinili na makinig rito? Bakit?

Hindi nya alam kung matatanggap ba nya na hindi nya na ito makikita. Hindi na mahahawakan. Hindi na makakausap. Kahit gano karaming beses ng sinabi sa kanya na kailangan nya ng bitiwan ito, na kailangan nya na itong pakawalan, na kailangan nya ng magpaalam, hindi nya kaya.

He can't say goodbye to her. Hindi nya kaya. It was his fault.





-----





Nangangatog na umupo sya sa harap nito. He looked at her. She had the most beautiful smile he ever laid eyes on. Her eyes sparkles whenever she smiles. Pinunasan nya ang luhang nakatakas sa mga mata nya.

"Hi Aubrey." Nangangatog na simula nya. Tinitigan nya ulit ang litrato sa puntod nito. Sa pictures nya na lang makikita ang mga ngiti nito. Hanggang sa litrato na lang. Naramdaman nya ang pag-ihip ng hangin.

"I miss you. I miss you so much." Pumiyok na ang boses nya. He touched her picture. He read what's written on her tombstone.



Aubrey C. Montello

March 5, 1990 - June 8, 2014

A loving daughter, friend, and girlfriend. You'll be surely missed. We love you.



Hindi nya na napigilan ang tuloy-tuloy na pagpatak ng mga luha nya. He still can't believe it. She's gone. Wala na ito. Wala na si Aubrey. Wala na ang babaeng mahal nya.

"I'm sorry, Aubrey. I'm so sorry." Humihikbing sabi nya rito. Hindi nya alam kung anong sasabihin nya. Alam nyang wala ng silbi ang sorry nya. Hindi maibabalik ng sorry ang buhay ng babaeng mahal nya. Hindi na kahit kailan pa babalik ito sa kanya.

"Hindi ko ginustong mangyari to. If I could, Aubrey, I would turn back the time. I'm sorry this happened." Umiiyak na sabi nya. The cold wind enveloped him. He'd like to think that it's Aubrey trying to comfort him. He'd like to think that she's there. How he wish that she is there with him.

"Sana ako na lang. Sana ako na lang ang nawala, Aubrey. I'm lost, Aubrey. It's all my fault. Sana nakinig na lang ako sayo. Sana hinayaan na lang kitang magpaliwanag. Sana hindi nangyari to. Sana nandito ka pa. Kung alam ko lang, Aubrey.. If only I knew. I would let you go." Humahagulgol na sabi nya. His tears are falling freely.

He touched Aubrey's tombstone. How he wish na sana pangalan nya na lang ang nakasulat don. Na sana hindi picture ni Aubrey ang nakalagay don. Sana sya na lang.

"Sana pinakawalan na lang kita. Sana hinayaan na lang kitang tuparin ang pangarap mo." Umiiyak pa rin na sabi nya. Sana nga ganun na lang ang ginawa nya. He did not realize that it was better to lose her for a while, than to lose her forever. It's too late.

"Sa sobrang takot ko na iwan mo ko, nawala ka ng tuluyan sakin." Nakagat nya ang ibabang labi nya. He punched the ground beside Aubrey's tombstone. How could he? Walang ginawa si Aubrey kundi ang unawain at mahalin sya. How can he be so selfish? He punched the ground repeatedly.

"Hindi ko kaya, Aubrey. I need you." Mahinang sabi nya. Naramdaman nya ang pagsimoy ng malamig na hangin. Tulalang napatitig lang sya sa picture ni Aubrey. She is so beautiful. She is full of life. He had taken everything away from her. Her future. Her dreams. Her plans. Her life.

"Naririnig mo ba ko? Are you there, Aubrey? Please. I need you." He said defeatedly. Yumuko sya at niyakap ang mga tuhod nya. Mukha syang batang naliligaw. He's lost.

Naalala nya kung pano sya gumawa ng paraan para makilala si Aubrey. Napangiti sya sa kabila ng lungkot na nadarama nya. Napangiti sya kahit pa may mga luhang pumapatak sa mga mata nya.




"Pre, ano na? Malapit na ba sya?" Natatarantang tanong nya sa kabarkada nya.

"Putek! Kumalma ka nga. Ayan na sya! Malapit na! Pumwesto ka na." Sabi nito. Nagtago sya sa gilid ng pader. Nasa gilid lang ng terrace ang kaibigan nya. Ito ang magbibigay sa kanya ng go signal. Mga ilang sandali pa ay nakita nya ang pag-thumbs up nito. Nagmamadaling lumabas sya sa pwesto nya at sinadyang banggain ito.

"Ay palakang kokak." Sambit nito. Nakita nya ang pag ngisi ng kaibigan nya at umalis. Tinanguan nya muna ito bago tinulungan ang babae.

"I'm so sorry, miss. Hindi ko sinasadya." Sabi nya rito at inabot rito ang mga gamit nito.

"Okay lang. No problem." Nakangiting sabi nito. He almost sighed. Ang ganda talaga nito.

"Ahm, I'm Shawn." Pagpapakilala nya rito. Naglahad sya rito ng kamay. Nakangiting inabot nito ang kamay nya.

"Aubrey."




Napalunok sya. Tinakpan nya ang bibig nya para takpan ang paghikbi nya. Sinayang nya lahat. Sinayang nya.

"I love you, Aubrey. Mahal na mahal kita. I'm so sorry." Pumipiyok ang boses na sabi nya. Naramdaman nyang may humawak sa balikat nya.

"It's okay, Kuya. You'll be okay. Nandito lang ako. Nandito kami." He heard the sadness in his voice. Mas lalo syang naiyak.

"It's all my fault, Sean. This is all my fault." Umiiyak na sabi nya. Lumuhod ito sa tabi nya at niyakap sya. Napakapit sya rito. He needed a support. He needed someone to lean on.

"Minahal ka ni Ate Aubrey, Kuya. I know her enough para masabi sayo na napatawad ka na nya. I'm sure hindi sya matutuwa na makita kang nasasaktan ng ganito. She would want you to live your life. Live your life, Kuya. You owe that to her." Naiiyak rin na sabi nito.

"She's my life. She's my everything. She's my world. And now she's gone! Wala na sya, Sean. Wala na sya!" Umiiyak na sabi nya. Niyakap lang sya ng mahigpit ng kapatid nya. Hinayaan lang sya nitong magsalita.

"I need her, Sean. She is my light." Patuloy nya.

"You have to go on, Kuya. Please. Do it for her. Kahit para sa kanya na lang. Kahit para kay Ate Aubrey na lang." Umiiyak na sabi nito. Bumitiw sya sa pagkakayakap dito at hinaplos ang picture ni Aubrey.

"I just want to be with her, Sean. I just want to be with, Aubrey."




-----



So, what do you think? Take a wild guess kung anong ending guys.

Follows, votes, and comments are highly appreciated. Thankyou.

Aubrey (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon