12. Love is addictive

284 127 16
                                    


Naalala nya noong bata pa sya. Gustong-gusto nya ang tigpi-pisong tsokolate na hugis barya na ibinebenta sa tapat ng eskwelahan na pinapasukan nya. Araw-araw syang bumibili non. Kaya nga umiyak sya noon maghapon nung mabalitaang nagsara na ang tindahan na iyon. Ilang araw syang nagmukmok noon. Kung anu-ano ng ibinigay sa kanya ng Mama nya, pero yung tsokolate lang na yun ang gusto nya.

Hindi nya rin alam kung anong meron sa tsokolate na yun. Ang sabi noon ng nagtitinda sa kanya ay may halong pagmamahal daw ang sangkap ng tsokolate na yun. Inisip nya noon na kaya siguro masarap ang paborito nyang tsokolate ay dahil may halo itong pagmamahal. Kaya sa murang isip nya ay tumanim na sa utak nya na masarap ang magmahal. Lalo na kung buo. Dahil ilang bahagi lang ba ng pagmamahal ang hinalo sa tsokolate na iyon pero masarap na ito. Pano pa kaya kung buong pagmamahal ang inilagay don?

Bata pa lang tumanim na sa isip nya na masarap ang magmahal. Na kasing tamis ng paboritong tsokolate nya na iyon ang pag-ibig.

Kaya nung nagsara ang tindahan na yon ay parang nawasak din ang batang puso nya. Nawala ang first love nya. Iniwan sya.

Hindi nya maintindihan noon kung bakit lagi syang pinapagalitan ng Mama nya tuwing araw-araw sya bumibili ng tsokolateng iyon. Hindi daw iyon makabubuti para sa kanya. Ang alam nya lang ay masarap ito. At hindi pwedeng lumipas ang isang buong araw na hindi sya nakakabili non.

Isang araw ay sumakit ang ngipin nya. Sinabi sa kanya ng Mama nya noon na dahil iyon sa kakakain nya ng tsokolate na iyon. Pero sabi ng nagtitinda sa kanya noon ay may halo iyong pagmamahal. Bakit sya nasaktan? Nananakit ba ang pagmamahal?

Ngayon, naiisip nya na sumakit ang ngipin nya noon dahil nasobrahan na sya. Hindi pala talaga maganda ang sobra.

Sa ngayon kasi ay hindi na ngipin ang sumasakit sa kanya. Ang puso nya na.

He was so addicted to that chocolate before, just like how addicted he was to Aubrey now.



-----




"Shawn? What a surprise. What brings you here?" Gulat na sabi sa kanya ni Mike. Aubrey's cousin.

"Sa tingin ko alam mo na kung bakit pinuntahan kita dito ngayon." Sagot nya rito. Pinuntahan nya kasi ito sa hospital na pinapasukan nito ngayon. Hindi nya na kayang manahimik lang. He needs to know.

"Actually, hindi ko alam kung bakit ka nandito ngayon." Sagot nito sa kanya. Gusto nyang suntukin ito sa mukha. Hanggang kailan ba magsisinungaling ang mga ito sa kanya?

"Don't act dumb. Anong tingin nyo sakin? Tanga? I know may problema si Aubrey. I know she's hiding something from me. I know magkaka-kuntsaba kayo. But I'm worried about her." Sabi nya rito. Nakita nya ang panlalaki ng mata nito. Nakita rin nyang napalunok ito. Maya-maya ay nakita nya ang pag-aalinlangan sa mukha nito. Matagal itong nag-isip bago sumagot.

"Look, Shawn. I'm sorry. Pero hindi ako ang tamang tao para magsabi sayo. Wala ako sa tamang lugar. You're asking the wrong person. I'm sorry." Puno ng simpatya na sabi nito.

"Please Mike. Mahirap manghula. Natatakot akong mawala sya sakin. I need to know. Ano bang problema?" Pagmamaka-awa nya rito. Malungkot ang mukha nito. Nakikita nya ang awa sa mga mata nito. Wala na syang pakelam sa pride nya. Kung kinakailangan nyang magmaka-awa rito ay gagawin nya. Because he's willing to do everything for Aubrey.

"I'm so sorry, Shawn. I really am. I really wish there's something I can do to help you." Narinig nya ang lungkot sa boses nito. Naiinis na napaupo sya. Hindi na sya nag-abala pang punasan ang luha nya. What's the point? Wala na rin naman syang pride in the first place.

"Please Mike. Kahit clue lang. Natatakot ako. I can't lose her, Mike. As the days passed by, she's slowly slipping away. Napapansin kong dahan-dahan syang nawawala sakin. Please. Help me." Umiiyak na sabi nya rito. Naramdaman nya ang kamay nito sa balikat nya.

"You just need to learn how to accept some things, Shawn." Makahulugang sabi nito. Marahas na pinahid nya ang mga luha nya.

"Just tell me something, Mike. Please. For Aubrey's sake. I want to be there for her too." Sabi nya rito. Tinignan sya nitong maigi. Nandun pa rin ang simpatya sa mukha nito.

"What gives you the impression that she needs you, Shawn? What makes you think na may problema?" Tanong nito sa kanya.

"I can feel it, Mike." Simpleng sagot nya rito.

"I'm sorry that you have to go through this, Shawn. But I can't tell you anything. I'm sorry." Sincere na sabi nito. Masama man ang loob ay tumango pa rin sya rito.

"Malalaman ko rin ang lahat, Mike. Sabihin mo man sakin o hindi. Itaga mo yan sa bato." Sabi nya rito.

"I know." Maikling sagot nito.

"I'm sorry for wasting your time. Aalis na ko." Sabi nya rito at tinungo na ang pinto.

"Shawn, whatever it is, you have to be strong. Don't let the darkside clouds up your mind." Seryosong sabi nito.

"You better help me then. Because Aubrey is the only person that can clear my head."



-----




"Shawn? Ano ba to? San ba tayo pupunta?" Tanong nito sa kanya. Pagkagaling kasi sa ospital na pinapasukan ni Mike ay pinuntahan nya agad si Aubrey. Hinila nya na lang ito agad. Kaya ngayon ito sila, nasa sasakyan at higit dalawang oras ng nagbi-biyahe.

"Faraway from there. Faraway from them." Simpleng sagot nya rito.

"Does your family know?" Tanong nito.

"No. At hindi din alam ng parents mo na tinangay kita." Sagot nya rito.

"I don't think you're thinking clearly, Shawn. May problema ba? Baka mag-alala sila sayo?" Seryosong sabi nito. Huminga sya ng malalim. Yes, biglaan ang naging lakad nila. Hindi sya nag-isip ng maayos. Pero tsaka na nya iisipin ang consequences pag nakauwi na sila. Right now, sa kanya lang si Aubrey.

"Yes, may problema. You've been hiding something from me, Aubrey. Ayun ang problema ko. Wala ka bang tiwala sakin? O baka hindi mo na ko mahal?" Sabi ny rito.

"I'm fine, Shawn. Please. Stop this. I love you. Alam mo yun." Seryosong sagot nito.

"Then tell me what's wrong, Aubrey. Hindi ako manghuhula." Sabi nya rito.

"San mo planong magpunta, Shawn?" Tanong nito. Napangiti sya ng mapakla ng iwasan nito ang tanong nya.

"I don't know. Hindi ko din alam." Sagot nya rito. Hinawakan nito ang balikat nya.

"Pull over, Shawn." Mahinang sabi nito. Itinabi nya ang sasakyan at huminto. Napapikit sya ng hawakan ni Aubrey ang peklat nya sa mukha.

"What's the problem, Shawn?" Tanong nito. Nakagat nya ang labi nya ng gustong kumawala ng hikbi nya.

"Tell me, Shawn." Masuyong sabi nito.

"I can't lose you, Aubrey. Natatakot akong mawala ka." Naiiyak na sagot nya rito. Masuyong pinunasan ni Aubrey ang mga luha nya.

"Did you know how much I believe in you, Shawn? Did you know how strong you are? Alam mo bang ikaw ang sinasandalan ko tuwing nanghihina ako? Naniniwala ako sa kakayahan mo, Shawn. I know you can. Hindi ka pa nagsisimula alam ko agad na kaya mo yung tapusin. Shawn, I know you can. Kaya mo." Sincere na sabi nito sa kanya. Umiiyak man ay hindi nya napigilan ang halikan ito. He can feel it. She's slowly drifting away. Pero hindi sya susuko. Malalaman nya ang problema at gagawin nya ang lahat para wag ito mawala sa kanya.

"I know I can. I know I can live without you, Aubrey. I just don't want to."



-----

Aubrey (completed)Where stories live. Discover now