8. Love is boring

298 138 11
                                    

Napabuntong-hininga sya at marahang kumatok sa pinto. Mga ilang sandali pa ay bumukas iyon. Nakita pa nya ang gulat sa mukha ng kapatid nya. Matapos kasi ng nangyari sa kanila ay hindi sya makatulog ng maayos. Tinawagan pa nga nya si Aubrey. Pinagsabihan sya nito. Wag daw syang matutulog ng may samaan pa sila ng loob ni Sean. As if namang makakatulog sya. Kaya nga nya ito tinawagan in the first place. Hindi kasi sya makatulog.

"Kuya?" Nagtatakang tanong nito. Napansin nya ang pasa nito. Nagi-guilty talaga sya. Nasaktan nya ang kapatid nya. Bakit ba kasi hindi nya mapigilan ang sarili nya? Bakit ba kasi ang bilis nyang magalit?

"Can we talk, Sean?" Mahinahong tanong nya rito. Nag-aalangang pinapasok sya nito sa kwarto.

"About what, Kuya?" Tanong nito. Sumandal sya sa table nito.

"Sa nangyari kanina. I'm sorry, Sean. Hindi ko sinasadyang mapagbuhatan ka ng kamay." He sincerely apologized. Tipid na nginitian sya nito.

"It's okay, Kuya. Naiintindihan ko." Sagot nito sa kanya. Mabilis na umiling sya.

"Hindi okay ang ginawa ko, Sean. What I did was wrong. I'm so sorry." Sabi nya rito.

"We're cool. Magkapatid tayo eh." Cool na sabi nito at nakipag-fistbump pa sa kanya. Natawa sya ng bahagya. Sean is very matured for his age.

"I'm sorry again, Sean. Ayoko lang ng nadadamay si Aubrey sa usapan." Sabi nya rito.

"I know, Kuya. Sorry din kung sa palagay mo ay binabastos ko sya." Sabi nito sa kanya. Tumango sya rito. Well, atleast okay na silang dalawa ng kapatid nya.

"I'm sorry about your face." Sabi nya rito at itinuro ang pasa nito.

"Gwapo pa rin naman ako." Mayabang na sagot nito. Bahagya syang natawa rito. Gusto nya sanang sabihin rito na mas gwapo sya kesa rito, kaya lang ay nakita nya ang mukha nya sa salamin. Napailing sya sa nakita nya.

"Kuya, can I ask you a question?" Narinig nyang sabi nito. Tumingin sya rito.

"Ano yun?" Tanong nya rito. Napabuga ito ng hangin bago nagsalita.

"Palaging si Ate Aubrey ang nasa isip mo. Palaging sya ang gusto mong makasama. You want to spend your time with her. Aren't you bored?" Tanong nito sa kanya.

"No. Being with her is enough for me." Sagot nya rito.

"Don't you want to do something else? Hindi mo ba naiisip na baka nasasayang na ang oras mo? May mga plano ka noon di ba?" Sabi nito sa kanya.

"My plan now is just to be with, Aubrey. Wala na kong iba pang plano, Sean." Sagot nya rito. Nakita nya ang lungkot sa mga mata nito.

"Pano na ang mga pangarap mo noon, Kuya?" Tanong nito sa kanya.

"Hindi na yun mahalaga. Natupad na ang pangarap ko ngayon. Ang makasama si Aubrey. Masaya na ko don, Sean."



-----




"Shawn, may dumating na sulat para sayo." Sabi ng Mama nya at inabot ang sulat sa kanya. Nangunot ang noo nya ng makita kung ano iyon.

"Ano yan, Kuya?" Tanong sa kanya ng kapatid nya.

"Wala. Hindi na importante." Sabi nya at itinapon sa basurahan ang sulat. Nagmamadali naman itong kinuha ni Sean at binasa.

"Kuya, pangarap mo to ah." Nanlalaki ang matang sabi nito. Yeah. Pangarap nya iyon noon. Pero noon yon. Nakatanggap kasi sya ng promotion. May dalawa syang choices. Mag-stay sa bansa or mag-work sa America. Obviously, wala syang planong umalis ng pilipinas.

Aubrey (completed)Where stories live. Discover now